pito

10 0 1
                                    

Natapos na ang final exams namin. Ibig sabihin din noon ay huling araw na ng klase namin. Sa silid-aklatan ako lagi nananatili pagkatapos ng exam dahil hinihintay ko ang sundo ko. Pagkatapos kong magpaalam sa aking mga kaklase at kaibigan, pumunta na ako doon.

Alas dos na ng hapon noong narinig kong bumukas ang pintuan. Paglingon ko si Ma'am Alva pala. "Katrina. Mag-usap tayo. Tara dito." Inimbitahan niya ako sa sofa sa may gitna ng silid. Pinaupo niya ako sa tabi niya.

"Hindi na kita natanong dahil abala na kayo pagkatapos pero anong masasabi mo sa play niyo?" Alam niya ba 'yong nangyari? Baka sinabi na naman nila Nikki. Hay nako.

Napangiti ako, pero hindi masaya, siguro sarkastiko. "Ayos lang po." Napaayos siya ng upo nang marinig niya 'yon. "Sa tanda kong 'to alam ko na kung aling 'ayos lang po' ang totoo." Luh. Akala mo naman ang tanda na talaga. Bente uno anyos ka pa lang kaya. Hmp.

Yumuko ako at ngumiti ulit. "Nabigo ko ang sarili ko, pati na rin lahat ng nando'n" Naramdaman ko ang kamay niya sa ulo ko. Ginagawa na naman akong aso nito. "Pero sinusubukan ko na lang pong tanggapin. Nangyari na e." Malungkot kong sinabi.

"Tama 'yan, pero alam mo kung ano ang mali do'n sa sinabi mo? 'Yong bahaging sinabi mo na nabigo mo sila. Ewan ko lang sa mga nanonood pero sa mga mata ko 'yon ang pinakamaayos na pagtatanghal na ginawa ng makukulit mong kaklase, at 'yon ay dahil hindi ka sumuko at nagpursige ka na maging maganda ang gawa niyo. Hindi natin maiiwasan ang mga gano'ng pangyayari. Ang mahalaga ay matuto tayo sa mga pagkakamali natin at huwag nang ulitin ito sa susunod. 'There's always room for improvement' ika nga nila." Hinaplos niya ang buhok ko habang sinasabi niya 'yon. Kaya ayon, heto ako hindi alam kung malulungkot pa ba ako o kikiligin na.

"Pasensya na kung nasayang din po 'yong tiwala niyo sa akin." Nilalaro ko na naman 'yong kuko ko. Bakit naman ako kinakabahan?

"Ano ka ba? Hindi nasayang ang tiwala ko sa iyo kasi ginawa mo naman ang nakaatas sa iyo. Teka, ba't parang sobrang isinapuso mo naman 'yon?" Matawa-tawa niyang sinabi, pero pakiramdam ko hindi niya kukunin ang "kasi tiwala 'yon" bilang sagot.

"Kasi 'yong tiwalang 'yon, galing po sa iyo." Sinasabi ko sa 'yo, Nachi pag kung saan napunta itong usapan na 'to.

"Ano mayro'n sa 'kin?" At 'yon na nga nababaliko na 'yong usapan. "Wala po ba kayong himaton na nakukuha sa akin?" Tanong ko sa kaniya. Seryoso? Sa lahat ng ginawa ko buong taon wala siyang naramdamang kakaiba? "Wala. Ano ba iyon?" Binalik niya sa akin 'yong tanong. "Wala. Wala po." Pagwawalambahala ko.

"Nandito na rin naman tayo, Katrina kaya sabihin mo na. Makikinig lang ako." Nako po. Mukhang hindi na ako makakatakas. Sige na nga, ghorl. Sabihin mo na.

Nagsimula nang mangamatis ang mukha ko. Kasimbilis na ng tunog ang tibok ng puso ko. Binaon ko ang mukha ko sa mga kamay ko bago binulong, "M-Mahal ko po kayo, sampung buwan na."

Walang HimatonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon