tatlo

10 1 2
                                    

Sa sumunod na araw, siya ang guro namin bago ang recess. Isang oras. Isang oras ko ulit siyang matititigan. Marami akong litrato niya sa cellphone ko pero iba talaga ang ganda niya sa personal. Tinatago niya pa 'yong pagkabilog ng mukha niya. 'Yon nga mas nagpapa-cute sa kaniya e. Pati na 'yong maliit niyang mata saka 'yong biloy sa parehong pisngi niya. Hay. Nakakabakla.

"Ngayon, kapag may nakita kayong..." Nagpatuloy siya sa kaniyang pagtuturo nang walang kaalam-alam sa tindi ng pagtitig ko sa kaniya. Nagsisimula nang mag-ingay ang klase, parang alam ko na ang mangyayari.

Biglang nahulog 'yong isa kong kaklase sa silya niya at naghagalpakan sila ng kaniyang mga kaibigan. "Ano ba 'yan? Sa ibang guro naman ang tahimik niyo pero sa klase ko ganito kayo? 'Di porke gurong tagapagpayo niyo ako winawalang-hiya niyo lang ako?!" Tumaas ang boses ni Ma'am Alva at natahimik ang buong klase.

Ganiyan talaga siya magalit. Nakakatakot. Nakakakaba. Nagiging dragon siya ng wala sa oras, pero kahit gano'n ang ganda niya pa rin. Jusko. Hindi na ata ako normal. Hindi ko siya maseryoso pag galit siya, kaya 'di na lang ako tumitingin. Well, hindi naman na talaga ako normal mula no'ng nagustuhan ko siya unang araw pa lang ng klase. Hay.

"Pagpapatuloy, ito ang isang halimbawa ng paggamit ng pang-uri." Mabilis siyang nagpapaypay gamit ang pamaypay niyang mabulaklak kahit napakalamig naman sa silid naming naka-aircon. Ganiyan siya pag galit. "Masarap ang adobong niluluto ni nanay. O, 'yong adobo ang masarap d'yan ha, hindi si nanay." Dapat niyang sasabihin 'yon bilang isang pagtataray sa amin, subalit huli na no'ng napagtanto niya kung ano nasabi niya. Nagtatawanan na kami sa klase. Dulot nito, natawa siya at tinakpan ng pamaypay ang kaniyang mukha.

"Ano ba 'yan! Galit dapat ako e!" Napangiti na siya at hindi niya napigilan ang sariling tumawa. "Tama na 'yan. Galit ako." Sinabi niya sa tonong pabiro at nagpatuloy na siya sa kaniyang paksa.

Ang cute niya naman tumawa. Pambabae kahit ang lalim lalim ng boses niya.

Tumunog na ang bell na nagsasabing recess na kaya pinapasa niya na sa amin ang mga takda. Nagpaalam na kami at lumabas na ang mga kaklase ko. Bawal pa ako bumaba dahil mahina pa ang katawan ko. Laking gulat ko nang nanatili rin siya sa silid, nagmamarka ng mga takda.

"Ano'ng bawal sa'yo ngayon, Katrina?" Tanong niya sa 'kin habang nagmamarka. "Bawal lang po muna magpagod." Sa harap ako nakaupo, kaya parehong mahirap at masaya. "Sige, kumain ka na." Ehe. Pa-fall ka ah. Kiss kita d'yan e. Charot.

"Ayoko kumain." Bulong ko. Ang totoo niyan, nahihiya ako kumain sa harap niya. Ewan ko ba. Wala naman siyang pakialam. Baka kasi ayaw kong makita niya kung gaano ako katakaw. Hahahaha. Mabuti na lang bumalik si Alice sa silid kasi masakit ang tyan niya, at mas mabuti kasi pinayagan siya ni Ma'am Alva. May mapagtutuunan ako ng atensiyon. Ayos.

Lumipat ako sa upuang nasa tabi ni Alice at humarap sa kaniya; patalikod kay Ma'am Alva. "Okay ka lang, ghorl? Ano nararamdaman mo?" Sorry, Alice. Kinukulit kita kahit alam kong nahihilo ka. Nahihiya kasi ako e. Kumain na ako kasi nakatalikod na ako sa kaniya. Nakakainis kasi 'di ko pa rin magawa.

"Katrina, ikaw ang direktor sa play natin ha. Magsimula ka nang gumawa ng konsepto at script. Sariling kuwento." Nabigla ako sa sinabi niya. Hindi naman bago sa akin ang maging direktor o lider sa mga ganitong proyekto.

"Sige po, Ma'am." Natutuwa lang siguro ako na ako ang una niyang naisip para gawin 'yong parte na 'yon. Nagbigay siya ng tiwala sa akin at hindi ko sisirain 'yon.

Walang HimatonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon