"Kelay, tara na nandyan na ang bus!"
Mabilis kong kinuha ang backpack ko an nasa kama at nagmadaling bumaba papunta sa labas, nandun na si Megan, ang pinsan ko, binubuksan ang gate namin habang ako naman ay tumatakbo na papalapit sa kanya.
"Eto na, eto na," Tinapik ko siya sa balikat at sumakay na kami sa bus.
Pagpasok ko palang ay batid na agad sa mukha ng mga ka blockmates ko ang excitement dahil sa labanan ng basketball. Bibit ang kani-kanilang banners at kulay dilaw na lobo. Division meet ngayon kaya sa malamang excited talaga ang lahat.
"Fiona, I'm here!" Napalingon ako sa gitnang parte ng bus at nakita ko si Angel, ang kaisa-isang kaibigan ko ngayong college, winawagayway ang dalawang kamay sa ere para makita ko siya.
She's wearing a handkerchief bandana in her head and our schools jersey shirt. Halatang ready na din sa laban namin sa Calanian University. Matagal na nga naman naming iniintay ang laban na ito, at talagang nagpractice ang lahat.
"Excited na kong makita ang pagkapanalo ng Samalions, Kelay!" Nginitian ko lamang ito at umayos na ng upo sa tabi nya. Alam n'yang hindi ako morning person kaya 'di na muli ako nitong kinausap.
Nakarating kami ng mabilis sa Calanian makalipas ang sampung minuto, hindi ko nalang namalayan ang byahe dahil wala pa talaga ako sa mood ngayon umaga. Nakababa na agad ang lahat na kahit si Angel ay nauna na din sakin, sinadya kong magpahuli.
"Neng baba ka na, may kakaunin pa ko sa School." Ani ng nagdrive ng school bus namin. Pagkababa ko sa bus ay naglakad na ako papasok, nagkalat ang studyante dito at pati na rin ang mga schoolmates ko.
"Ay sorry, Miss!" Pagtigil ko sa tapat ng gymnasium ay biglang may nakadagil sa balikat ko na pagkadahilan ng pag-abante ko ng kaunti pauna, grupo ito ng mga lalaki na nagmamadali sa pagtakbo papuntang gymnasium kahit hindi pa naman simula ang laban.
Wala akong nagawa kundi sumimangot nalang at patuloy na nagmasid sa paligid. Lalo lamang sumama ang umaga ko sa pangyayaring iyon, ngunit hindi ko maintindihan bakit andami pa ding tao ang kahit umaga ay sobra na agad ang sigla.
"Pagpasensyahan mo na. Ganito talaga dito," Ani ng boses lalaki na bigla nalang nagsalita sa likuran ko. Kaboses mo sʼya, hindi na ako magtataka na ikaw nga ito lalo na ang medyo katinisan ng boses dahil sa palagi mong pagkakapiyok kahit isang pangungusap lamang ang iyong sinabi.
Ang tagal nating hindi nagkita at hanggang ngayon ay hindi pa rin sakin malinaw ang lahat. Kung bakit ganun nalang ang kinahantungan natin. Kung bakit nagpadala tayo sa mga nararamdaman natin.
The saying was right that "sometimes the things you've lost can be found again in unexpected places" and here you are infront of me again in unexpected time and day.
"Ipaglalaban mo pa rin ba 'ko kahit mali na?"
Laging nakatatak sa isip ko lahat ng nangyari saatin. Hindi nawala, hindi naglaho, at kahit kaunting litanya mo ay hindi nabawasan. Kung pwede lang kalimutan ko na lahat, kung pwede lang lubayan na ko nang lahat, kung pwede lang iwanan lahat ng hindi magandang nangyari.
"Pol."
YOU ARE READING
Kung Pwede Lang
Teen Fiction"Why do we still fight? If from the first we already knew that we couldn't?" "But all are worth fighting, Crislea" "Kung pwede lang."