Kung Pwede Lang: 7

19 4 0
                                    

"Oh! Miss Diurez, tama?" nang lingunin nya ako ay saka nya lang nalaman na ako pala 'to. Bwisit to nanguna pa sa pila. VIP ka ghOrl?!



"Oo at nauna ako sa'yo, tama?" sarcastic na sabi ko dito sabay irap.



"Tama!" Minuwestra pa nito ang kamay nito at gumilid ng konti para ako ang umuna hanggang sa nakarating na s'ya sa likod ko. Natapos ako magbayad at bago ako tuluyang lumabas ng bookstore ay nilingon ko ito.


"Tatandaan kita Versoza," bulong kolang rito hanggang sa tumalikod na ko at nadinig ko pa ang mahinang hagikgik nito pagkatapos.



"Inis na inis talaga ako, Megan! Grrr!"


"Kanino ba? Dun sa naka-eksena sa canteen, sa bookstore o sa dos ihos?" tanong nito sakin at sumubo sa kinakain naming fries ngayon. Nasa kwarto ako niya dahil gusto ko ikwento sakanya lahat ng nangyari sakin ngayong araw, daig ko pa kasing sumakay sa roller coaster sa mga naganap ngayon.



Lord ano bang kasalanan ko kahapon?



"Lahat! Alam mo yun? Parang 'di pabor sakin lahat ng nangyayari. Ah nakakainis talaga!"




"So sige simulan natin kay Paul slash Resurrecion, ano kinaiinisan mo?"



"Kasi diba nga nag hello pa sya sakin sa canteen kanina, alam ko namang hindi nya ko magugustuhan kahit kailan eh! Umaasa lang talaga ako. Pero para sakin lang naman bakit nya pa ko kinakausap kung ayaw nya naman sakin, diba?"



"Edi baka hindi nya ayaw sa'yo? duh."


"Talaga?"



"Hay nako ewan ko sayo! Oh sunod, yung usapan n'yo ni Kavin sa Dos Ihos. Ikaw ha ang daming boys," kiniliti pa ako nito sa tagiliran ko dahilan para hampasin ko sya, at sabay kami tumawa.



"Ayun pa, jusko! Tahimik lang naman akong kumakain tapos bigla syang may pasabi-sabi pang 'alam mo Kelay hindi naman talaga ako nagalit sa'yo' chuchuchuchu!!!" Iritang-irita na sabi ko.



"Oh ano masama don? Atleast naliwanagan ka na!"




"Kahit na! Malay mo umasa ako ulit,"



"Edi marupok ka na kung ganon! Last, kay Apollo my loves!" tila kinikilig pa na sabi nito. Ew.



"My loves ka dyan, kilala mo ba yon? Hindi naman ah,"




"Hoy fyi, fame yun sa school namin no!" grabe nga naman talaga karisma ng mokong na yon, akalain mo pati sa ibang school sikat. Wews.




"Ayun napapansin ko lumiliit mundo namin non eh. Parang madalas ko na sya makasama ganon? Eh dati naman kahit kasama namin nina Yanyan si Felix hindi naman s'ya nasama. Pero ngayon lagi nalang syang sumusulpot sa kung saan-saan!"




"Ay nako ikaw ha! Pag ikaw na-fall dyan, madaming aaway sayo. Rawr!"




"Hindi no! Tigilan mo nga ako. Kay Paul lang 'to,"



"Sus-"



"Oo na 'ghinost' na, hindi pa rin nagtitino!" page-emphasize ko pa sa word na ghinost dahil saulong-saulo ko na ang linyahan nan. Silang dalawa ni Penny. Tsk.


"Check!"






5:45 in the morning, Thursday, nakahiga pa rin ako sa kama at parang walang balak pumasok. Nakakatamad punasok knowing na kung ano-ano na namang mangyayari sakin sa araw na 'to. Pero naalala ko din na ngayon nga pala ang balik ni Arianne sa school mula ng ma-ospital sya.



Kung Pwede LangWhere stories live. Discover now