"H-hello tita? Si Yanyan po kasi nasa hospital po"
Walang tigil na pagaalala ang nangyari sakin sa nakalipas na 30 minutes. Mula sa nalaman naming nahimatay sa daan si Arianne hanggang sa madala namin sya sa ospital na puro dugo pa sa bandang braso nya.
Kasalukuyan pa ding tinitingnan ng doktor ang kalagayan nya. Natawagan ko na din ang parents nya patungkol sa nangyari sakanya at sinabing papunta na daw sila dito.
Kay Emily ko nalaman, pinsan ni Felix, na nahimatay pala sa daan itong babaeng to. Nagchat daw din kasi ito sakanya na papunta daw ito kay Felix kaya nagpasama sya dito.
Hindi pa din ako nakakauwi kaya paniguradong lagot ako nito. Kanina pa may text si Daddy at minumura nya na ko hahaha omg. Umuwi na din daw si Felix at susubukang dumalaw kay Yanyan bukas dahil ayon sa doktor ay kailangan daw syang iconfine hanggang sa magkamalay na sya.
Dumating na ang mga magulang ni Arianne kaya nagpaalam na ko na uuna na dahil 5 PM na din.
"Saan ka na naman galing Pyona!" galit agad na sigaw ni daddy. Galit na sya nan dahil tinawag nya na ko sa second name kong Fiona. Baduy ampotek.
"Naospital kasi si Yanyan eh sinugod namin. Nahimatay e." simple kong sagot dito.
"Talaga? Napano raw?" mula sa kusina ay lumabas si Mommy dala ang siguro ay hapunan na namin. Kilala nila lahat ng kaibigan ko kaya kinuwento ko sakanla ang nangyari.
After namin kumain ay diretso na agad ako sa kwarto ko dahil na rin siguro sa pagod na nangyari kanina. Nakapagpaalam na din ako na dadalawin ko si Arianne bukas bago sya malabas sa ospital.
Nagsha-share lang ako ng memes sa fb ng mag-chat sakin si Felix, hindi na ata lasing.
FelixRamiscal: I'm sorry for what ive done to Yan, sana 'di ka galit sakin.
With sad face emoji pa yung chat nya. Ha? Bakit naman sya nagsosorry and bakit din ako magagalit.
CrisleaDiurez: huy di ako galit. Don't blame yourself. It was an accident.
Kung titingnan lang talaga natin sa malaking picture sisisihin talaga ni Felix ang sarili nya sa nangyari dahil sakanya papunta si Arianne ng mahimatay ito, but few minutes ago Tita Jenny texted me and said based on the investigation tirik ang init habang dali-daling papunta si Arianne kay Felix kaya napagod sya, at ang mga dugo naman mula sa braso nya is from Emily na talagang may sugat na nagdudugo pagkakita palang nila ni Arianne.
FelixRamiscal: Nakagaling na ko sa hospital but hindi ko sya pinasok. Natatakot ako sa sasabihin ni Tita sakin pag nalaman nya na sakin papunta si Arianne.
He's literally blaming himself for what happened. And same goes sakin dahil pinabayaan ko si Arianne na magisang pumunta don kahit alam kong pwede ko syang samahan.
I really won't mind kung mapagalitan man ako ng parents ko dahil nalate ako ng uwi dahil hindi ko naman ginagawa yun kung wala akong mapapaliwanag na ayos.
CrisleaDiurez: Nope. Maiintindihan ka ni Tita Jenny since she knows what you've been through. Anw, tutulog na ko. Pumasok ka na sa loob im sure she's waiting.
Matapos kong kausapin si Felix ay dumiretso na din ako pagtulog dahil maaga pa ako bukas at may quiz pa kami sa math at hindi ako nag-aral. Shet.
"Kelay anong balita kay Yanyan?"
"I heard na confine sya ah? huhuhu Im so worried"
"Ano okay na ba sya? Ooperahan ba sya?"
Sunod-sunod na tanong sakin yan ni Rain at Gigi. Nabalitaan nalang din kasi nila ang nangyari at alam nilang ako ang mapagtatanungan nila dahil ako ang nandun, pero yung mga tanong nila ay hindi ko pa masasagot dahil hanggang ngayon ay wala pang update si Tita sakin sa kung ano na ang nangyari kay Arianne mula kaninang umaga.
Ni hindi ko rin alam kung tumuloy ba si Felix at nagpakita sa loob ng Hospital matapos nyang magchat sakin kagabi.
"Wala pa din akong alam, ok? Tsaka kumalma kayo! Kaya yun ni Arianne laking-laki ng katawan non eh" natatawang sabi ko pa sakanla pero naiwan pa din ang mga mukha nilang parang isang malaking question mark.
Wala tuloy kaming maingay na kasama ngayon. Usually kasi ay si Yanyan ang nagpapaingay samin dahil hindi sya nauubusan ng kwento at hyper sya lagi bonus na yung sobrang lakas nyang tumawa kaya ngayon sobrang tahimik namin habang kumakain. Napagdesisyonan din naming dalawin si Arianne sa hospital mamayang lunch dahil napaka lapit lang naman nito sa school namin as in lalakarin lang.
"Hi Kelaaaay"
"Hi Pyona daw sabi ni Paul"
"Gago pre, ayaw nan tinatawag syang ganon, diba Kelay? "
Napalingon ako sa bandang gilid ko ng susubo palang ako sa kinakain kong burger ng nakita ko don si Paul na kasama si Shylon na kaibigan nya. Gulat pa din akong nakatingin sakanila pero di ko pinahalata dahil hindi ko talaga inaasahan na kakausapin nya ko ngayon. ANG PA FALL TALAGA MAMA!!!
"Huy kain, kain magtatime na" bulong sakin ni Rain ng hindi ko pa din inaalis ang tingin ko sa umalis na magkaibigan.
Pagkabalik namin sa kanya-kanya naming klase ay inintay lang din naming matapos ang oras hanggang sa maglunch naman at maka punta na kami kay Arianne. 1 hour and 20 minutes naman ang lunch break namin kaya ayos lang na medyo magtagal kami don. School namin to kaya wala ka pake ha. char.
Pagkarating namin sa ospital ay tinanong agad namin ang room number ni Yanyan dahil hindi pa namin alam, nung sinugod kasi namin sya sa ospital ay hanggang emergency room lang ako kaya di ko na din nalaman.
Pagkarating namin don ay naabutan namin syang nanonood ng t.v pero blangko ang mukha nya. Halatang walang gana at sobrang putla. Masyado kasi atang napagod si Arianne kaya kailangan nya talagang ibalik ang lakas nya ulit.
"Mabuti naman at gising ka na Yanyan, nag-alala kami sayo grabe" pabirong sabi ko dito.
"Gaga ka!" sagot nito sakin.
"Iwan ko muna kayo, sa may labas lang ako. Di ko type amoy dito e." sabi ko sa kanila at lumabas. Babalik naman kasi ako mamayang hapon dun kaya sila Gigi at Rain na muna ang hinayaan ko sa loob.
Tumambay lang ako sa tapat na minimart ng Hospital at umupo sa bench sa loob nito, mga 15 minutes siguro ay babalik na ko uli sa loob. Bumili ako ng C2 at isang dairy milk dahil paborito ko tong kainin. Hindi pa kasi ako naglalunch at wala namang kanin at ulam dito hahahaha.
"Bakit 'di ka nakain ng kanin?"
YOU ARE READING
Kung Pwede Lang
Teen Fiction"Why do we still fight? If from the first we already knew that we couldn't?" "But all are worth fighting, Crislea" "Kung pwede lang."