"Why? We can't be together?"
I giggled when I saw his eyebrows furrowed. Parang diring-diri siya sa narinig nya mula sakin. Mahina nʼya akong binatukan —as in mahina lang talaga pero dahil maarte ako um-aray ako syempre— ng papalabas na kami sa convenience store pero hindi na rin siya nagsalita.
Pagbalik namin sa Gymnasium ay nagsisimula na ang pageant. Hindi ko kilala yung representative namin dahil senior high na siya kaya wala akong gana manood. Nasa akin na uli yung phone ni Pol at pinatanggal ko ang password dahil sabi ko maglalaro ako sa phone niya. May iba't ibang offline games siya dito eh. Buti nalang pumayag.
"Bago phone mo?" I almost jumped from my seat when someone sit beside me. Si Kavin lang pala. Mukhang kagagaling lang sa baba dahil pawisan, mainit kasi don.
Umiling ako sa kanya at inexit yung game sabay pakita ng wallpaper ni Pol na may pangalan niya doon. Ewan ko kung bakit pangalan niya wallpaper niya daming arte. char
Tsaka wala kaming pera pang bili ng bagong phone ko no mahal ang tuition mga dai!
"Bakit nasa iyo?" tinaas ko ang dalawa kong balikat para sabihin sakanya na 'ewan ko'. Kinamot niya pa ng bahagya ang ulo niya at umayos na ng upo. Nakaharap kasi siya kanina sakin. Nagtataka na siguro siya bakit ganito ang pakikitungo ko.
Eh, ewan ko rin kung bakit. Tinatamad lang ako magsalita ganoon.
Ang lame ng excuse self, huh.
"Pipe ka na ba ngayon?" tanong niya muli.
Umiling lang ako dahil makukuha nya rin naman ang sagot doon. Tinikom ko rin ang bibig ko dahil natatawa na ako sakanya. Napaka dami namang tanong ngayon ni tito Boy.
Triny ko mag-focus sa pageant pero ayaw makisama ng loob ko, parang pinipihit yung ulo kong lumingon kay Kavin. Nagi-guilty siguro yung internal organs ko sa hindi pagsasalita pero yung external taliwas. joke
"Alam mo ba kung anong ginagamit na pantalon ng palaka?"
Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Ganyan na ganyan siya dati, puro corny'ng jokes.
"Ano? Nagpapantalon ba yun?"
"Oo! Hindi mo alam?," umiling ako ng bahagya "Edi paa! Gamit nilang pantalon, hahahaha!"
Tinawanan ko lang siya ng sarkastiko dahil sobrang corny mga sis! Kung saan-saan niya napupulot yan.
"Sige, eto nalang. Anong tinapay ang hindi nakakain ang gitna?"
"Gusto mo bang sagutin ko talaga yan?"
"O sige," humarap siya sakin at ganon din ako "Ikaw nalang mag-joke."
"Joke lang! Oh ano?"
"Edi.. Donut! Ang tanga mo naman kung kakainin mo gitna ng donut, diba? Hahahahaha!" Humagalpak na naman siya ng tawa sa joke niyang iyon, natawa na din ako hindi dahil sa joke niyang corny, kundi dahil sa tawa niya.
YOU ARE READING
Kung Pwede Lang
Teen Fiction"Why do we still fight? If from the first we already knew that we couldn't?" "But all are worth fighting, Crislea" "Kung pwede lang."