Pagkatapos ng game ay pumunta naman kami sa isa pang gymnasium kung saan ginaganap ang volleyball. Mas madami ang nanonood dito dahil nandito talaga yung mga pogi hahaha, I don't know why volleyball ang mas prefer ng kilalang guys dito, but okay pa din.
Half quarter na ng game at nasa team nina Pol ang unang half, they're indeed good players pagdating dito dahil nalaban din sila ng regionals.
Actually, sisilip lang talaga kami dito dahil hindi kami masyado naeexcite sa game, pero dahil kasama ko si Penny for sure susuportahan nya si Pol. Nakita ko si Pol na nakatingin sa kabilang side ng court habang hawak ang tuhod nya at hinihintay ang magse-serve. Umalis saglit si Penny kaya naiwan naman kami ni Arianne, btw Felix is a volleyball player too kaya susuportahan din ni Arianne yun.
Pagbalik ni Penny ay may dala syang tatlong tubig, isa para sakanya at isa para kay Arianne na nagpabili lang. Akala ko akin na yung isa pero hindi nya pa rin inaabot sakin.
"For whom is that one?" I asked.
"Para kay Pol 'to no!" What? May sarili naman sigurong water yung players, bakit nya pa binili?
"Penny tawag ka na daw for table tennis?" isang babae ang tumawag kay Penny, from senior high.
"Uhm Kelay pwede pabigay kay Pol? Aalis na ko e bye!"
Hindi na ko nakatanggi dahil tumakbo na paalis si Penny takot na ma-disqualify. Hindi ko naman talaga iaabot 'to kay Pol, ibibigay ko kay Arianne dahil kaclose nya naman yun.
Natapos na yung game and tinawag ni Arianne si Felix para lumapit sa may side namin. Nanalo sila over sophomore siguro yung mga yun."Congrats love!" Another sana all day for me. huhu. Lord kailan ba kasi ako magkaka-jowa? Nag-usap ng nag usap si Felix and Arianne habang hinahanap ko si Pol para ibigay ang tubig, nagulat nalang ako na katabi na sya ni Felix at niyayaya na kumain sila kasama ang buong team.
"Kelay ibigay mo na yung pinapabigay ni Penny!" Arianne said.
"Ikaw nalang"
"Ano ka ba, ibigay mo na!"
"Ano yun love?" nadinig na kami ni Felix kaya napalingon sila samin pareho. shit.
"Ah si Penny kasi may pinapabigay kay Pol na tubig. Ayun oh nakay Kelay"
Inabot ko na dito ang tubig at pasimple nya lang din itong kinuha sakin "thanks" ayan lang ang sabi nya sakin. Naa-awkwardan pa din kasi ako sakanya dahil naalala ko yung dare na chinat nya sakin. Malay ko ba kung tunay yun o hindi hahaha, char assumera ka talaga self.
Pag-uwi ko ay sobrang lanta na agad ng katawan ko kaya 'di na ko nakakain ng dinner, dumiretso higa nalang ako sa kama at kinuha ang cellphone ko. Nagkalat ang iba't ibang Ig stories ng mga schoolmates ko na puro tungkol lang sa intrams. I even saw Pol and Dana, his girlfriend- for this sem I think-, picture na 15 minutes ago palang naka post ay nasa 300 na agad ang hearts. Couple ng taon amp. Nai-imagine ko na naman ang pag-iyak muli ni Penny kung makita nya man 'to.
I scroll down and, syempre hindi pwedeng si Penny lang ang may heartbroken scene dito pati ako din. As I scroll my feeds ay lumabas ang picture ni Paul and Alliah na magkasama. Wala akong alam kung may sila ba o wala, pero alam kong gustong-gusto ni Paul si Alliah since grade seven palang sila, kaya lalo akong nasasaktan kasi to think na wala talaga akong panlaban dun.
Talo tayo lagi sa nauna syempre.
Day two of intrams, normal day pa din na puro laban lang ang nagaganap. Im with Gigi, one of my closest friend and ka-team mate sa volleyball.
1 pm pa ang laban namin kaya nagikot muna kami sa campus para manood ng iba't ibang laban. Ngayon nanonood kami ng Badminton dahil may panlaban din kami dito. Si Adonis.
"Warm up na tayo in 5 minutes Kelay, Gigi" sigaw ni Ercie saamin na syang setter namin ng team. Hindi na rin kami nagtagal sa panonood at maya maya din ay nagsimula na laban namin. Kalaban namin ang seniors at magseserve na sila. Im on the right side and waiting for the ball. Nakita ko na sa direksyon ko papunta yung bola pero maga-outside sya, kaya hinabol ko hanggang sa pinakagilid pero hindi ko pa natataas ang mga kamay ko ay tumalsik na agad ang bola.
"Oooh si Kavin"
"Shet exes reunite"
"Tangina kinikilig ako hahaha"
Awkward akong tumingin kay Kavin na syang sumagip ng bola habang naririnig ang mga nagcocomments sa gilid, madaming may alam sa kung anong mayroon samin noon dahil makalat kami dati, char. Blangko lang tong nakatingin sakin sabay upo na muli sa kinauupuan nya, habang ako ay tulala pa din sa nangyari.
Bakit nya ba kasi sinagip yung bola huhu paasa ka ex. char.
The game continues pero nagpa-sub nalang muna ako dahil siguro pagod na ko maglaro. Seniors won against us kaya nadismaya kami ng konti pero still being a sport is part of the game, and besides madami pa din kaming laban.
Iniisip ko pa din yung nangyari kanina dahil simula ng nagbreak kami ni Kavin ay 'di talaga kami nag-uusap o kahit pumwesto malapit sa isat isa. I don't have the idea na nandun sya kaya nagulat nalang ako na sya ang kaharap ko kanina.
Manonood na kami ng basketball pero dumaan muna kami sa canteen para bumili ng pwede kainin, Bumili na din ako ng dalawang tubig para extra na maubos ko man yung isa.
Napadaan kami sa mga nagboboard games like chess, scrabble, and snakes and ladder char dama pala. Our adviser Sir Marquez was the head of the board games kaya nakapasok kami don. Nakipagkwentuhan kami sa mga di pa naglalaro and ginulo yung mga naglalaro hanggang sa napagalitan kami kaya lumabas na kami dito.
We went straight na sa gym and we didn't expect sa naabutan namin don. Nakahiga sa sahig si Kavin at ang lahat ay nagpa-panic. Hindi ko alam ang nangyari pero awtomatiko akong napatakbo sa pwesto nya para icheck sya, parang nagslow-mo yung paligid habang natakbo ako. Nasigaw na yung coach nila for emergency dahil di rin nila alam ang nangyari. Nakamulat kasi si Kavin pero sobrang bilis ng paghinga nya at di sya gumagalaw.
One hour passed at stable na naman daw si Kavin but he cannot continue the game dahil baka mas lalo daw sya mapagod at dumugong muli ang ilong nya.
Pumunta ako ng cr at naghilamos ng mukha. Shet Kelay, bakit naman may paglapit ka pa kanina? Pwede na namang basta makisigaw nalang din ng emergency, diba? bida bida ka talaga self.
Paglabas ko ng cr ay inintay ko nalang mag 3 pm at nagdesisyon na din akong umuwi. Naglalakad palang ako sa kahabaan ng daan papuntang main gate habang nilalaban ang santing ng init ngayong hapon.
"May extra tubig ka ba?"
YOU ARE READING
Kung Pwede Lang
Teen Fiction"Why do we still fight? If from the first we already knew that we couldn't?" "But all are worth fighting, Crislea" "Kung pwede lang."