Kung Pwede Lang: 13

21 1 0
                                    



"Lalim ng iniisip mo ah? May problema ka ba?" 







Napatingin ako sa tabihan ng biglang may magsalita. Akala ko si Pol na iyon pero nadidinig ko ang matinis niyang boses mula sa malayo, until I saw Paul was already infront of me.







Yes, Paul Resurrecion! Jusko!






Hindi ko inaasahan na kakausapin niya ako ng ganitong sitwasyon kahit alam niyang may mga iba kaming kasama, parang wala siya pake ganun. Nakakapanibago din na parang 'di n'ya ramdam na alam ko na yung tungkol sa bali-balitang gusto niya si Gigi.






Usually kasi mga ganitong panahon, kahit tinginan wala na kami e.







"W-wala, ano bang ginagawa mo?" 






Gusto kong batukan ang sarili ko sa inis ng mautal ako sa harapan niya mismo. Pang-tatlong beses niya palang akong pinapansin sa halos isang taon ata? Naming magkakilala, kaya sobrang bago para sakin. Tinungkod ko na ang dalawa kong kamay sa likod ko upang di ako matumba, sobrang lapit niya kasi!








"Haha ang cute mo,"He pinched my cheeks before he left. I was left hanging when he went back to their seat. 








'Wag kang kikiligin Kelay sa kaibigan mo na yan!







Ramdam ko ang init ng pisngi ko ng gawin yun ni Paul, hinawakan ko ito at tumingin sa mga kasama ko! Nakatingin pala sila samin! I immediately waved my hand to them to show it had no meaning baka mamaya ano-ano na namang i-assume nila, kaso lang yung mga tingin nila ngayon parang sinasabi nila na, anong-meron-sa-inyo-look!







"Ayieee! PDA much Kelay!" tili ni Gwen na isa sa mga kaklase namin. 









Napapahiya naman akong lumingon sa pwesto nina Paul pero nagsisi din ako na sana hindi ko na yun ginawa dahil nakatingin din pala siya sakin! Nakangiti pa!








Hindi ko na kinaya yung nangyayari sa loob kaya nagpaalam na din ako sakanla at umuwi na sa bahay. Ayoko na silang kasama, char!







Wala pa rin si Megan ngayon kaya nami-miss ko na s'ya huhu. Ang tagal niya ng wala sa bahay pero okay lang din at least nagka-time sila mag bonding with Tito Karl and Tita Magui.







Nakabalik na rin si kuya sa Manila dahil kumuha lang pala siya ng gamit kahapon, 'di manlang kami nakapag-bonding.








I sighed as I felt the loneliness in my room. Alam ko namang nasa baba lang si Mommy and Daddy kaso busy din sila sa kani-kanilang trabaho, kahit nasa bahay trabaho pa din. Sana all, charot.







I took a selfie on my phone and put it in my ig story with a caption 'My dm's are open'. I'm not expecting anyone but let's see kung may makakausap man lang.








I decided to watch on Netflix para hindi naman ako maboring, wala naman kasi akong magawa dahil walang naiwan na activities dahil sa Division meet.







After an hour I heard my phone rang from the bed. My brows furrowed while looking at my phone with an unregistered number calling.







Sino 'to? Bakit natawag sakin?








I really don't answer random callers dahil baka pina-prank lang ako or something na scam. But I don't know why this call is urging me to answer it?






Kung Pwede LangWhere stories live. Discover now