Kung Pwede Lang: 4

16 4 0
                                    


"May extra tubig ka ba?"







Tunay ba 'tong nasa harapan ko lord? Apollo Versoza? Bakit nanghihingi sakin ng tubig 'to? Akala nya siguro may pinabibigay na naman si Penny sakanya, wala na no!







"A-ah wala naman binili si Penny para sayo e" tumawa ito ng bahagya at humawak sa ulo nya sabay tingin sa magkabilang gilid.







"Actually no, nagtatanong lang ako hahaha" he said.







"Pero meron ako dito tubig hehe, iyo nalang mukha kasing uhaw ka e no" sarcastic na sabi ko dito dahil natatawa ako sakanya, sa dinami-dami ba naman kasi ng babae dito ay sakin pa sya nagtanong. Nagiging Fc huhu. char.






"Pauwi ka na ba? Pasabay na din ako ha, hanggang sakayan lang ng jeep" sabi pa nito. Shet makakasama ko ba sya sa tricycle??? Ano ba di ba awkward yon????







Nakasakay na kami sa tricycle pero puno na yung loob kaya sa likuran nalang kami sumakay  "Ayos lang ba sayo na umangkas? Wala bang magagalit?" Ha? anong magagalit sinasabi nito. Wala nga akong jowa no!






"I mean tatay mo or kahit sino hahaha" napahinga nalang ako at umiling sakanya. Sobrang awkward kasi ng pwesto namin ngayon at ang lapit pa ng mukha nya sakin, mukhang pag nakita kami ng mga schoolmates namin, issue na naman 'to, guys nakisabay lang yung crushie nyo don't attack me.







Nakarating kami sa sakayan ng jeep ng di na ulit nag-uusap kaya nakahinga na ko ng maluwag "Hintayin na muna kitang makasakay haha, para sure safe" shet konti nalang crush ko na talaga 'to!!!! Ang pa-fall mama!!!!







"Hindi sige na umuna ka na" Pinipilit ko syang itaboy dahil gusto ko na talaga sya umalis pero halatang gusto nya talaga gawin ang binabalak nya. Nang may bakante ng jeep ay agad akong sumakay at nagpaalam na ko sakanya.






Ang bilis ng tibok ko ng puso ko dahil sa kanina, parang tumigil din paghinga ko dahil sakanya. pOtaH ang pogi ba naman ng kasabay mo at di ko inaasahan na nagco-commute lang pala sya. Ang alam ko kasi ay richkid to kaya baka may service or driver genon kaya nagulat din talaga ako kanina.









"O to the M to the G!!!! Totoo???! Nakasabay mo ang isang Apollo?!" parang tanga sa gilid ko si Arianne, na kinikilig-kilig pa. Kinuwento ko kasi sakanya yung nangyari sakin kahapon at eto sya ngayon, nakakahiyang nagsisisigaw sa canteen.






"Shhh wag ka maingay baka may makarinig"






"Okay lang yun friend." she said jokingly.






"Ka-close naman yun ni Felix e, best friend pa nga! Pwede kita ilapit don Pol din naman hahahahaha" dagdag pa nito.






"Ulol ka, Paul Resurrecion lang ako no!" tanggi ko pa sa offer nya. Syempre no loyal na ko kay Paul for almost 3 months na pasulpot-sulpot nya sa life ko, even though kasi na na ghinoghost nya ako I'm sure na nagkafeelings din naman sya sakin, I guess lang talaga huhu.








"Sus ghinost ka na nga pinaglalaban mo pa!"







Once a month lang kasi nagcha-chat sakin si Paul and still marupok pa din ako sakanya. He's the one too that cause my breakup with Kavin dahil nagka-issue na non na may gusto daw sakin si Paul kahit hindi naman pala totoo, at totoo alam kong ang tanga ko sa part na naniwala ako nun.







Sa tuwing nagcha-chat sya sakin ay tumatagal lang lagi ng 2 weeks or minsan 1 week lang then bigla nalang may lalabas ulit na news na may gusto na pala sya kay ganto, nakipagbalikan kay ganyan. So that's why kahit hindi nya sabihin na titigilan nya na ko kausapin ay alam nyang mababalitaan ko talaga yun.







Ewan ko nga eh, feel ko sinasadya nalang nila na makaabot talaga sakin para hindi ako masyadong masaktan pag sakanya ko pa mismo nalaman na iba na gusto nya. But for me, it hurts the most dahil hindi ko sakanya nalaman talaga, and nagsisimula lang ako magoverthink pag ganon.








Na baka hindi naman siguro totoo kasi sila lang may sabi non? or totoo nga kasi sumasakto na pag may nababalitaan ako ay sumasakto lagi na tigil na din sya na kausapin ako. Sa totoo lang three times nya na sakin nagagawa yun and I'm still here for him just because olats sya sa mga niligawan or nakarelasyon nya dahil I still believed na mabait syang tao at sakin nya lang nagagawa yung mga katarantaduhan na yon.







And that's okay with me. Dahil gusto ko sya.









Natapos ang mga araw at pati na rin ang intramurals. Back to normal na ulit kami na may klase at wala na kahit anong ganap.







Shortened ang classes kaya napagdesisyonan naming mag-gala magkakaibigan. Kasama ko si Yanyan, Gigi, at Rain. Sila talaga yung mga madadalas kong kasama kaso laging busy si Gigi at Rain. Pumunta kami sa isang kainan dahil hindi pa kami nakakapag-lunch. Habang hinihintay ang order namin ay nag-cellphone lang muna kami. Shet natatae na ko antagal ng order namin.







Tumingin ako sa may bandang pintuan dahil andaming naglalabas pasok doon. Dumating ang order namin at ako na ang nagpresinta na kumuha ng kutsara at tinidor, napatingin akong muli sa pintuan ng may sumilip doon dahil malapit lang yun sa kuhanan ng mga kutsara.








Muling may sumilip doon at nagulat ako dahil si Paul ang nakita ko don, tila dinidikit ang mukha sa glass door habang todo nakangiti saakin. Anong ginagawa nito jan? Mabilis lang ito doon at umalis na din agad.







"Huy antagal mo gutom na kami" namalayan ko nalang na nasa tabi ko na si Rain at sumunod na pala saakin dahil ang tagal ko raw makabalik sa pwesto namin kanina.







Matapos namin kumain ay tumawag si Felix kay Yanyan at pinapapunta ito sa isang computer shop daw "Kelay hindi si Felix ang kausap ko, babae, kaklase nya ata lasing daw si Felix tapos pumunta ng computer shop" nagaalalang sabi ni Arianne.








Madalas mag-inom si Felix kahit menor de edad palang 'to. Ewan ko kung saan nya natutunan pero mabait naman yung mga tropa nya basta lagi nalang namin nalalaman na lasing sya kaya laging on the rescue si Arianne para puntahan 'to.






"Hay nako, uuna na kami Arianne." sabi ni Gigi. Saaming apat si Gigi ang pinaka pauwi palagi samantalang si Rain naman ay laging hanap sa bahay pero minsan lang umuwi at madalas ay nakikitulog lang kung kani-kanino dahil sa madalas na pag-aaway ng mga magulang nya.







Gusto ko sanang samahan si Yanyan papunta kay Felix pero ayaw ni Yanyan dahil baka tawagan na daw ako ni Daddy dahil magtatagal daw sila doon panigurado. Wala akong nagawa kundi umuwi nalang at sinabihan nalang si Yanyan na magingat at magchat nalang sakin kung may problema.








Simula ng maging magjowa yung dalawa at habang tumatagal ay madalas talagang magtalo si Felix at Arianne. Hindi ko alam kung bakit pero kahit simpleng bagay talaga ay away agad sila, naging palainom din si Felix tulad ng kanina dahil madalas din syang may family problem.









Naglalakad na ko sa may kalsada ng may tumawag na sa phone ko, kinuha ko agad ito dahil akala ko sina Daddy na ang tumatawag pero mali. Si Felix ang tumatawag sakin.








"N-nasan si Arianne?" ibang boses ang nagsalita sa phone kahit number ito ni Felix. Babae sya at halatang kinakabahan.







Ang ipinagtataka ko lang ay bakit hanap nila si Arianne, eh kanina pa kaming magkakahiwalay?

Kung Pwede LangWhere stories live. Discover now