Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil hindi mawala sa isip ko na niyakap ako ni Kai!Gago yung bestfriend- crush ko niyakap ako AAHHH! Pano kanga makakatulog pag ganon?!
6:40 am nanga at ready nako pumasok para sa school pero hindi ko parin malimutan na niyakap ako ni Kai! Hanggang sa pagligo naiisip ko parin yung feeling na nakaupo ako sa sahig tapos naka bukas shower tapos nakatingala ka habang nakapikit tapos naiissip ko yakap ni Kai! ARGH! Baliw nako! Yakap lang yon pano pa kaya kapag may iba pa!! JOKE!
Nakarating nanga ako sa school at papasok na sa room nang nakita ko agad si Kai at parang bigla akong parang napraning at napahinto dahil naalala ko bigla yakap niya ! AAHHH! Wag kang praning! Enhale! Exhale! Act normal Day!
Papunta nako sa upuan ko nang bigla akong tinawag ni Les.
"Hoy K! Bakit bigla bigla kang humihinto na parang ewan jan?"
Nagtaka ako kung anong K ang sinabi niya "Anong K?!"
Lumapit sakin si lesley at bumulong
"Sabi ko hoy Kai!"
Nanlaki mata ko at nagulat sa sinabi niya kaya namura ko siya "Gago! Anong kai kajan!"
Humawak siya sa baba niya at may sinabi sakin na hindi ko maintindihan "Hmmm. Sabi kona ee!"
Nagtaka ako kaya tinanong ko siya kung ano yung tinutukoy niya "Anong sabi muna?! Ano ibig mong sabihin?!"
Tumawa lang siya tapos tumingin kay Kai at sabay kindat sakin "Wala! Maupo kana HEHE!"
Umupo nanga ako sa upuan ko at napaisip kung ano ibig sabihin ng pagtingin niya kay Kai at biglang pangkindat sakin. Napraning na naman ako kaya kung ano ano na naman naisip ko. Shiet! Obvious bako? Halata bako sa kinikilos ko? AAAHH!
Tinigilan konanga kapraningan ko at tinawag ko nalang si kai "Pst kai!"
Tumingin lang si Kai ng masama sakin tapos biglang tumalikod at hindi ako pinansin
Ano na naman kaya problema ng mokong nato "Bakit na naman? Yung mga ganyanang tingin at muka mo e."
Tumingin lang ulit si Kai sakin at biglang tumalikod ulit
Hinila ko balikat niya dahil ayaw niya kong pansinin "HMP! Ano na namang drama yan?! Bakit ayaw mokong pansinin?!"
Biglang humarap sakin si Kai at binulyawan ako "Bakit ka bigla nalang umalis agad kahapon ng walang paalam? Hindi mo manlang ako ginising?!"
"Hmm, pano kasi tulog na tulog ka kaya umalis nalang ako bigla ayaw naman kitang mastorbo"
"Pwede mo naman ako gisingin hindi naman ako magagalit!"
Kahit galit siya nagpaawa parin ako at nag pa cute sakanya habang nag sasad face "Sorry na na hindi konaman alam ih HUHU!"
"Okay" Pero..." sagot sakin ni kai
Nagulat ako ng biglang nawala inis niya at ngumiti bigla
"Pero?"
"Bilan moko ng lunch mamaya para hindi nako galit sayo HEHE!"
Sabi na may kaylangan to e "Luh! Wala akong pera!"
"Okay... madali naman ako kausap" Bigla siyang tumalikod ulit sakin at hindi ulit ako pinansin
ARGH! Napakamot nalang ako sa ulo dahil sa gusto niya! "Sige nanga last nayan ah!"
Salamat ka crush kita
Tinawanan ako ni kai ng malakas at inasar ako "Bibili din pala e rereklamo pa! Tiktiktik!"
Tiningnan ko siya ng masama at hiniyawan dahil sa inis "Huh! Balakajan!"

BINABASA MO ANG
What are we?
RomanceDay Gonzales, isang discreet guy na hindi kayang mag confess sa bestfriend niya noong 1st year high school na tanging gusto lang ay mag aral sa ibang school after graduation nila sa 4th year high school at malayo sa mga taong kakilala niya includin...