Lesley Tolentino

63 6 0
                                    

After 5 months

DAY'S POV

After ng ilang buwan naging mas close na kami ni Kai hindi na kami nahihiya sa bawat isa at hindi na akward kahit ano ginagawa namin.

After magpakasaya, chill chill, sa unang buwan ng pasukan dumating na yung buwan na pinaka ayaw ng lahat!! The hell month!

Sobrang daming ginagawa at sobrang hihirap! dahil 3rd quarter nanga, iba na mga subject, iba na mga teacher kaylangan mag adjust at magbasa basa dahil iba na ngayon! Kapag dika nag advance reading bagsak ka! Kahihirap na ng mga subject lalo na at tatlo na ang math at may research na!"

Start of the Class

"Good morning class I am Samantha Cole your research teacher for this quarter. So wala muna tayo gagawin for today kung hindi igogroup kolang kayo for your research. 6 groups 4 members."

Omg! Sana makagroup ko si Kai, magaling pa naman siya sa mga ganito, tali talino non for sure buhat ako neto, at for sure din makakasama korin siya araw araw at sigurado sa bahay nila or bahay namin kami gagawa ng research!

"4th group , Fernandez, Franciso, Tolentino and Dela Cruz"

Wth?! Hindi ko siya kagroup!! Paano nayung plano ko?! AAAHHH! Ang dami kona agad gusto gawin na kasama siya like luto ng kanton, luto ng fries habang nanonood ng movie!! Nakalimutan konanga na research gagawin namin at hindi movie marathon dahil sa mga asa utak kong kabalastugan!

Hindi ako papayag na hindi mangyari lahat ng nasa plano ko!! Kaya tumayo ako at bumulong kay tolentino dahil asa gilid kolang naman siya.

Lumapit ako kay les at nagmakaawa "Pst les! palit tayo ng group pleasee don ka nalang sa kagroup ko jan nalang sa ako group mo"

"Bakit may problema kaba sa kagroup mo?"

Nagisip ako ng magandang dahilan para mapapayag siya "AAEE.. oo eh may nakaaway ako dito baka kapag nakasama ko siya mag away lang kami lalo"

"Ayoko! Okay nako sa kagroup ko magagaling lahat mabubuhat ako! HAHA!

Whut?! Hirap hirap magisip ng dahilan pero hindi rin pala papayag, pero hindi parin ako tumigil at nagpatuloy parin akong kumbinsihin siya na magpalit kami ng grupo.

Lumapit ulit ako kay les this time todo acting nako at nag sasad face na " Pleasee Les! Kahit anong gusto mo gagawin ko basta pumayag kalang na magpalit tayo ng grupo"

"Hmm.. kahit ano? o sige payag ako na magpalit tayo ng group basta libre moko ng lunch ng isang linggo. Deal?"

Nanlaki mata ko at nagulat sa sinabi niya "Hah?! Siraulo kaba?! Kamahal mahal ng Pagkain dito!"

Bigla akong pinagtaasan ng boses ni Les sa sagot ko "Edi wag! Ayaw mo ata e madali naman ako kausap! Oh sige alis nako madami pako gagawin!"

Pero dahil sobrang gusto kong maka group si Kai ginawa ko gusto niya

"Teka lang! O sige sagot kona lunch mo ng isang linggo! Basta yung deal ahh!"

Tumingin sakin si si Les at tumawa ng mahina  "Oo sige! Papayag karin naman pala e rereklamo kapa!"

ARGH! napakamot nalang ako sa ulo dahil sa ginawa ko "Ok sige alis nako"

What are we?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon