Reverie

11 0 0
                                    

*January 29*

DAY'S POV

Nakaupo ako sa isang lugar habang pinagmamasdan ang mga ibong lumilipad sa himpapawid at nilalasap ang sariwang hangin

"Ano ba ang lugar na ito, Asaan ba ako? bakit wala akong nakikitang ibang tao? Tanong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang kapaligiran

Tilay isang paraiso dahil sa ganda ng mga nakikita ko, Mga ibong lumilipad sa himpapawid, Mga halamang tila moy sumasayaw dahil sa hampas ng hangin at ang sariwang hangin na aking nalalasap.

Maya maya pa habang pinagmamasdan ko ang kapaligiran may nakita akong isang lalaki na hindi ko makilalala dahil nasa malayo itong lugar habang papalalapit sa akin.

Noong medyo malapit na ang lalaki nagulat ako na si Kai pala iyon kaya nagtaka ako kung ano ginagawa niya dito at bakit kaming dalawa lang ang tao.

"Uy Kai ikaw pala yan,  anong ginagawa mo dito?, asaan ba tayo?" Tanong ko sakanya habang nagtataka

"Seryoso kaba sa tanong mo? Asa park tayo na malayo sa lugar natin. Nagusap tayo noong nakaraang linggo na magpunta dito, kaya panong hindi mo alam?"

Nanlaki ang mga mata ko at nagulat ako sa sagot niya dahil wala naman akong naaalalang nagusap kami na magpunta sa lugar na ito

"Hah?! Bakit wala akong natatandaan na nagusap tayo na pumunta dito?"

Tumawa lang si Kai sa sagot ko at inakbayan ako "HAHA! Hindi ka siguro kumain nang umagahan hano? Kaya hindi mo natatandaan napagusapan natin. Oh eto may dala akong pagkain kumain muna tayo"

Wala nanga akong nagawa at hindi nako umangal pa dahil hindi naman siya naniniwala sakin kaya kinain ko nalang ang dala niyang pagkain.

"Masarap ba? Luto koyan lahat" Tanong sakin ni Kai habang nakangiti

"Nagluluto kana pala ngayon ng ganito? Pwede na, masarap naman"

"Panong hindi mo alam? Ilang beses na kitang pinagluto ng ganyan" sagot niya sakin habang parang nagtataka ang mukha

Nagulat ako sa sinabi niya dahil wala akong matandaan na matagal niya nakong pinagluluto ng ganon at bakit niya naman ako pagluluto?

"Hah? Matagal munako pinagluluto niyan? Bakit hindi ko matandaan? Bakit parang ngayon kolang yan natikman" sagot ko sakanya habang nanlalaki mga mata ko

Tumawa lang bigla si kai at biglang napakamot sa ulo niya dahil sa sagot ko "HAHA! Tama nanga yan! wag kana mag joke time! Bilisan muna kumain at may pupuntahan pa tayo"

Ano ba itong mga nangyayari? Bakit hindi ko matandaan lahat ng sinasabi niya?

Tapos nanga ako kumain at bigla akong inaya ni Kai sa isang lugar na hindi ko alam, basta ang alam kolang ito ay maganda at sariwa ang hangin

"Day, ang ganda dito no? Ang sariwa ng hangin, ang ganda ng kalangitan at ang sarap pakinggan ang mga huni ng mga ibog"

"Oo nga, ang ganda dito, kanino moba nalaman ang lugar nato?"

Biglang napakamot sa ulo si Kai habang tinitigan  ako ng masama "Bakit ba puro hindi mo alam sagot mo kanina pa? Ikaw nag sabi sakin na pumunta tayo dito. Bakit tinatanong mo ngayon kung sino?"

"Ako? Bakit wala talaga akong matandaan kahit isa sa mga sinabi mo sakin. Yung pinagluluto moko kamo ng ganong pagkain tapos sinasabi mo sakin na ako nag aya sayo dito?" Sagot ko sakanya ng pahiyaw

Bigla lang siyang tumawa at tumingin sakin habang hinihimas ang ulo ko "Hay nako day haha! Sabi kong tama na joke time e, wag kana magkunwari jan na hindi mo alam lahat ng to. Enjoyin mo nalang mga nakikita mo ngayon at mamaya may mas maganda pajan" Sagot niya sakin habang nakangisi

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What are we?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon