Nagumaga nanga at nagising na kami ni Kai, Hindi ako makapag salita dahil hindi ko parin malimutan ang nangyari kaninang madaling araw. Pero si Kai parang normal lang, ganon parin siya, parang walang nangyari at hindi naiilang habang ako parang tanga ilang na ilang at hindi mapakali sa ngyari
Balak ko sanang tanungin si Kai kung alam niya yung nangyari kanina pero napapangunahan ako ng hiya kaya hindi ko nalang tinuloy at naisip korin na paunahin ko nalang siyang magsabi about don para malaman ko kung alam niya or hindi
Nakalipas ang isang oras at wala parin siyang sinasabi tungkol sa ngyari kaya nanahimik nalang ako at hinaayaan ko nalang hanggang sa nagpaalam nako na umuwi
"Kai uwi nako, anong oras na baka hinahanap nako samin"
"Kumain ka muna bago ka umalis"
"Hindi na! samin na may may gagawin din pala ko nakalimutan ko"
"Sige ikaw bahala"
Lumabas nanga ako at nagmadaling umuwi
Pauwi nanga ako at hindi parin mawala sa isip ko kung hindi ba talaga alam ni kai ngyari o kaya ayaw niya lang mauna sabihin.
Nakauwi nanga ako samin at diretso agad ako sa kwarto ko at nahiga, hanggang sa nakauwi nako ayon parin nasa isip ko, hindi ako mapakali at ang daming tanong sa isip ko tulad ng kung ginawa niya ba talaga yon?, akala ko straight siya? Bat niya yun gagawin?
AFTER 1 HOUR
Hindi nako nakapag pigil at minessage kona si kai para itanong kung alam niya ba ang ngyari or hindi"
DING
Day Gonzales sent you a message
"Kai, tulog kaba kanina?"
"Noong pagalis mo? Oo natulog ulit ako"
"Hindi, kaninang madaling araw yung tinutukoy ko."
"Ahhh, oo tulog ako non sarap nga tulog ko kanon e, bakit?"
Nagulat ako sa sagot niya pero nagpatuloy parin ako magtanong "Wala kang naaalalang ngyari?
"Wala naman bakit?"
Hindi kona pinagpatuloy na tanungin siya dahil puro wala naman sagot niya "Ahhh.. Sige sige thank you!
Habang napapraning nako nakuha pakong inisin ni Kai
"Bakit? May kinuha kaba sa bahay namin habang tulog ako? Hmm"
"Gago! Wala! Sige na bye na!"
SEEN
Hindi ko inexpect na ganon isasagot ni kai, akala ko nahihiya lang siya mauna magsabi sa ngyari at hinihintay niya lang ako na mauna magsabi. Pero sagot niya tulog daw siya wala siyang natatandaan kaya I assumed na baka tulog lang siya kahit andami parin tanong sa isip ko, pero hindi parin talaga ako mapakali kaya bumaba ako mula sa kwarto ko para puntahan si ate para magtanong
"Nakababa nanga ako at naabutan ko si ate na naglilinis ng kuko"
"Oh ano problema?" Tanong sakin ni Ate
Tumawa lang ako at nag simula ng magtanong "May tatanong lang ako"
"Ano yun"
"Pwede bang mangyari yung tulog ka tapos may nakakahalikan ka na totoo pero hindi mo alam ngyayari?"
Hindi agad ako sinagot ni ate at inasar munako "Bakit may nakahalikan kaba habang tulog at dineny na hindi alam ngyari?"
Napahiyaw ako dahil sa sinabi niya at nagisip ng palusot ko "Wala ah! curious lang ako sa napanood ko kaninang movie"
"Hmp! siguro pwede, isipin mo nalang nung bata ka umiihi ka sa panaginip mo tapos umiihi kana pala talaga ng totoo sa kama mo"
"Oo nga noh, sabagay, sige thank youu!" At umalis nanga ako at umaykat na sa kwarto ko
Napaisip ako sa sagot ni ate na may point naman kaya i assumed na baka tulog lang talaga si kai nung mga time nayun
After 5 hours
Bigla akong hindi mapakali na naman at naisip ko bigla na iba naman yung naiihi sa panaginip at nakakahilakan mo ng aktwal kaya nag search ako sa internet kung pwede mangyari na tulog ka tapos may nakakahalikan ka pero wala kang alam sa ngyayari"
—Is it possible that while you are asleep you are kissing someone but you do not know what is going on?—
Nakita ko na imposibleng wala kang alam sa ngyayari habang tulog ka tapos may nakakahalikan ka pero may nakita rin akong opposite results sa unang results na nakita ko pero mas pinanindigan ko yung imposible na mangyari yung ganun kaya lalo akong napraning at naisip na bakit kaylangan ideny ni kai na naghalikan kami? pwede naman niya sabihin sakin yon edi sana kami na ngayon! AAAHH! Pero siguro may dahilan siya kung bakit hindi niya sinabi
Naglaro nalang ako ng lol hanggang sa maggabi para hindi ko maisip yung nangyari pero in the end kahit ongame ako hindi parin mawala sa isip ko yung mga yakap at labi niya!
Napahiyaw nalang ako sa kwarto ko dahil sa kapraningan. "AARGH! Ano ba ginawa mo sakin kai!"
Ginawa ko lahat ng bagay na makakapagpalibang sakin para hindi kona maisip yon pero in the end palpak lahat! Naaalala koparin
Alas onse na ng gabi kaya natulog nako dahil may pasok din ako bukas pero hindi ako makatulog dahil sa kakaisip
Playing: Overthinking by Orla Gartland
BINABASA MO ANG
What are we?
RomanceDay Gonzales, isang discreet guy na hindi kayang mag confess sa bestfriend niya noong 1st year high school na tanging gusto lang ay mag aral sa ibang school after graduation nila sa 4th year high school at malayo sa mga taong kakilala niya includin...