Chapter 6: Baby

11 1 3
                                    

Teody's

rinig naming katok sa pinto. sila michael ba to? baka bumalik nanamn jusko kakasawa na mukha ng mga to ha.

"hoy gaga buksan mo naghuhugas ako ng plato" sabi ko kay camille. diretso cellphone banaman ang baklita busyng busy sa mga 'boylet' niya. sumbong kita sa mama mo ei.

"saglit may tinignan lang ako" sabi naman ni camille.

agad naman na siyang tumayo at pumunta dun sa pintuan.

"uhmn excuse me nandito ba si christian?" tanong nung tao dun sa labas. rinig ko kasi next na ng sala namin kusina na agad.

"uhh yes bakit?" sagot ni camille.

"may kailangan kasi akong sabihin sakanya kailangan ko siyang maka-usap" sabi naman nung tao sa labas.

i have no idea kung sino yun. baka kaibigan ni christian noon.

"ah wait lang ha" sagot naman ni camille.

"gurl ang ganda nung babae shuta hinahanap daw si christian pota ka paano na ikaw ang lumabas dun gaga ka" sabi ni camille sakin.

magandang babae? sino yun? hindi na ako sumagot kay camille at dire-diretsong pumunta sa pintuan. tinignan ko kung sino yun.

"casey?"

"teods?"

"hah? bakit mo hinahanap si christian nyare ghorl?" tanong ko sa babaeng to.

kaaway ko si casey noon pa man. kaklase ko to nung elementary. at sa lahat ng tao itong hudas na casey ang pinaka-ayaw ko. bakit? napakasama ng ugali nito, pokpok. kaaway ko to sa noon sa lahat. mapa-acads mapa-extra curricular ang potang to laging angat sakin ng isa.

AND YES! maganda siya. maputi, ang kinis ng balat. mabait sa iba, hindi sakin. may ibubuga sa talino. talentado! in short, nasa kanya na ang lahat ng traits na hihilingin mo sa isang tao.

at ang NAKAKAINIS PA DUN. feeling ko ang liit liit ko kapag kaharap ko ang babaeng to. alam niyo kung saan ko siya natalo? wala! perpekto ang babaeng yan kaya ayaw na ayaw ko dyan.

at isa pa sa mga kinaiinisan ko, ang nanay ng gagang yan. JUSKO ubod ng kaplastikan talaga nga namang dumadaloy ang dugo sa pamilya nila. nakakainis! imbyerna.

"girl buntis ako, at si christian yung ama ng dinadala ko" sabi niya na nagpapa-awa saakin. akala siguro nito maaawa ako? anong akala niya dito wattpad? iiyak ako? sisigaw ako? tarantada hindi. hinding hindi ko gagawin yun.

masaya na ako ei. masaya ako sa araw na to. super good mood na ako! and at the same day may mukhang kabuteng babae na susulpot sa harapan ng bahay ko at sasabihing buntis daw siya sa jowa ko? aba pota. napakagaling mo.

kung hindi ko lang alam na pokpok ka, depota ka maniniwala ako ei. ei kaso halos lahat ng lalaking masasarap, nafuck ka na you fucking shit.

"umalis ka na casey, ayaw ko ng gulo. nakakahiya ka sa mga kasama ko sa bahay. mahiya ka naman for once utang na loob" sabi ko sakanya.

"HINDI! HINDING HINDI AKO AALIS DITO HANGGAT HINDI KO NAKAKAUSAP SI CHRISTIAN ILABAS NIYO SIYA!" nasisirang-bait na sabi ni casey. talaga nga namang may sira na yata talaga to sa ulo.

kakasabi ko lang ng ayaw ko ng gulo ayun, nagwala. nagsisisigaw, nakakahiya talaga ang babaeng ito kahit kailan.

"anong nangyayari dito?" panghihimasok ni christian sa usapan namin.

"oh ayan si casey nahihibang na, ikaw daw ang ama nung dinadala niya, ipaliwanag mo sa butas na bungo ng babaeng yan na never in her dreams na makikipagsex ka sa tulad niya" sabi ko.

"hey teods stop it, can't you see na seryosong sitwasyon na to tapos nagagawa po pang magbiro" pawang galit na sabi sakin ni christian.

"uh excuse me? mukha ba akong hindi seryoso sa paningin mo? mukha ba akong nagbibiro? mukha bang joke time din para sakin to? anong gusto mong gawin ko? matuwa sa kahibangan ng babaeng yan?" sabi ko.

hanggang sa may narealize ako. he didn't deny it. hindi niya tinanggi, hindi niya pa tinatanggi na anak niya yun. hindi niya pa ako pinagtatanggol. hindi niya pa pinapaalis si casey.

"what the actual fuck christian? are you serious? SINASABI MO BA SAKING NAKIPAGSEX KA TALAGA SA BABAENG YAN?" galit ko ng sabi. sinong hindi magagalit. kaka-amin lang sakin ng feelings ni christian tapos ganito na? hindi man lamang pinalamon sakin yung kilig agad-agad kailangan ganito na.

hindi sumagot si christian sakin. meaning my intuition is correct. nakipagsex nga ang lalaking to kay casey. magaling, sa babaeng kinuha na ang lahat sakin. sa babaeng dahilan kung bakit ako naiinsecure sa sarili ko.

napakagaling mo christian! isa kang hangal.

"LAYAS! LUMAYAS KAYO SA PAMAMAHAY KO! HUWAG KAYONG MAG-USAP DITO AT AYOKONG MAGDUGO ANG TENGA KO SA BOSES NIYONG DALAWA! ALIS!" pasigaw ko na ring sabi.

wala na akong pakialam, iskandalo na to. let's get it on. akala niyo papa-api ako. akala niyo uurungan ko kayo hah! never!

agad akong pumunta dun sa sampayan ng damit para kunin yung damit ni christian para makaalis na sila sa harapan ko dahil feeling ko anytime magkakasore eyes na ako sakanilang dalawa.

"oh ayan na yung damit mo! kainin mo! hindi mo rin naman kailangan yan kasi for sure hubad din kayong dalawa sa kama mamaya mga puta. ALIS!" binato ko yung damit sa mukha niya at sinarado ko na yung pinto.

agad akong pumunta sa sala at naupo sa couch namin at nagdekwatro. magcecellphone nalang ako. hindi ako iiyak, bakit ako iiyak? kung totoo man yun congrats sakanila, ibig sabihin tanga si casey at tanga din si christian.

kung hindi man totoo , wala akong pakialam. nakakadiri ang isang lalaking papatol sa specie ni casey. bahala kayo!

"oh girl tubig kumalma ka" sabi ni camille tumabi siya sakin sa couch at hindi nagsalita. alam naman nila na ayaw kong may kausap kapag galit gusto ko lang ng kasama ayoko ng kausap. good thing walang nagyaya dito kay camille.

at good thing wala dito si pia kundi jusko, kung totoo mang buntis si casey baka nakunan na yun nabugbog na ni pia.

hindi ko na alam kung anong mangyayari. nilapag ko yung cellphone ko sa center table para makapagpahinga at isipin ang mga nangyari. at makapagmeditate ng maayos. masyadong magulo ang araw na to, masyadong madrama.

Rainbows After Rain Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon