Chapter 12: I.T. Students

7 0 0
                                    

Teody's

syempre itatanong ko kung sino yung mga yun, sabi gwapo daw ei. i need to see it for myself, mamaya chikadora lang mga baklita.

lumabas ako ng classroom para tignan kung gwapo nga DAW ba talaga yung mga estudyante dun sa course ng I.T. magkafloor lang kasi ang STEM tyaka I.T. ewan ko kung bakit.

pagkalabas ko, nakita ko ang dalawang lalaking naglalakad pababa sa floor na to. dalawa kasi ang hagdanan sa dulong kanan at kaliwa, ei mas malapit yung room nila sa kaliwang hagdanan, ei madadaanan nun yung room namin bago ka makababa kaya makikita ko silang padaan dito.

GWAPO NGA! tonta ka! bakit may mga gantong nilalang sa course ng I.T. bakit samin isa lang tapos kaharap ko pa tapos masungit pa.

wait...

"JHOLO?"

"TEODY?"

what the fuck??? SI JHOLO NGA.

"OMG! ANG TAGAL NA NATIN DI NAGKIKITA" sabi ko. gusto ko siyang yakapin pero naalala kong may jowa na ako so magkontrol ng ihi teody wag masyadong kirengkeng.

"oo nga ei after nun di na tayo nakapag-usap hehe mahiya na din kasi ako sayo dahil dun sa nangyari" sabi niya.

"ok lang ano ka ba hehe" nahihiya kong sabi, sabay kamot sa batok kasi medyo naging awkward.

samin na din kasi nakatingin yung mga malalanding babae na nagtititili pa dito. inggit kayo girls?

tumingin ako sa kasama ni jholo at... omg! ang gwapo namang nilalang nito, sobrang bait niya tignan, hindi makabasag pinggan parang aalagaan ka habang buhay.

"ah teods, si vince nga pala kumpare ko, magaling to sa computer shits" pagiintroduce ni jholo sakanya.

ako na ang naginitiate na magpakilala ng sarili ko. "ah ako nga pala si teody, nice to meet you" pagpapakilala ko sa sarili ko.

"hmm nice to meet you" maikling sabi nitong vince na to. wow! ang tipid? sayang ba ako sa laway? itong mukhang to sayang sa laway? aba aba aba!

"ah gusto mo ba sumama samin? sakto pababa na din kami" pag-aaya ni jholo saakin.

syempre di ako tumanggi frend, kanina tinatamad ako kasi ako lang mag-isa ngayon di na ako tinatamad, kasama ko banaman si jholo for sure magiging masaya to.

fyi, masaya ako in a friendly way, hindi dahil sa malalandi ko nanaman si jholo. tyaka wala na din akong balak landiin to no. loyal ako madam!

ngayon, nasa canteen na kami si jholo na daw ang bibili ng pagkain namin, sinabi ko naman yung gusto kong kainin and naghanap na kami ng upuan ni vince.

hindi naman kami naguusap kasi hindi ko din naman alam kung anong sasabihin ko sakanya. di naman kami close at ayokong maging feeling close noh, over my dead body.

nang makahanap na kami ng uupuan bigla akong nagulat sa tinanong niya.

"bakla ka ba?" tanong niya.

ACK! AWKWARD hindi ako gay. BI AKO bisex.

"hah? medyo lang bakit mo naman natanong?" balik ko sakanya.

"wala naman, ayaw ko kasi sa mga bakla o tomboy, mga salot sila sa lipunan, mga wala silang ibang ginawa kundi manggulo dyan ng kung ano-ano" sabi niya na naoffend naman ako.

"ei? ano bang ginawa sayo nung mga yun?" tanong ko. unti unti na akong naiinis sa mga sinasabi nitong walang laman.

"wala naman ayaw ko lang talaga sakanila" sabi niya.

Rainbows After Rain Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon