Chapter 1: Quarantine

13 2 15
                                    

Teody's

"vanas na ako sa buhay ko bih, talaga namang wala ng kaekekan tong buhay ko ganto nalang ba ako forever? forever malungkot, forever nag-iisa?" kausap ko sa sarili ko.

masisiraan na ako ng bait dahil nasa ikaapat na linggo na kami ng quarantine dahil sa kumakalat na virus dito sa bansa.

paanong hindi ka mababaliw, laging nasa bahay, tapos wala pang jowa aba punyeta ano na!

talagang hindi ako matatahimik dito, tapos makikita mo pa sa social media, ei post ng mga magjojowang miss na miss na daw ang isa't isa? ulol mga tanga

jowa jowa pa kayo tapos iiwan din naman kayo. mga hangal. okay masyado ng bitter, pasensya na at hindi ko talaga macontain ang sarili ko sa mga bagay katulad ng pakikipagrelasyon.

natigil ako sa pagkausap sa sarili ko ng marinig ko yung sigaw ni pia sa baba.

"hoy gaga, tanghali na talagang hindi ka pa nababa dyan sa kwarto mo! kelan mo balak bumaba! kakain na, shuta ka, kung kailan kakain dun ka bababa, palamunin ka girl?" sigaw niya.

shit! oo nga palang hindi na ako nag-iisa dito sa bahay. kasama ko na nga pala tong mga kaibigan kong 'to.

"oo na, bababa na kukuhanin ko lang yung charger ko, ano ulam?" sigaw ko.

"nagluto si camille ng adobo bumaba ka dito putragis ka" reply ni pia.

fernezz, may stock kami. so wala na akong choice kundi bumaba kasi susugurin ako ni pia at hindi nanaman ako titigilan non, mumurahin pa ako niyan oh.

"hoy ikaw! hindi ako tumira dito para maging tagaluto mo ha, bumaba ka naman minsan at maglinis ang kapal ng mukha mo" sabi ni camille.

"oo na napuyat ako kaka-imagine ng lovelife ko kagabi, palibhasa may kausap ka kasi ei noh kahit quarantine ok lang sayo bonggang bongga ka" sabi ko naman.

"kumain na, walang cellphone sa lamesa. ipahinga niyo naman yang nga mata niyo maawa kayo sa sarili niyo" sabi ni camille.

nagsimula na kaming kumain at buti nalang talaga nandito si camille, marunong magluto pwede ng mag-asawa. marunong din naman magluto si pia pero hanap muna asawa ganon

"sarap teh, sana all naman marunong magluto" sabi ko.

"ei ikaw lang naman ang hindi marunong dito gurl" sabi ni pia.

ay? parang kasalanan ko? ako naman ang naghuhugas ng pinggan so may nagagawa din ako dito no.

"may natawag ata sayo teods, sagutin mo na muna at baka mahalaga" sabi ni cam.

nung tinignan ko kung sino ang natawag sakin, unregistered number, pero dahil hayok ako sa kausap sinagot ko padin.

"hello" sabi ko.

"uy si teody ba to?" sabi nung nasa telepono.

"yes po, sino po sila?" reply ko.

"hindi mo na naaalala boses ko? ako to si michael hehe, gusto lang sana kitang kamustahin" sabi ni michael

shuta! crush ko si michael nung grade 6 ako. ack! san niya nakuha number ko mygulay!

"oh ikaw pala yan, hahaha okay lang ako" pabebeng boses na reply ko.

"mabuti naman, gusto sana kitang iinvite sa dinner, nagsaad na kasi ang government na wala na daw extension ng quarantine. last week na daw ito, so maybe next friday? dinner lang to catch-up" sabi niya sa normal na boses

gwapong gwapo talaga ako sa boses nito. parang laging paos kasi tapos parang laging umuungol pag natawa. ok dahil malandi ako syempre magyeyes ako sa offer duh!

"oo naman sige, text mo nalang sakin yung location and time see you" sabi ko.

"ok sige" maikli niyang sabat.

OMG! todo pigil kilig talaga buwisit.

"hoy tarantada ka, naiwan mong naka full speaker yang cellphone mo hanang nakikipaglandian ka punyatera sobrang rupok lang teh gagang gaga?" sabi ni pia.

"heh shuta kayo. bakit di niyo sinabi saking last week na pala ng quarantine to ha!" sabi ko.

"obviously, lalandi ka lang bubuka bukaka ka nanaman dyan kung kani-kanino" sabi ni cam.

"gaga! hmp! may date ako sa friday grr" sabi ko naman nagdday dream na ako nito.

"ay bahala ka sa buhay mo" sabi ni cam.

natapos ang araw na iniisip ko kung anong mangyayari. natext na sakin yung oras at location so yung date nalang talaga hihintayin. di na ako makapaghintay punyeta!

Rainbows After Rain Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon