Chapter 7: Alcohol

11 0 2
                                    

Teody's

wala ng bumalik nung araw na yun. si pia lang mga alas-sais ng nakauwi. ok naman daw ang gala niya at nag-enjoy naman siya kay afam. good for her.

after niya magkwento, sinabi ko naman sakanya lahat ng mga nangyari dito ngayong araw at as usual, minumura niya si casey. sabi ko sainyo marahas ang babaeng ito. nagkukwento palang ako nito ha.

after nun kumain kami ng dinner at agad naring pumunta sa kanya-kanyang kwarto.

"goodnight mga mars! thank you sa pakikinig sakin" pasasalamat ko sakanilang dalawa. hindi ko talaga alam kung paano ako makakasurvive dito kung di ko kasama tong dalawang to.

"hmm goodnight, matulog ka na agad ha magpahinga ka na" sabi naman ni pia.

pumasok na ko sa kwarto ko at agad humiga sa kama. nakakapagod. legit na nakakapagod ang araw na ito.

sinusubukan kong matulog pero hindi ko talaga kaya. ang daming natakbo sa isipan ko. paano kung totoong ama nga nun si christian? edi ligwak nanaman ako? wala nanaman akong ganap? hindi nanaman ako ang pinili? pucha sawang sawa na ako dyan jusko. maiba naman.

kring kring kring

may tumatawag saakin. sino namang tatawag saakin ng ganitong oras jusko 10:00 na.

nang tinignan ko kung sino yun ay si tita shannen pala. mama ni christian. bakit naman kaya? hindi madalas natawag sakin si tita kasi busy itong tao. must be something urgent.

"yes tita? goodevening po" sabi ko sa telepono.

"iho maaari ka bang pumunta dito? si christian kasi nagwawala. napadami yata ang inom ng alak, wala na akong ibang matawagan kaming dalawa lang ang nandito ngayon sa bahay wala ang tito mo" sabi ni tita shannen.

juskong pamilya yan. keyaman ei, ayaw maghire ng katulong. twice a week nagpapageneral cleaning lang ganoin.

"tita gabi na po, wala na po akong masasakyan sabado po ngayon" sabi ko naman. sana makalusot, ayokong makita si christian nababanas ako sa mukha niya.

"don't worry ako na mismo ang susundo sayo! i'll be there in a minute" sabi niya't pinatay agad ang tawag.

wala na akong magagawa kung mismong mama na ni christian ang pupunta dito. papaano, ako lang ata ang matinong kaibigan nito ni christian, lahat balahura na rin ang ugali.

agad akong nagbihis ng disente, para maging presentable ako sa harap ng nanay ng jowa ko. or pending jowa kasi di pa sure. ick jokies. galit ako okay, nakakagalit yung mga nangyari. after kong icheck ang sarili ko sa salamin bumaba na agad ako para hintayin si tita shannen.

tok tok tok

agad na akong pumunta sa pinto, kinuha ang wallet ko pati spare key ng bahay kasi feeling ko di na ako makaka-uwi ngayong gabi.

"hi tita goodevening" sabi ko.

"hmm goodevening tara na?" sabi naman niya.

"yes po i'm ready na" sabi ko.

naglakad na kami papunta sa kotse niya. pagkasakay ng kotse, agad pinaandar at lumarga na kami papunta sa bahay nila christian.

habang nasa daanan. "ikaw na ang tinawagan ko kasi yung ibang kaibigan ni christian ei mga mukhang hindi mapagkakatiwalaan kaya ayun sayo na agad ako pumunta, sorry kung naistorbo kita" sabi niya.

"ok lang po, hindi din naman ako makatulog kaya ok lang" sabi ko naman.

hindi na sumagot si tita kaya hindi na din ako umimik. maya-maya lang nandito na kami sa pamamahay ng mga gazzingan. grabe kahit maanda, napakahumbke ng pamilya na to.

napakasimple ng bahay, tapos hindi spoiled ang anak. maayos na pinalaki.

"tara na at baka kung ano ano nang nasira sa bahay namin" natatawang sabi ni tita. patawa-tawa lang siya oh, may pampalit kasi ei.

tumungo nalang ako at naglakad na papunta sa loob ng bahay ng mga gazzingan. sa sala palang maririnig mo na yung pagsigaw sigaw ni christian na parang tanga dun sa theater room.

"ANG TANGA TANGA KO! NGAYON HINDI KO NA MAKAKAUSAP SI TEODY KAHIT KAILAN PUTA!" pagsigaw ni christian. taena nakakahiya lantaran banaman nandito yung nanay mo hoy! pero napapangiti nalang ako sa sinasabi nito ei.

"ahmn tita magpahinga ka na po, ako nang bahala dito sa anak mo, hehe i got u tita" sabi ko sakanya.

"sige sige, iiwan ko na siya sayo" pagkasabi niya nun, umalis na siya. siguro maghahanda na para sa pagtulog.

"ANG TANGA TANGA KO FUCK!" sabi uli ni christian. ang hot naman magmura nito pabayaan ko nalang kaya to?

"HOY ANG DAMI NANG NATUTULOG DITO, MANANAHIMIK KA O MANANAHIMIK KA? ANG INGAY INGAY MO GABING GABI NA NAGWAWALA KA PA PARA KANG TANGA" sigaw ko sakanya. napatahimik naman ito at biglang tumingin sakin na parang gulat na gulat. gulat ka noh? nandito na ako.

"teody ikaw ba yan?" nagtatakang tanong ni christian. "nananaginip ba ako?" dagdag niya pa. pota nagiilusyon na tong gagong to.

"andito ako tumahimik ka na, tara na sa kwarto mo. napakamessy ng ginawa mo napakadaming kalat ang daming bubog, gagawin mo pa akong katulong dito" sabi ko sakanya.

"y-yes commander, masusunod po" lumapit naman siya sakin, at hinawakan yung kamay ko sabay hila sakin papunta sa kwarto niya.

maaamaze ka talaga sa kwarto nito. ang linis parang hindi lalaki yung nakatira. tapos ang ganda pa ng ambiance ng kwarto niya hays rak and roll!

nagmumuni-muni pa ako sa kwarto niya ng bigla niya akong niyakap.

"sorry, sorry sa nagawa ko kanina di ko sinasadya nagulat ako, nagulat lang din ako" pagsusumamo niya.

"pero it doesn't change the fact na nakipagsex ka kay casey. pero wala naman na akong magagawa, lalaki ka ei" malumanay kong sabi. ayaw ko ng makipag-away. sabi ko sainyo acceptance is the key.

humiwalay siya sa yakap at akmang hahalikan ako, pumikit na ako ng biglang sumuka si christian. FUCK! natapunan yung mukha ko hanggang t-shirt ko. ANG DUMII ANG DUMIIIIIII!!!

tangina. dinala ko na agad si christian sa cr para malinisan at mahugasan para makatulog na din pota! nakakainis ang baho ko na.

naalala ko tuloy yung unang nag-inom ako nung high school pota! sumuka din ako pero di ko sinukahan yung taong nasa paligid ko. pucha! di ba kayang magkontrol nitong mga to.

inayos ko muna yung sarili ko bago ayusan si christian para di na kumalat yung suka niya. after kong maglinis, nilinisan ko na din si christian at inihiga na ito sa kama. ang himbing na ng tulog nito, napaka-amo ng mukha. parang baby matulog, napakagwapo.

after kong pagnasaan yung mukha ni christian umalis na agad ako sa kwarto dahil madami pa akong dapat gawin. diba? bigla bigla nalang akong nagiging katulong. kalurky! pero di naman ako inutusan. kusang loob ko tong gagawin.

hindi din naman ako makatulog, might as well maglinis nalang ng kalat nito. wow ang sweet sweet kong jowa diba.

nakakapagod maglinis, after kong matapos umupo ako sa couch at napangiti, dahil wala, kinikilig ako. hindi ko alam kung bakit pero yung thought na pinaglinis ko si christian ei nakakatuwa.

hindi ko namalayang nakatulog na ako, pero may last thought na pumasok sa isip ko.

nasan na si casey?

Rainbows After Rain Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon