Chapter 11: Homeroom Teacher

3 0 0
                                    

Teody's

after that night, everything went back to normal. christian and i are still together. laging nandito sa bahay, parang ginawa niya na rin tong bahay actually. nakatambak na nga dito yung mga damit niya ei.

hindi na din ako kinontak pa ni jholo after nung nangyari pero nagsorry ako sakanya. thankfully, hindi umabot kay papa ang balita.

lumipas ang 3 buwan at heto, pasukan nanaman. grade 12 na kami. and nandito ako ngayon sa tapat ng school kung saan ako papasok sa loob ng walong buwan.

si camille and pia nagstay sa mga school nila, same goes for me. actually, i'm pretty famous here, madami kasi akong sinasalihan na mga activities and yung iba napapalanunan ko kaya medyo nakikilala na ang pangalan ko dito, pero hindi oa ang mga tao dito. normal lang yung interaction walang sobrang oa kung makareak.

grumaduate akong high honor last year, pangalawa ako sa klase, pang-una namin si katrina. okay lang naman sakin, kasi mas masipag si katrina at mas determined ang baklita. kaso hindi na siya pwedeng ligawan kasi taken na siya. 3 years na sila ng jowa niyang si kyle. nakakatuwa ano? simula high school hanggang ngayon sila pa din.

grabe kasi yang dalawang yan. mahal na mahal talaga ang isa't isa, pinangarap talaga nila yan ang kaso nga lang hindi legal sa side ni katrina kasi masyadong strict ang parents niya, so medyo mahirap ang sitwasyon nila.

after kong magmuni-muni sa mga nangyayari sa paligid ko ei nagsimula na akong maglakad papasok sa school at agad hinanap ang classroom ko. malaki tong school namin, madami ding estudyante at madaming gwapo.

yes! madaming gwapo dito, nabalitaan ko ito sa pinsan kong nag-aaral dito noon na nagkalat nga daw ang specie ng magandang lahi dito, nasaktuhan pang maganda ang education nila dito kaya dito na ako tumuloy. dito ko din nakilala si christian kaya this school is kind of a blessing for me.

and nakalimutan ko, every year pala nagpapalit ang rooms namin dito so this year, iba ang mga mukhang makikita ko sa classroom. medyo nakakasad kasi malaki ang possibility na hindi ko magiging kaklase si christian at si katrina.

wala akong makokopyahan sa mga bagay na hindi ko alam. ilang beses ng niligtas ni katrina ang buhay ko sa tests at quizzes na muntik ko ng ibagsak dahil hindi ako makapagreview sa kadahilanang hindi ko din alam.

napapangiti nalang ako habang naiisip ko ang mga kalokohan namin ni katrina last year. ngayon mapapalitan na ang memories na makukuha ko let's see.

pagkatapos ng ilang minutong paglalakad, nahanap ko na yung room ko. hinihingal pa ako banaman 3rd floor ang room ko sa pangalawa sa pinakamalayong building sa gate. shocks! delubyo! paglalakad palang pagod na pagod na ako, tapos araw araw ko pa itong gagawin?!

medyo maaga akong pumasok ngayon dahil first day of school, pakabait manlang kahit sa first day ng eskwela diba.

nandito na ako sa classroom, and as expected ako palang ang nandito, maaga pa kasi 6:30 palang ei 7:30 pa magsstart ang klase. siguro introduce yourself part palang ngayong araw. may awa naman siguro mga teachers namin at hindi sila magkaklase ngayon diba?

nilabas ko nalang yung cellphone ko para manood ng k-drama habang wala pang ginagawa dito, mga 6:45 ng marinig kong bumukas ang pintuan.

"uhh classroom ba to ng 12-A STEM?" tanong nung tao dun sa labas.

"yes" maikli kong sabi, kunwari bitchesa tayo para cool, charot hahahaha.

hindi naman niya na ako pinansin at pumasok na sa classroom at naghanap ng mauupuan. umupo siya sa harapan ko malapit sa bintana.

so kaklase ko pala ang lalaking to? gwapo sana ei kaso feeling ko napakasungit, masama ugali.

wala namang nangyaring kakaiba at lumipas lang ang oras, nagdatingan naman na ang bago kong mga kaklase, and dumating na din yung homeroom teacher namin.

"goodmorning class" sabi ni sir gwapo.

wait? he looks familiar. saan ko nga ba nakita ang lalaking to? hmm, hmm, saan nga ulit kita nakita sir?

wallet

mcdonalds

mall

WHAT THE FUCK SIR

"hi class my name's,..."

"JERIMIAH?" napalakas kong sigaw. gulat na gulat ako mga madam! yung crush kong papa dun sa mcdonalds na nagbalik ng wallet ko homeroom teacher namin. what the fuck! mukhang magiging masayang school year to.

napatingin lahat ng mga kaklase ko sakin, dahil sa pagsigaw ko.

"yes haha, you heard that right, my name's jerimiah, jeri in short" sabi niya then he chuckled.

bumalik naman na lahat ng tingin ng mga kaklase ko kay sir dahil nagpaliwanag na siya ng mga rules and regulations ng classroom namin, pwera sa isa. etong nasa harap ko nakatingin ng masama sakin, al niyo yung masungit na tingin na parang jinujudge ka? ganon kalala.

"inaano ba kita, makatingin ka ha" sabi ko sa isip ko. hindi naman kami close para kausapin ko siya ng casual lang noh.

tapos the usual, introduce yourself.

dalawa lang ang tumatak na pangalan sakin. yung nasa harap ko,

"hi my name's jericho, i love playing volleyball" maikli niyang sabi. omg? pareho kami ng love huhu, and his name is jericho pala hmm parang familiar din yung name.

at yung kanina pa pinagchichismisang babae.

"hi my name is regina, nice to meet you and i love playing volleyball too" sabi niya.

kanina pa pinagchichismisan si ate girl, kasi malandi daw ito, at rumored 'sipsip' sa mga teacher kaya siya ang 1st honor ng klase nila last year hmm.

"okay, so ngayong kilala na natin ang lahat, i hope na ang school year na ito ay maging maayos at matiwasay, yun lang and see you tommorow, goodbye class" sabi ni sir papi, este jeri.

hays mukhang magiging memorable ang panibagong school year na to ah, sir jeri banaman ang teacher mo ei.

mabilis na tumakbo ang oras at napunta na kami sa math-related subjects namin, na pinakahate kong subjects kasi putrang wala akong maintindihan talaga, naiintindihan ko siya kapag discussion pero pagapplication na boom wala akong maisagot.

nagtanong naman ng mga basics si ma'am at ghorl- HALOS SI REGINA LANG ANG NASAGOT. HINDI TOTOO ANG RUMOR! magaling talaga ang bakla. nakakahiya ako punyeta! natapos akong 2nd honor ng klase namin last year tapos wala akong masagot, Lord help me! HAHAHAHAHAHAHAHHA

natapos ang math na puro si regina lang ang nasagot, magaling sa recitation ang babaeng ito, hindi nahihiya, may ibubuga. break time na and malayo ang canteen nasa 3rd floor ako nasa 1st floor pa ang canteen, tinatamad na ako bumaba kaya magsstay nalang ako dito.

nangmay marinig akong tilian ng ke-aarteng mga babae.

"GRABE! ANG DAMING GWAPO SA COURSE NG I.T.!" rinig kong tili ng mga babae dun.

sino naman yun?

Rainbows After Rain Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon