Chapter 8: McDo

8 1 4
                                    

Teody's

pagkadilat ko ng mata ko, naramdaman ko kaagad yung sakit sa leeg ko. hindi talaga ako sanay na natutulog sa couch jusko, ang sakit ng leeg ko.

tumingin ako sa paligid at ngayon ko lang napansin na nasa tabi ko pala si christian. tinititigan ako, habang nakangiti.

"goodmorning" sabi niya.

"hmm goodmorning" sabi ko.

"what do you want for breakfast? i can cook" sabi niya.

"kahit ano" maikli kong sabi.

wala pa ako sa mood makipag-usap, kakagising ko lang hindi pa nga ako nakakapagunat ei. tyaka parang ang rough ng lalamunan ko hindi ako makapagsalita ng maayos.

pero mamaya naman okay na ako, iinom lang ako ng mainit na milo ok na ako.

"actually, uuwi na ako. may pupuntahan kami nila camille ngayon, magagalit sakin ang mga yun pag hindi ako nakasama. asan si tita?" sabi ko. which is true may pupuntahan nga kami ngayon. nag-aya ng gala si pia kagabi bago matulog kaya ayun.

"andun pa sa kwarto niya ei baka nagpapahinga pa, maaga pa kasi alas-sais palang ng umaga" sabi niya.

"sige, sige uuwi na ako habang maaga pa" sabi ko.

"hah? di ka na magbbreakfast? hindi ka na din magpapaalam kay mama?" sabi niya.

"hindi na ako magbbreakfast, at ikaw nalang ang magpaalam kay tita, by the way nasan pala si casey? kamusta ang pag-uusap niyo?" tanong ko.

natigilan siya sa tanong ko.

"hindi kami nakapag-usap ng maayos kahapon kasi panay ang iyak tapos hindi makapagsalita ng maayos" sabi niya.

kulang ang sagot niya. nasaan si casey?

"nasaan si casey?" tanong ko.

at kasabay ng pagtatanong ko ay may narinig kaming boses na tumatawag kay christian.

"christian asan ka?" sabi ng boses. at obviously ang boses na yun ay kay casey.

so alam na pala ni tita shannen ang mga ganap ng anak niya.

"uuwi na ako christian, daluhan mo na yung buntis dun sa taas. buti hindi kayo nagtabi sa kama that's good" sarkastiko kong sabi sabay tayo at lakad sa pintuan.

hindi ko na pinansin yung tawag sakin ni christian. hindi din naman ako hinabol so wala na akong magagawa dun. gusto ko nalang umuwi at maggala kasama mga kaibigan ko.

kung tatanungin niyo kung okay lang ako. yes, i'm perfectly fine. naiintindihan ko ang nangyayari sa paligid ko. and i won't take rash actions kasi sa mga ganitong sitwasyon dapat ginagamit ang utak hindi ang puso. wala panamang DNA tests, wala pang confirmation na anak yun ni christian at hanggat walang ganon mananatili akong okay.

naglalakad ako papuntang gate ng subdivision nila christian dahil dun ang sakayan papunta saamin nang biglang may tumigil na sasakyan sa dinadaanan ko.

"mukhang nangangailangan ka ng masasakyan ha, tara dito libre ako" sabi nung lalaki dun sa loob ng kotse, hindi pa ako nakakalayo sa bahay nila christian at medyo mahabang lakaran pa ang gagawin ko. so wala akong choice kung gusto kong maka-abot sa gala namin ng mga kaibigan ko.

kahit di ko kilala yung tao, mukha naman siyang mapagkakatiwalaan so sumakay na ako dahil gusto ko ding tipirin yung allowance ko.

umandar na ang kotse.

"hi ako nga pala si john lloyd, you can call me jholo. and you are?" sabi ni jholo.

"i'm teody, nice to meet you jholo" sabi ko sakanya.

Rainbows After Rain Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon