10:JOE ANDRADA

25 6 0
                                    

SAPPHIRE'S POV

"Per!!" Tawag ng kung sino.

"Per!" Tawag nya ulit sakin ng makalapit na sya sa canteen. Si Jewel.

"Anyare sayo?" Tanong ko. Hinihingal ang loko.

"Pumunta ako sa classroom nyu pero wala kana.." Sabi nya saka pinunasan ang pawis nya gamit ang likod ng palad nya. "Saka, hindi pa rin kayo nagbabati ni Joe? Nakita ko syang kumakain kasama yung mga kilalang siga at basag ulo dito."

Bahagya akong lumapit sakanya. Saka bumulong. "Nagseselos nga kase sakin.. Inaagaw daw kita sakanya.." Sabi ko.

Tanging halakhak lang ang isinagot nya sakin.. Abay loko talaga to!

Bat ang tagal nung Hendrix?! Kanina pa syang wala. Baka tinakbohan nako nung baliw nayun!

Katabi ko ang linya at hinihintay ko syang tawagin ako para kuhain ang mga pinaorder ko sakanya.. Libre nya.

"Miss Ganda!!" Agad akong napalingun. Sya nga yun! Sinenyasan nya akong lumapit sakanya kaya dali dali ko naman iyong sinunod. Yieee lamon na dis!

Inabot nya sakin ang isang tray na punong puno ng mga pagkain na pinalibre ko sakanya. Yayamanin ang isang to. Hindi na rin masama.

Nauna akong naglakad sakanya para maghanap ng pwesto. "Jewel, si Hendrix the maligno nga pala.." Pakilala ko kay Hendrix.

"Maligno?!" Gulat na tanong ni Hendrix.

Oo, maligno ka! Kanina pako natatakot sayo!

Napangisi ako.. "May sinabi ba akong ganyan? Wala naman ah?!" Tanggi ko.

"Una na muna kami sayu Jewel ah? Hanapin mo nalang kami mamaya." Paalam ko kay Jewel. Tumango lang sya bilang tugon.

Nakita ko si Joe na nakakatayo palang mula sa pagkakaupo. Tapos na syang kumain. Lumakad sya pasalubong samin kaya naman hinarang ko sya.

Nakipag patintero ako sakanya. Gusto ko syang komprontahin pero panay ang pag iwas at di paimik nya sakin..

"Joe.. Bat ka ba nagkakaganyan??" Mga salitang kusang lumabas sa bibig ko. Bahagya syang napatigil at nag iwas ng tingin.

"Pakialam mo?" Medyo inip at maangas na tanong nya.. Para talagang hindi sya naging bakla nung nakaraan.

Sabunotan ko kaya to bigla?!

"Pakialam ko?" Tanong ko sakanya. Nasasaktan nako sa mga sinasabi nya. Kahit na simple lang iyon at una nyang binigkas na salita sakin sa araw nato. "Kaibigan kita, Joe.." Dagdag ko sakanya.

Natawa naman sya. Yung tawang parang nakarinig sya ng joke. Pero bakas ang pagiging sarkastiko sa tawa nyang yun.

Tumingin sya sakin na parang wala lang ako sakanya.. Ilang beses naba nyang ginawa sakin yan ngayun?

"Wala kang alam.." Prangkang sabi nya.. Napayuko ako.. Totoo, wala akong alam sa mga bagay bagay tungkol sakanya. Pero kailangan bang may alam ka sa pagkatao ng isang tao bago ka makipagkaibigay sakanya? Ang alam ko kase, ang friendship ay hindi kinakailangan ng kahit anong bagay.

As long as nagkakaintindihan, masaya at kuntinto kayo sa pagkakaibigan nyu----yun na yun. Haysss ewan ko sakanya----andrama nya talaga..

Humakbang na sya paalis.. Akmang babanggain nya ang balikat ko pero mabilis at maingat akong umiwas kaya na out balance sya. Akala ata nya magpapa bangga nalang ako sakanya..

Hindi, uy! Sayang lang ang libre ni Hendrix kung sahig lang ang makikinabang.

"Pfftt.." Rinig kong hagikhik ni Hendrix na nasa likod ko pala.

I'm Just Your Cousin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon