Chapter 32

279 10 0
                                    

CHALIL'S POV ***

Mag ingat kayo." tinapik ni khate ang balikat ko. Tumango naman ako bago pumasok sa kotse ko. Kinausap rin ni khate si chalil bago ito pumasok sa loob ng kotse

Tara na?" tumango ako sa tanong nya. Pinaandar na nya ang kotse paalis ng mansion

Nabasa mo ba ang folder na binigay ko sayo." bahagya akong tumingin kay zam bago ibalik ang atensyon ko sa pagdr-drive

Yap." maikling sagot ko. Information tungkol sa mission lang naman ang laman nun. Tahimik lang kami buong byahe. Pinagbuksan ko sya ng pinto ng makarating na kami sa location ng magaganap na drug deal

Bakit tahimik ka?" tanong nya kaya napatingin ako sa kanya

Wala. May iniisip lang." sagot ko. Iniisip ko parin kasi ang usapan namin ni dad kagabi eh. Tumitig sya sa akin saglit bago umiwas ng tingin

Tara na."

Hindi kami nahirapang pumasok sa loob dahil patay na ang bantay sa labas

Nice to see you again." nakangising sabi ni zam kaya napalingon sa amin ang lahat ng tao na nasa loob

Ikaw na naman." madiing sabi ng babaeng may maskara. Sino naman sya?

The one and only." Zam smirk.

Patayin sila!" galit na sigaw ng babae. Mabilis kaming nagtago ni zam sa likod ng pader

Mag iingat ka." seryosong sabi sa akin ni zam bago umalis sa tabi ko. Nakangiti tuloy ako habang lumalaban. I can't stop myself from smiling dahil naaalala ko ang sinabi nya sa akin

Lumabas ako sa pinagtataguan ko at mabilis na binaril ang papalapit sa akin

Chalil!" sigaw ni zam. Mabilis ang pangyayari, naramdaman ko nalang na may humatak sa akin pabalik sa pinagtataguan ko kanina.

Natamaan ka." Sabi ko habang nakatingin sa braso ni zam na may dugo. Nagdilim ang paningin ko at umigting ang panga ko. Galit na galit ako at makakapatay talaga ako. Damn! Sino sila para saktan ang reyna ko!

*** ZAM'S POV ***

Mabilis kong tinakbo ang kinaroroonan ni chalil at hinatak sya para magtago sa pader dahil nakatutok sakanya ang baril ng isang kalaban. Pero nahuli na ako dahil nailigtas ko nga sya hindi ko naman naiwasan yung bala. Tinamaan ako sa balikat. F*ck! Ang sakit hayop!

Natamaan ka." dumilim ang muka nya at umigting ang panga nya. Napalunok ako dahil ramdam ko ang galit nya. Sh*t parang bigla akong kinabahan dahil sa reaction nya

Hindi ko ikamamatay to." sabi ko at hinawakan ang sugat ko. Masyadong maraming dugo ang lumalabas. Pinunit nya ang laylayan ng damit nya at itinali sa sugat ko sa braso

Dyan ka lang." lumabas sya mula sa pinagtataguan namin at pinag bababaril ang mga kalaban. Kahit galit ang gwapo nya pari-- WHAT THE HELL ZAM?! Ano yang pinag iiisip mo! Tumino ka nga!

Lumabas rin ako mula sa pinag tataguan ko at binaril sa ulo ang mga kalaban. Hindi ko nga lang magamit ang isang kamay ko dahil may tama. Sayang naman ang isang baril ko hindi magagamit

Sh*t!" mabilis akong nagtago ng tamaan ako sa hita. Dahil sa sugat ko sa braso bumagal na ang galaw ko at hindi na ako masyadong makapag focus sa laban. Kaya kapag may laban hindi ka dapat magpapatama dahil ikamamatay mo to.

Damn! Dito ka lang ako na ang lalaban." Pumunit na naman sya ng tela mula sa suot nya at itinali ito sa sugat na nasa hita ko bago sya umalis at makipag laban ulit

Mr. Lee tapusin nyo na." sabi ko sa earpiece na suot ko.

Masusunod Miss Death."

Unti unting naubos ang kalaban hanggang sa walang ng matira. Wala narin ang babaeng naka maskara tsk.

Wala paring emosyon ang muka ko pero sa loob ko kanina pa ako nagmumura. Kumikirot na ang mga sugat ko tangna! 

Nagulat ako ng buhatin nya ako ng pabridal style

Kumapit ka lang zam dadalhin na kita sa hospital. Don't leave me my queen." yan ang huling narinig ko bago magdilim lahat sa paningin ko

///////////////

Mabilis na pinaandar ni chalil ang sasakyan papunta sa pinaka malapit na hospital. Inasikaso agad sila ng mga nurse at doctor ng makita ang kalagayan ni zam. Gusto pa sanang sumama ni chalil sa loob ng emergency room pero pinigil na sya ng mga nurse sa pinto pa lang. Mabilis nyang tinawagan ang mga kaibigan para ipaalam ang nangyari kay zam

Kumalma ka nga tol." sabi ni sky kay chalil dahil kanina pa ito pabalik balik ng lakad sa harapan nila.

Ano ba kasing nangyari? Paanong natamaan si zam?" tanong ni khate

Kasalanan ko. Dapat ako yun eh." umupo sya sa upuan at ginulo ang kanina pang magulo nyang buhok

Anong nangyari kay zam?!" napatingin silang lahat sa bagong dating na si chris. Busy kasi sya kaya huli syang nakarating

Tinamaan ng bala sa braso at hita." sabi ni axeline kay chris

Ano? How?!" kung may ibang tao lang silang kasama sa harap ng ER ay kanina pa sila pinagtitinginan. Kung makasigaw naman kasi eh!

Kumalma ka nga pwede." pinaupo sya ni charlene sa tabi nila

Ayon sa aking pagkakaintindi, iniligtas ni zam si chalil kaya sya ang tinamaan ng bala." sabi ni shanna. Dumilim ang muka ni chris at agad sinugod si chalil. Susuntukin nya na sana si chalil kung hindi lang sya pinigilan ng mga kaibigan nila

Chris!"

Tama na yan."

Awatin nyo bilis baka magkaroon ng world war 3 dito ng wala sa oras."

Awat na guys."

Ano ba! Gusto nyo rin bang samahan si zam sa ER ha! Oh eto magbarilan kayo!" binigyan ni khate ng baril ang dalawa at nag cross arms sa harap nila "Oh ano pang hinihintay nyo? Gusto nyo bang ako na ang gumawa." Inis na sabi nito

Kalma guys kalma." umawat na si sunnie sa kanilang tatlo

Pwede bang hintayin nalang natin ang doctor ni zam ng tahimik at payapa? Inooperahan na nga si zam gusto nyo pa atang sumunod. Wag na tayong magsisihan okay? Hindi naman kasalanan ni chalil dahil in the first place kusang loob na ginawa ni zam ang pagliligtas. Kahit sino naman satin ililigtas rin ni zam diba." explain ni ash

Dapat ikaw ang pro-protekta kay zam. Hindi yung ikaw pa ang dapat nyang protektahan tsk." inalis ni chris ang pagkakahawak sa kanya ng mga kaibigan nya at padabog na umupo

Ay ang kulit awat na nga eh." sabi ni zharisha. Napatayo silang lahat ng lumabas ang doctor mula sa Emergency Room

Kayo ba ang pamilya ng pasyente?" tanong ng doctor sa kanila. Lumapit si zeke sa doctor

Ako po ang kapatid ng pasyente doc. Nasaan na po sya? Okay na po ba sya?" kinakabahang tanong ni zeke. Mas lalo silang kinabahan ng lumungkot ang muka ng doctor

Ginawa namin ang lahat pero hindi kinaya ng pasyente. I'm very sorry." tinapik pa ng doctor ang balikat ni zeke bago umalis. Agad silang pumunta sa loob ng Emergency room.  Pigil ang luha nilang lahat ng pumasok pero bumagsak ang luhang pinipigilan nila ng makita ang taong nakahiga at may takip na puting kumot sa katawan

Zam!"

No."

Kasalanan mo to!" hinawakan ni chris ang kwelyo ni chalil

Pwede ba! Wag na kayong magsisihan. Nangyari na oh! Wala na ang kambal ko!" galit na sigaw ni zeke bago puntahan ang kakambal nya

Napuno ng lungkot ang emergency room dahil sa pagkawala ni zam. Lahat sila hindi makapaniwala sa nangyayari. Masyadong mabilis! Parang kanina lang nandyan sya, buhay sya at nagsusungit pero ngayon isa nalang syang malamig na bangkay at kasama na ni kamatayan

She's The Mafia PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon