Chapter 40

1.1K 15 21
                                    

Zharisha's POV


Tangina daming langgam."

Nakagat ata ako ng isa pre."

Super laki ng langgam grabe."

Get a room guys."

Tsk. Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon ng kakambal ko o hindi eh."

Mali ata pre. Malaking pagkakamali."

Ang bibitter nyo." inikot ko ang mata ko habang naka cross arms sa mga kaibigan namin

Wow ha! Coming from you." sarcastic na sabi ni shanna

Bitter daw tayo eh ano ka pa? Amplaya?" naka pamewang na sabi ni sunnie

Hahahaha tigilan nyo na nga si isha ko. Mamaya mainit na naman ang ulo nito." pinigil ko ang tili ko ng akbayan ako ni dylan. Mygosh yung heartbeat ko hindi na tama

Hmp! Iwanan na nga natin sila dyan." sabay sabay silang umalis ng parking lot habang hatak hatak si zam

Hindi parin ako makapaniwala na bati na kami ni dylan. Na kami na! Yes kami na. As in girlfriend nya na ako at boyfriend ko na sya. Kung hindi siguro ako pumunta sa park malamang hindi ganito ang sitwasyon ko ngayon

----- FLASHBACK -------

Pag uwi ko galing school  nagmumukmok agad ako sa kwarto ko. I can't decide kung susundin ko ba si zam o hindi eh. Hindi naman sa nag iinarte ako o ano, natatakot lang talaga ako sa mga what if's ng utak ko.
Masyado kasing paranoid ang utak ko eh

Paano kung umasa lang talaga ako sa kanya? Paano kung friendly lang pala talaga sya? Mas masasaktan lang ako kapag totoo nga ang mga what if's ko kaya mabuti pang hindi nalang ako pumunta sa park. Tama! Hindi nalang ako pupunta

Eh paano kung mali ka?

Eh paano kung tama?

Take the risk kasi. Wag kang nega dyan.

Hindi ako nega! Ayoko lang masaktan, ayoko lang makita ang sarili kong umiiyak

Sige. Bahala ka. Tingnan lang natin kung hindi ka masaktan kapag nakita mong may ibang kasama si dylan

Marahas kong ginulo ang buhok ko. Bakit ba ako nakikipag usap sa sarili ko? Pakshet nababaliw na talaga ako. Punyeta kasing dylan yan eh! Wala naman dapat ako sa ganitong sitwasyon kung hindi dahil sa kanya. Kasalanan nya to!

Sa sobrang pag iisip ko hindi ko napansin na nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako 6:30 na! Kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa kaba. Pupunta ba ako?!

Senyorita kakain na po." muntik pa akong mahulog sa kama ko dahil sa katok ni manang

Naman eh! Nang gugulat si manang

Mamaya na po ako kakain." sagot ko tapos humilata ulit

Hay buhay, hindi ko na maintindihan kung anong nangyayari sakin.

Anak?" napa upo na naman ako dahil sa kumakatok

Pasok mom." pinasigla ko ang boses ko para hindi mahalata ng mommy ko na may problema ako

May problema ka ba anak?" oh diba kakasabi ko lang na ayokong mahalata nya tapos nag tanong pa sya. Hay nako

Wala po mom." hinaplos nya ang buhok ko habang nakatingin sa akin. Naiilang tuloy ako

Alam mo anak alam ko kapag may problema ka. So tell me, ano ang iniisip mo?" napabuntong hininga nalang ako dahil sa sinabi ni mom. Wala talaga akong maitatago sa nanay ko. Detective ata to eh

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's The Mafia PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon