*** CHRIS POV ***
Pagkatapos kong gawin ang mga dapat kong gawin dumiretso na agad ako sa hospital kung nasan si zam
Sinong nasa loob?" tanong ko sa bantay na nasa labas ng kwarto ni zam
Si Queen Ace po." nakayuko nitong sagot sakin. Tumango ako at pumasok na sa loob. Naabutan ko si zam na nanonood sa cellphone nya at si tita ace ay nag hihiwa ng fruits
Chris nandyan ka na pala." bumeso sa akin si tita tapos napatingin sa dala dala kong food mula sa Mcdo. Gustong gusto kasi ni zam ang pagkain sa Mcdo
Iprepare ko na yan." kinuha ni tita ang hawak ko. Pumunta naman ako sa gilid ni zam at tiningnan ang pinapanood nya. Kdrama na naman -_-
Okay ka na?" tanong ko kaya natingin sya sa akin. Pinause nya ang pinanonood at hinarap ako
Yap pero hindi pa daw ako pwede lumabas." nakasimangot na sagot nya
May angal ka zam?" nakangiting tanong ni tita ace. Nawala naman ang simangot ni ace
Wala mom. Okay nga lang po sakin kahit dito na ako tumira sa hospital eh." nakangiting sagot ni zam. Pinipigilan ko ang tawa ko dahil baka samain ako kay zam
Good." bumalik na si tita ace sa ginagawa nya
So chris kamusta ka naman? Busy ka ata these past few days ah."
Opo. May inaayos po kasi ako sa business namin." umupo ako sa upuan na nasa tabi ng kama ni zam
May tumawag kay tita ace kaya iniwan nya muna kaming dalawa
Dyan na muna kayo ha? Mabilis lang to." hindi na hinintay ni tita ace ang sagot namin lumabas na sya agad
Ako na ang nagtuloy sa ginagawa ni tita ace kanina. Nilabas ko ang nuggets at bibnigyan si zam
Thanks." nanood na ulit sya ng kdrama habang ako kinakabahan sa tabi nya
Ngayon ko na kasi balak manligaw. Kahapon narealize ko na dapat na akong umamin. Okay na siguro yung ilang taon akong naging torpe. Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan namin ni zam dahil hindi ako makapag salita.
Ah zam." lumingon sya sakin
Bakit?"
Kasi ano zam. Gusto ko sanang ano, yung ano." habang sinasabi ko yun ay nakahawak ako sa batok ko. Sh*t bakit ba hindi ko masabi ng diretso?
Masakit ba batok mo?" kumunot ang noo nya
Ha? H-hindi naman." nauutal na sabi ko sabay baba ng kamay ko. Bakit ba ako nauutal fu*k sh*t naman oh!
Eh bakit nakahawak ka sa batok mo? Tsaka ano bang sasabihin mo?"
Ano kasi. Uhm ano zam eh. Hindi ko alam kung kailan basta ang alam ko ano." sobrang kinakabahan talaga ako habang nagsasalita
Ano? Wala akong mapapala sa kaka ano mo dyan." irita na ang boses nya. Bakit kasi hindi ko masabi? Kagabi kabisadong kabisado ko na ang sasabihin ko tapos ngayon aish!
Wala pala." hindi na sya nagsalita at bumalik na sa panonood
Kumalma ka nga chris! Dapat masabi mo na gusto mo syang ligawan! It's now or never!
Para kang tanga. Kanina ka pa tulala." nabalik ako sa realidad dahil nagsalita sya
Ah ano kasi."
Pag ako nainis sayo aanuhin kita." ilang beses akog napabuntong hininga bago magsalita.
May problema ka ba?" seryoso akong humarap sa kanya sabay mabilis na nagsalita
Zamgustokosanangligawanka."
Ano? Bagalan mo nga." poker face na sabi nya
Zam seryoso ako. Wag mo akong tatawanan dahil hindi joke ang sasabihin ko at mas lalong hindi prank. Seryoso to promise. Hindi ko alam kung kailan nag umpisa eh -" hindi ko na natuloy ang sasabibin ko dahil sumingit sya
Pwede bang straight to the point na?"
Eh kasi ang hirap sabihin na-"
Chris!"
Zam pwede bang manligaw." parehas kaming napatigil dahil sa sinabi ko. Nagulat kasi ako sa sigaw nya kaya nasabi ko -_- . Bakit kasi sya sumigaw eh!
Ano? Joke ba yun?" naguguluhang tanong nya. Napabuntong hininga ulit ako bago magsalita
Hindi nga joke. Gusto kilang ligawan sa ayaw at gusto mo." seryosong sabi ko
Natahimik sya at natulala. Lalo tuloy akong kinabahan dahil sa reaction nya
Sige zam bibigyan muna kita ng oras para isipin ang sinabi ko para pag nag simula na akong manligaw hindi ka na magulat." tumingin sya sakin kaya ngumiti ako kahit sobrang kinakabahan na ako. Hindi naman sya nagsalita at nakatingin lang sa akin kaya lumabas na ako
Hindi na ako mahihirapan manligaw tutal kilala ko na si zam
*** CHALIL'S POV ***
nakita kong lumabas si chris sa kwarto ni zam. Parang wala nga sa sarili eh ni hindi man lang ako napansin na nandito sa labas. Pumasok na ako agad sa loob ng makaalis na sya
Zam." nakatulala kasi sya kaya tinawag ko sya para naman mapansin nyang nandito ako
Hindi ka man lang nagbihis." sabi nya habang nakatingin sa damit ko
Excited kasi akong makita ka." nakangiting sabi ko
Psh."
Oh binilhan kita ng Mcdo." sabi ko at inabot sa kanya ang hawak kong paper bag pero mukang may nauna na "Meron ka na pala. Sige akin-" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng hablutin nya ang hawak ko
Ibibigay po tapos babawiin mo."
Ang takaw." naiiling na sabi ko sabay upo sa upuang nasa gilid ng kama nya
Nandito ka na pala chalil. Nasaan si chris?" sabay kaming napatingin ni zam sa pinto dahil pumasok si tita ace
Umalis na mom."
Ganun ba? Ako din kailangan ko ng umalis eh pwede bang si chalil na muna ang magbantay sayo zam? Pinapunta ko narin dito ang kapatid mo." sabi ni tita habang inaayos ang mga gamit nya
Saan ka pupunta mom?" tanong ni zam
Sa daddy mo. Sige na bye anak." humalik si tita ace sa pisngi ni zam bago umalis "Chalil ikaw munang bahala sa anak ko ha? Sige bye."
Umuwi ka na kapag dumating na si zeke." sabi nya habang inaayos ang earphones nya
Ayoko pang umuwi."
At bakit?" tanong nya sabay tingin sa akin
Kasi nga namiss kita." nakangiting sagot ko. Bigla naman syang nag iwas ng tingin
Ewan ko sayo."
Totoo yun. Hindi ko kaya narinig ang boses mong cold pa sa freezer."
Ewan ko sayo."
Ano ba yang pinapanood mo?" lumapit pa ako sa kanya para makita ang pinapanood nya. "Mahilig ka pala sa kdrama." sabi ko sabay tingin sa kanya pero hindi na pala dapat ako lumingon dahil nagkalapit ang muka namin. Sobrang lapit.
Para akong tumakbo ng sobrang layo dahil sobra na naman ang kabog ng dibdib ko. Malakas na talaga ang tama ko sa babaeng to
BINABASA MO ANG
She's The Mafia Princess
Teen Fictionvery super duper tagal ng update nito pero i will try my best na makapag update. Lovelots♡ Zera Acy Marie Rivera also known as Miss Death, the youngest daughter of Alexandra Ace Rivera and Alexander Ice Rivera. Even though she's the youngest, she'...