Chapter 33

239 5 0
                                    

Zam gumising ka na." umiiyak na niyugyog ni zeke ang kambal. Nakayuko at umiiyak ang lahat samantalang nasa isang tabi naman si chris at chalil na tahimik na umiiyak

Zam kung alam lang namin na mangyayari to sana nagpumilit na kaming sumama." hindi matigil ang luha ni axeline habang sinasabi yun

Zam sorry kasi *punas luha* hindi ka namin naprotektahan." niyakap na ni jadin si ash para kalmahin

No!" napatingin silang lahat kay khate ng sumigaw sya "Umayos nga kayo! Naniniwala ba talaga kayong si zam yan?! Hindi mamamatay si zam ng ganun kadali ok." maluha luha si khate ng sabihin nya yun.

Tama si khate. Joke lang siguro ni zam to." pagbibigay pag asa ni sunnie sa kanila

Tama." pinunasan ni Charlene ang luha nya at lumapit kay zam

Tanggapin nalang natin. Wala na sya kaya wag nyo ng paasahin ang mga sarili nyo." malungkot na sabi ni dylan. Ang kaninang pag asa nila ay nawala. Nagsimula na naman silang umiyak

Anong nangyayari dito?" napatigil silang lahat ng may magsalita

Si zam yun!"

Hala nagmumulto na si zam."

Zam!" niyakap ni zeke ang bangkay na nasa harapan nya at mas umiyak

Para kayong timang. Sino ba yang iniiyakan nyo?" napatingin sila sa pinto ng emergency room dahil dun galing ang boses. Namilog ang mata nilang lahat ng makita dun si zam

Ang multo ni zam." gulat na sabi ni jadin

Ano bang multo? Buhay pa ako." inis na sabi nito

Eh sino itong." napatingin si zeke sa yakap yakap nya at agad binitawan ito. Mabilis syang lumayo mula dito

Zam!" sigaw nila at mabilis na lumapit dito. Yayakap palang sana sila ng itaas ni zam ang kamay nya sa ere.

Naka wheelchair ako hindi pwedeng yakapin." napakamot naman silang lahat sa batok nila

Akala talaga namin wala ka na zam. Sabi kasi ng doctor eh." nagpupunas pa ng luha si axeline ng sabihin nya yun

So akala nyo patay na ako?" tumango naman silang lahat sa tanong ni zam

Pft. HAHAHAHAHAHA." napahinto silang lahat ng tumawa si zam.  "Dalawang bala lang ang tumama sakin paano ko naman ikamamatay yun? Hahahaha pati ikaw khate naniwala? I can't believe this." napahawak pa sya sa tyan nya at pinunasan ang luha na nasa mata nya. Tears of joy

Tsk. Natawa ka pa? Alalang alala kami sayo tapos tatawa ka pa? Todo yakap ako sa bangkay akala ko ikaw hindi naman pala." nakasimangot na sabi ni zeke "Dyan na nga kayo mag sho-shower pa ako." umalis ito pagkatapos sabihin yun

Mabuti nalang at hindi totoo yun. Sige bibili lang ako ng pagkain." tinapik ni sky ang balikat ni zam

Mag ingat ka na sa susunod zam ha. Pinakaba mo kami ng sobra sobra." sumunod si axeline kay sky.

Ako din sasama."

Bye zam pagaling ka."

Bwisit ka zam yung puso ko parang nadurog."

Napaiyak mo ako dun zam." nakangiting sabi ni khate

I still can't believe na naniwala ka." natatawang sabi ni zam

Tse! Sasama na ako sa kanila. Chalil dalin mo na si zam sa room nya okay." tumango naman si chalil sa sinabi ni khate

Ako na ang magdadala sa kanya." presinta ni chris

Tigilan mo chris. Sasama ka sa amin bumili." hinatak na ni khate si chris paalis kaya hindi na naka angal pa ang lalaki.

Ako na po ang magdadala sa kanya sa room nya." tumango ang nurse na kasama ni zam at tinuro kung saan ang kwarto ni zam

*** ZAM'S POV **

Akala ko talaga totoo yun." napadilat ako ng magsalita si chalil. Umupo ako mula sa pagkakahiga at hinarap sya

Mag ingat ka naman. Baka mapano ang sugat mo." inalalayan nya pa ako sa pag upo

Masamang damo ako. Hindi basta bastang namamatay."

Kahit na."

Hindi nyo man lang binuksan yung kumot para maconfirm kung ako ba talaga yun. Ano umiyak nalang kayo bigla?" nailing ako at natawa ng bahagya. Naaalala ko talaga ang muka nila kanina

Wag mo ng uulitin ang ginawa mo kanina. Okay lang na ako ang tamaan ng bala wag lang ikaw." Seryoso nyang sabi habang titig na titig sa akin. Nakakaasiwa na nga ang titig nya eh

Welcome." bumalik na ako sa pagkakahiga at pinikit ang mata ko

Seryoso ako. Sobrang nag alala ako sayo kanina hindi ko na nga alam ang gagawin ko eh. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung totoong nawala ka samin, sakin." parang may karera na naman sa loob ng puso ko dahil sa huling sinabi nya. Ano bang nangyayari sakin? At ano yung sinasabi nyang mawala sakanya?

Ano?" hindi ako dumilat ng magsalita dahil baka magkasalubong pa ang tingin namin. Ramdam ko kasi yung tingin nya sakin

Wala. Sige na matulog ka na reyna ko." ramdam kong hinawakan nya pa ang ulo ko

Reyna ko? Kailan pa ako naging reyna?"

Nung pumasok ka sa buhay ko. Naging reyna ka na." ramdam kong nakangiti sya ng sabihin nya yun

Ewan ko sayo."  pinigil ko ang sarili ko na wag ngumiti kahit pangiti na ang labi ko. Buti nalang at napigil ko. Kung hindi ko napigil baka makita nya at lumaki pa ang ulo nun. Baka akalain nya pa na ngumiti ako dahil sa sinabi nya eh kusa lang naman ngumiti ang labi ko

Sige na matulog ka na babantayan kita." hindi na ako sumagot dahil hinahatak na ako ng dilim sa mahaba at masarap na tulog

***CHALIL'S POV***

Parang huminto ang paligid ko dahil sa sinabi ng doctor kanina. Masakit, yan lang ang naramdaman ko kanina. Parang may pumiga ng puso ko eh. Ayokong lumapit sa kanya kanina kasi ayokong harapin yung reality na wala na sya. Corny man pero yan talaga ang naramdaman ko. Buti nalang hindi totoo! Buti nalang hindi pala sya yun

Dun ko narealize na dapat hindi ako magpaka torpe. Maikli lang ang buhay, anyminute pwedeng mawala sya. Ayoko namang mawala sya sakin ng hindi ko man lang nasasabi ang feelings ko for her. Ayoko namang maging torpe buong buhay ko. Ayoko rin namang maunahan ako ni chris. Kaya buo na ang desisyon ko. Kung pipiliin nya si chris tatanggapin ko nalang tutal dun sya masaya at gusto ko lang naman na makitang masaya sya. Atleast lumaban ako, nag try ako.

Liligawan ko sya kahit hindi ako marunong manligaw. Magpapaturo nalang ako kay jaydin. Playboy naman yun kaya sigurado akong maraming alam sa chicks yun.

She's The Mafia PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon