Author's Note
May nagbabasa pa ba nito?
***************
Kahapon si chalil ngayon naman si chris. Hindi ba pwedeng time out muna?
Para kay zam yan no?" tanong ni zeke na katabi ko
Nasa living room kaming lahat, me, zeke, mom, dad and chris na may hawak na bulaklak.
Oo." binigay nya sakin yung bulaklak na hawak nya. Mabilis ko itong kinuha ng hindi sya tinitingnan sa mata "Gusto ko po sanang magpaalam sainyo tita ace and tito ice. Gusto ko pong ligawan si zam."
Gusto mo ring ligawan si zam?" hindi makapaniwalang tanong ni mom
Opo."
Parehas pala kayo ni chalil." hindi naman nagulat si chris ng sabihin ni mom yun
Alam ko po. Actually nag usap na po kami ni chalil tungkol dito. Hindi naman po masisira ang pagkakaibigan naming tatlo kung may piliin si zam sa isa saming dalawa."
Mabuti yun. Hindi nyo dapat hinahayaang masira ang pagkakaibigan nyo dahil lang sa love." sabi ni dad na kanina pa tahimik " "Payag naman akong ligawan mo ang anak ko pero bago ka manligaw gusto ko munang makausap ka. Sumunod ka sa office ko." tumayo na si dad pagkasabi nya nun at umakyat na sa taas. Sumunod naman sa kanya si mom
Ang haba ng buhok mo twin." hinawakan pa ni zeke ang buhok ko. Kahit kailan pamwisit itong kambal ko
Tsk. Umalis ka na nga zeke."
Eto na nga po aalis na." tumayo na sya pagkasabi nya nun. Akala ko naman aalis na sya pero kinausap nya pa si chris
Matagal na kitang kilala chris at alam kong seryoso ka sa kambal ko pero subukan mo lang syang paiyakin hindi ka lang kila dad lagot. Goodluck bro." at umalis na nga ang kambal kong bwisit. Kahit naman bwisit yun mahal na mahal ko yun at alam ko mahal na mahal nya din ako. Kaya nga binabalaan nya ang mga manliligaw ko
Ewan ko talaga sa trip nyong magkaibigan." sabi ko ng maka alis na si zeke
Hindi trip ang tawag dun. Panliligaw."
At kailan ka pa natutong manligaw? Akala ko ba babae ang naghahabol sayo?" tinaasan ko sya ng kilay para malaman nyang hindi ako natutuwa sa mga nangyayari
Ngayon lang. Hindi ka naman kasi ata babae eh." tumatawang sabi nito kaya nabatukan ko "Aray naman. Hanggang ngayon mapanakit ka parin."
Talaga." inirapan ko pa sya "Tsaka teka nga. Bakit kila mom ka lang nagpapaalam sakin hindi?"
Nagpaalam na kaya ako sayo." napa poker face ako dahil sa sinagot nya
I mean bakit hindi mo man lang ako tanungin kung gusto ko bang magpaligaw!" inis na sigaw ko dito
Kasi nga liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo." sabi nya habang tumatayo "Mamaya nalang kakausapin pa daw ako ni daddy ice." kumindat pa sya sa akin bago umalis. Ang kapal rin ng muka ni chris eh -_-
.
.
.
.
Pagkatapos namin kumain ng dinner pumunta ako sa balcony ng bahay namin para magpahangin. Feeling ko nagugulo ang utak ko dahil kila chalil at chris eh
Anong ginagawa mo dito?" napatingin ako sa likod ko ng may magsalita
Nagpapahangin lang po mom." sagot ko bago ibalik ang tingin sa madilim na kalangitan. Ang ganda stars ngayon gabi
BINABASA MO ANG
She's The Mafia Princess
Teen Fictionvery super duper tagal ng update nito pero i will try my best na makapag update. Lovelots♡ Zera Acy Marie Rivera also known as Miss Death, the youngest daughter of Alexandra Ace Rivera and Alexander Ice Rivera. Even though she's the youngest, she'...