chapter 1

5.5K 133 12
                                    

OH." inihagis ko sa kanya ang isang folder na nag lalaman ng bagong mission naming dalawa ni Chris Esqueta. My bestfriend and partner

grabe maka hagis ah. May galit ka sa folder?" binuklat nya ang folder na binigay ko at binasa ang laman nun

wag mo akong inisin, wala akong tulog." ipinikit ko ang mata ko at hinilot ang sentido ko. Nandito kaming dalawa sa office ko na nasa Japan

bakit kasi hindi ka matulog?" tanong nito

sa sobrang dami ng gagawin ko paano ako makakatulog?" sarkastiko kong tanong dito

mag bakasyon ka kasi muna."

really? Vacation? Kahit saan ako magpunta may nakasunod tapos sasabihin mo magbakasyon?" tinaas ko ang kilay ko sa kanya

umuwi ka kasi muna sa Pilipinas." inilipat nya sa akin ang tingin at sinarado ang folder na binabasa nya. Inilapag nya ito sa harapan ko

soon." dumukdok ako sa table ko at handa na sanang matulog ng may pumasok

don't you know how to knock zeke?" cold na tanong ko sa taong pumasok. Zekiel Arriston Rivera, my twin brother.

sorry na." narinig kong sumarado ang pinto kaya hula ko ay lumabas sya

*TOK*TOK*TOK

tatlong malalakas na katok ang narinig ko bago bumukas ang pinto at pumasok ulit sya. Agad kong itinutok ang baril ko sa kanya ng makapasok sya

iniinis mo ba ako?" i ask him coldly. Itinaas nya ang dalawang kamay at ngumiti sa akin

joke lang." kasabay ng pagbaba ng baril ko ang pagbaba ng kamay nya. Wala pa man akong sinasabi ay umupo na sya sa upuang nasa harapan ng table ko

may sayad talaga kayong mag kapatid." komento ni chris

well kaya ako nandito dahil nami-miss na kita. Kailan ka ba babalik?" nakapout nitong tanong. Hindi naman cute. I mentally roll my eyes dahil sa ginawa nya.

kapag wala ka na." poker face kong sabi

ang harsh mo naman sa akin. Kambal mo ako okay? Kambal!" hysterical na sabi nito. May pahawak pa sa dibdib na akala mo ay may sugat sya dun

bakit ka nandito?" seryoso kong tanong para tumino sya. Naiinis na kasi ako -_-

may mission kasi kami ni sunnie ngayon dito sa Japan kaya naisip kong daanan ka dito sa office mo pero nagmamadali na kasi ako kaya bye." nagmamadaling umalis si zeke sa office ko at kumaway pa bago lumabas

takot talaga sayo yung kambal mo." natatawang sabi ni chris. Nandito pa pala sya? muntik ko ng makalimutan ha

nasaan si sunnie?" kunot noong tanong ko. Narinig ko kasing kasama nya si sunnie pero hindi naman nya kasamang pumasok. Demorice Sunnie Seok ang anak nila Tita Shin and Tito Sky 

nandyan lang yun."

anong oras na ba?" sinimulan ko ng ayusin ang mga gamit ko para makauwi na at makapag handa

mamayang 8 pa." tumayo narin sya at kinuha ang ilang gamit ko

magkita nalang tayo sa place." nauna na akong maglakad sa kanya papalabas ng office ko

i-email mo nalang sa akin ang mga dapat kong basahin." sabi ko sa secretary ko ng madaanan ko ang table nya na nasa labas lang naman ng  office ko

OKAY na lahat?" tanong ko kay chris. Nandito na kami sa warehouse kung saan may drug deal na magaganap. Tumango sya kaya naglakad na ako sa pinto ng warehouse at sinipa ito ng malakas

Hi." nakangiting bati ko sa mga taong nasa loob. Ngiting demonyo!

bakit mo naman sinipa." sabi ni chris na nasa tabi ko na. Lahat ng taong nasa loob ay nakatingin sa amin. May lamesa sa gitna at nasa kabilang side ang babaeng may hawak na drugs pero hindi ko makita ang muka nya dahil may mask. First time ko lang ata syang nakita dito ah. Nasa kabilang side naman ang lalaking may hawak na attache case na for sure ang laman ay pera. Kilala ko ang lalaki, isa syang tauhan ng kilalang drug lord dito sa Osaka Japan

ngayon lang ba kayo nakakita ng tao at ganyan kayo makatingin?" nakataas ang kilay na tanong ko. Para namang natauhan sila sa sinabi ko at itinutok ang baril sa amin ni chris

kahit kailan ay panira ka." ramdam ko ang pang gigil sa boses ng babaeng naka mask ng sabihin nya sa akin iyon

ngumisi ako sa kanya at itinutok ang baril ko "yes, panira ako. Pero hindi lang business ang sinisira ko. Naghahatid din ako ng kaluluwa sa impyerno." pinatamaan ko sya sa braso at agad nagtago sa likod ng pader.

Sh*t! Patayin nyo ang babaeng yun!" lumabas ako sa pinagtataguan ko at inasinta ang may hawak ng drugs. Binaril ko ito sa ulo at sapul. Agad syang bumagsak at kumalat ang drugs sa sahig.

lumipat ako ng taguan at patuloy ang pag baril ko sa kanila. Marami naman na akong natatamaan pero ni isa sa kanila ay wala pang tumatama sa akin. Hindi kasi sila marunong bumaril ng tama. Pumasok na ang mga kasamahan namin at agad silang pinaputukan

Umatras na muna tayo!" sigaw ng babae

huwag nyong hahayaang maka alis." sabi ko sa mga kasamahan namin at lumabas sa pinagtataguan ko.

Dire-diretso ang baril ko sa kanila at wala namang nasayang na bala dahil lahat ng bala ko ay nasa ulo nila. Nauubos na sila at patay na ang tauhan ng drug lord pero hindi ko na nakita ang babaeng naka mask at bukas ang kabilang pintuan ng warehouse kaya sigurado akong dun sya dumaan

Kayo ng bahala dyan." sabi ko kay chris at tumakbo papunta sa pintong dinaanan nila pero may humarang sa akin. Agad ko syang binaril sa ulo at mabilis na tumakbo papunta sa pinto

San kayo pupunta?" tanong ko ng maabutan ko silang papasakay sa van

kayo ng bahala dyan." rinig kong bulong ng babae at sinarado na ang pintuan. Naiwan naman ang tatlong lalaki sa harapan ko. Agad kong binaril ang nasa kaliwa pero wala na pala akong bala

sh*t." mahinang bulong ko at ibinalik sa holster na nasa waist ko ang baril ko. Itinaas ko ang dalawang kamay ko para ipakitang sumusuko na ako

tama yan, sumuko ka nalang." nakangising sabi ng mukang dugyot na lalaki. Unti unti silang lumapit sa akin at ng nakalapit na sila sa akin ay agad kong sinipa ang kamay ng lalaki kaya nabitawan nya ang baril nya. Agad akong binaril ng dalawa kaya ginawa kong shield ang katawan ng lalaking sinipa ko.

Ng makuha ko ang baril nya ay inihagis ko sa kanilang dalawa ang bangkay ng kasamahan nila at binaril sila sa ulo

Maging maligaya sana kayo sa piling ni satanas." sabi ko at ibinagsak ang baril na pag mamay ari ng isa sa kanila. Eww! Germs!

hindi mo nahuli?" tanong ni chris na kadarating lang

muka ba? Pahingi ng alcohol." sabi ko at inilahad ang dalawang palad ko sa kanya. Well lagi syang may dala ng alcohol dahil sa akin

wala pa sya sa listahan ng mga ihahatid ko kaya nakatakas sya." sabi ko pagkatapos nyang lagyan ng alcohol ang kamay ko

sunugin ang drugs at ibigay sa charity ang pera." sabi ko at iniwan na sya dun

☆☆☆

She's The Mafia PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon