ZAM'S POV *******
Chalil sumunod ka sakin." hindi ko na sya nilingon at unakyat na sa kwarto ko
b-bakit?" nakayukong tanong nito. Bakit ba ayaw nyang tumingin sa mata ko?
linisan muna natin ang mga sugat mo bago ko sabihin ang mission natin." kinuha ko ang first aid kit na nasa banyo ng kwarto ko at bumalik sa kama ko
kunin mo yung upuan. Dyan ka uupo." kinuha nya ang upuan na nasa gilid ng kama ko. Kumuha ako ng bulak at nilagyan ng betadine. Nilinis ko ang tatlong sugat nya sa magkabilang braso, lahat naman iyon ay daplis lang.
ouch! Dahan dahan naman." inagaw nya ang braso nya mula sa pagkakahawak ko
ang arte mo." kinuha ko ulit ang braso nya at nilagyan ng betadine
aray naman kasi!" inagaw na naman nito ang braso nya mula sa pagkakahawak ko. Naiinis na ako sa lalaking to ah-_-
kapag hindi ka pa tumigil dadagdagan ko yang sugat mo." banta ko sa kanya
s-sabi ko nga." tinapos ko na ang paglilinis ng sugat nya "oh bakit umiiyak ka?" tanong ko ng mapatingin ako sa muka nya. Maluha luha kasi sya
wala." umiwas ito ng tingin sa akin. Kinuha ko ang files na nasa ibabaw ng kama ko at inabot sa kanya
ano to?" tanong nya. I roll my eyes bago sagutin ang tanong nya
basahin mo kaya." sarkastiko kong sagot
mission?! Bukas?! Agad agad?!" hysterikal na tanong nito
oo kaya maghanda ka." humiga ako sa kama ko at pinikit ang mga mata ko
bukas talaga?" tanong nya pa pero hindi na ako sumagot dahil unti unti na akong hinahatak sa mahimbing na tulog
*Morning*
ingat." sabi ni chris kay chalil
bro ingatan mo ang sarili mo." niyakap pa sya ni jadin
bro wag mong hayaan na mapunta ka sa listahan ng kambal ko." tinapik tapik pa sya ni zeke
kami ng bahala sa burol incase may mangyari." sabi ni shanna
para namang mamamatay ako!" nakasimangot na sabi ni chalil
bro may chance!" sigaw ni jadin, dylan, rence aze at prince makky. Ang OA ng mga to ah -_-
hey zam! Ingatan mo ha. Hindi ako yan kaya baka maasar ka." tinapik pa ako ni chris sa balikat ko. Tiningnan ko lang sya ng blangko bilang sagot
pero eto seryoso ingat ka." seryoso nyang sabi
sila ang mag ingat." umiling iling ito dahil sa sinagot ko "tara na chalil." nauna na akong pumunta sa labas dahil ang dami pa nilang sinasabi
san tayo pupunta?" tanong nya ng makasakay na sya
sa condo ko." mabilis kong pinaandar ang sasakyan ko para mabilis kaming makarating sa pupuntahan namin
Wow! Ang ganda ng condo mo." nilibot nya ang tingin sa loob ng condo ko. Well ako ang nag design nito kaya maganda talaga. Pabagsak akong umupo sa sofa at inilapag sa lamesa ang document na naglalaman ng mission namin
mag uundercover tayo." sabi ko at binuklat ang folder "kukulayan ko ang buhok mo ng kulay brown at maglalagay ka ng make up pero hindi para maging babae ka. May babaguhin lang tayo sa muka mo." tumingin ako sa kanya. Tumango ito kaya tumayo na ako "sumunod ka sakin." naglakad na ako papunta sa walk in closet ko kung saan maraming damit para sa undercover mission na ginagawa namin ni chris dati
BINABASA MO ANG
She's The Mafia Princess
Genç Kurguvery super duper tagal ng update nito pero i will try my best na makapag update. Lovelots♡ Zera Acy Marie Rivera also known as Miss Death, the youngest daughter of Alexandra Ace Rivera and Alexander Ice Rivera. Even though she's the youngest, she'...