Chapter 23

1.4K 42 4
                                    


"Sa'n tayo pupunta?" Tanong ko kay Tristan na nagmamaneho. 

May itsura din pala 'to kahit papano. Para s'yang nag momodelo ng sasakyan sa pwesto n'ya na naka-upo sa driver seat at ang isang kamay ay nakahawak sa manibela habang ang isa ay nasa bintana at tinatap-tap ang bintana doon. Naka kunot pa ang noo n'ya at kagat kagat ang labi na tila may iniisip.

"Oo na gwapo na'ko, 'wag mo na'kong tunawin sa titig mo." Nakangisi n'yang saad.

Matagal na ba akong nakatingin?

"Asa. I'm not staring at you." Deny ko agad sabay ayos sa pagkakaupo at tumingin na sa harapan.

"So, saan nga tayo pupunta? Ba't 'di mo sinasagot tanong ko?" Tanong ko ulit nang maalala na 'di n'ya nga pa pala ako sinasagot.

"Ewan. Hinahayaan ko lang ang gulong kung saan s'ya gugulong." Nakakagago n'yang sambit.

Napairap na lang ako at nanahimik sa gilid. Maya maya pa ay huminto na ang sasakyan kaya tumingin na'ko sa labas.

Anong lugar ito?

"Where are we?" Agad na tanong ko sa kasama ko sabay lingon sa kan'ya pero agad akong nagulat dahil magkalapit na ang mukha namin dahil nakalapit s'ya sa'kin.

"A-anong binabalak mong g-gawin?" Kabadong tanong ko pero ngumisi lang s'ya sabay may pinindot sa tapat ng upuan ko na hindi ko alam kung ano 'yon pero nagulat ako nag dilim ang paligid kaya sisigaw sana ako ngunit natakpan agad n'ya ang bibig ko sabay senyas ng shh sign.

Gulat pa din ako at nalilito sa nangyayare pero nagulat ako at may mga boses akong naririnig mula sa labas.

"Asan na sila? Putangina nakatakas! Ang bo-bobo n'yo kasi magpatakbo!" Boses lalaki.

"Andito lang sila. Baka nagtatago. Lumibot tayo baka sakaling maabutan pa na'tin." Babae naman.

"Tara na sakay." Panibagong boses ng lalaki.

Sino sila? Kami ba hinahanap nila?

Narinig ko na ang tunog nang pag alis ng sasakyan kaya kasabay non ang paglayo sa'kin ni Tristan saka s'ya lumabas kaya sumunod din ako.

Paglabas ko nakita ko agad ba't dumilim sa loob ng kotse, may nakatabon dito na telang itim na sapat ang laki para matakpan ang buong sasakyan at mayroon pang mga hala-halaman.

Mula sa kinatatayuan ko 'di mo agad mapapansin na may sasakyang nagtatago dahil nasa loob ito ng mga puno kaya 'di kapansin pansin.

Hinarap ko si Tristan na chineck ang daan upang makasigurado na wala na talaga ang mga naghahanap sa'min. Lumapit ako sa kan'ya at nag tanong.

"Who are they? Why're they chasing us? Sino ang hinahabol sa'ting dalawa? Ikaw ba? Mga napagtripan mo ba 'yon kaya gustong gumanti?" Sunod sunod na tanong ko.

Nagulat ako nang humarap s'ya sa'kin at walang emosyon ang kan'yang mukha at blanko ang kaniyang mata.

I can't read him. I don't know what's running in his mind right now.

"Ako nga ba ang sinusundan?" Nakataas na kilay na tanong n'ya. I don't know why pero tumaas ang mga balahibo ko at bumilis ang tibok ng puso ko.

"W-what do you mean?" Sabi ko habang umaatras dahil unti unti s'yang lumalapit sa'kin.

"Kung ako sinusundan, hindi iilang tauhan lang ang hahabol sa'tin. Pero nasa lima lang sila. Kilala nila ako kaya 'di sila magpapadala ng limang tao lang para sa'kin. Mas marami dapat 'yon." Sabi n'ya habang patuloy na lumalapit sa'kin at ako'y patuloy din na umaatras.

"But do you know what's the big question here?..." Tanong n'ya at tumigil na sa paglapit sa'kin nacorner na n'ya ako sa sasakyan. Nag iwas lang ako ng tingin ngunit hinawakan n'ya ang baba ko at sapilitan akong pinatitig sa mata n'ya.

"Who the real are you? Sino ka ba talaga at anong klaseng pagkatao meron ka para maging desperado silang makuha ka?" Nakangisi n'yang saad.

Kinilabutan ako sa huling sinabi n'ya.

"Habang tumatagal mas lalo kong nagugustuhan na alamin kung sino ka. Just wait, i will dig deeper so i can know who you are. Ang panget naman kung 'di ko kilala Girlfriend ko."

***
After so many years naka pag update ulit HAHAHAHA chos pasensya sa late update tapos wala pa kwenta peaceeee.

Falling Inlove with A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon