Chapter 30

988 28 18
                                    

Tristan's POV

Argh. My head ache so much. I still feel deezy. Fvck.

"Anong lugar ba 'to? Ambaho ah." I frowned when i heard that voice. It's from my left side.

"Sino kayo? May kasama pa akong iba dito?" Another voice.

"Hoy mga gago kayo. Sama-sama pala tayong nakidnap."

He thinks he knows who's behind the voices he heard of. He wants to roll his eyes if he is not blindfolded. His both hands and feet are tied. With chain. Tsk.

Scared of me, eh?

Third Person POV

"Ilan tayo andito? Say present pag natawag pangalan, dali!" Excited pa itong sinabi ni Alex.

"Tss." Masungit na sabi naman ni Drake.

"Ganon ang present kay Drake. Tss ang sinasabi." Jaspher.

"Mga gago kasi kayo." Gavin.

"Ingay." Red.

"Gugulo n'yo." Gavin

"Feeling mabait ka Gavin." Lhiam.

"Papanget n'yo kasing lahat kaya tayo nakidnap eh." Jam.

Naurat si Tristan sa ingay ng mga tropa kaya sumabat na din s'ya ng "Manahimik kayong lahat ang sakit n'yo sa tenga."

Nagulat ang tropa ni Tristan nang malaman na kasama nila ito.

Halos lahat sila ay nakablindfold habang nakatali ang mga kamay at paa gamit ang bakal. Iniisip siguro ng mga kumidnap sa kanila na 'pag bakal ang ginamit hindi sila basta basta makakalaya.

"Kalalaki n'yong mga tao ang iingay n'yo. Tsk." Pero mas nagulat ang lahat ng kalalakihan nang sumingit ang tinig ng babae.

"Magugulo pa. Parang babae na kailangan ng tulong kaya nagiingay." At sinundan pa ng isang tinig.

Kumunot ang noo ni Tristan dahil hindi n'ya kilala kung kaninong boses ang mga ito. Ngunit 'di na nabigyan ng pagkakataon na magsalita dahil narinig nilang lahat ang pagbukas ng pintuan kung saan man bago nasundan ng boses. Boses lalaki.

"Oh, gising na pala ang mga bubwit." Ramdam nila ang pag ngisi ng hindi kilalang lalake na pumasok.
May isinenyas ang estrangherong lalaki sa mga tauhan n'ya.

Naramdaman nila na may lumapit sa kanila pero 'di sila pumiglas, hinayaan lang nila na hilahin sila hanggang sa maramdaman nila na ang balat ng bawat isa. Samantalang si Tristan lamang ang iniwan sa gitna, nakaharap sa mga tropa n'ya.

Unti unti din tinanggal ang nakatakip sa kanilang mata. Papikit-pikit pa sila habang inaadjust ang mata dahil sa biglang pagsilay ng ilaw. Nang maka-adjust ay nilingon nila ang isa't isa habang may ngiti sa mga labi dahil tama ang mga hula nila kanina.

Samantalang ang mga babae ay nagkatinginan lang at saka nagkibit balikat. SIG at RRG ang nasa loob ng maliit na warehouse kaya twenty silang lahat. Pero mga nakabihis sila ng casual at ang iba naka school uniform pa kaya hindi malaman ng magkabilang panig na ito ang SIG o RRG.

Nainis ang 'boss' ng kumidnap sa kanila nang nakita na tila masaya pa sila at 'di mababakasan ng takot. Pero may mala-demonyo s'yang naisip kaya napangisi s'ya bago pumunta sa harapan ni Tristan na bored kung tumingin sa kan'ya.

"Why don't we introduce ourself first?" Kumunot ang noo nilang lahat dahil parang walang kwenta ang sinasabi nito.

"Ayaw ba ng taga RRG makilala ang SIG? Kung sino ang mga miyembro nito?" Lumingon s'ya sa gawi ng mga babae sa kanang banda kung saan nakita n'ya na halo halo ang expression sa mga ito. May nakataas ang kilay, mayroong tinitignan lang s'ya at nagtataka kung ano ba pinagsasabi n'ya at ang ilan naman ay inirapan lang s'ya kaya lumingon s'ya sa kaliwa kung asan ang mga lalaki.

Falling Inlove with A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon