Chapter 16

2.4K 40 2
                                    

Trixie's POV

Papasok na ako ng school at mukha akong tanga dahil palinga-linga ang ulo ko. Bwisit kasi! Ayoko makita yung unggoy na yon eh! Napaka-arte gusto 'baby' tawag ko sa kanya -.- Baby-in ko kaya mukha nyang unggoy? Letse!

"Ay unggoy!" Napasigaw ako sa gulat ng may biglang nanghila sakin! Naman oh! Sabi kasing wag mag iisip ng kung ano-ano para di mawala sa sarili eh! Bwisit!

"Ang gwapo ko namang unggoy." Tipid na sabi nung humila sakin. Tinitigan ko sya, Speaking of the monkey -___-

"Kelan pa naging gwapo ang kalahi mong unggoy?" Bulong ko na narinig din pala nya dahil tinitigan nya ako ng masama.

Nakita ko na lang ang mga sarili namin na nasa garden. Patungo sa puno? Ano gagawin namin don?

"Ano gagawin natin dito?" I asked nung makarating kami.

"Mag se-sex." Simpleng sagot nya  pero muntikan na 'kong madapa. Letseng unggoy! Nginisian lang ako ni gago -__-

Nagulat ako ng sinenyasan nya ako na umakyat sa puno. Yung puno sya yung pinakamataas sa lahat at makakapal at malapad ang mga sanga nito, yung tipong kahit si jumbo ang umupo di padin mapuputol.

Napanganga ako ng walang kahirap hirap nyang inakyat ang mataas na sanga ng puno!

Sabi na nga ba unggoy ang isang 'to 'e -___-

"Nganga ka ba dyan o aakyat?" Sigaw nya sakin kaya napabalikwas ako.

"Di naman kasi ako unggoy na gaya mo." Sabi ko.

"Anong sabi mo?" Kunot noong tanong nya.

"Wala. Sabi ko wait lang aakyat na." Sabi ko na lang tsaka sinubukan umakyat kaso di ko magawa dahil mahirap! Kumapa na lang ako sa puno gamit paa ko ng maapakan at nung may makapa ako inapak ko agad don tsaka umakyat malapit na ako sa inuupuan nya ng madulas ako kaya nahulog ako nagulat ako ng nakalutang ako sa ere at don ko lang naramdaman na may nakahawak sa dalawa kong kamay na nakataas. Whew! Kala ko mahuhulog talaga ako, pag nagkataon mababale buto ko non. "Tutunganga ka lang ba dyan?!" Singhal ng nakahawak sakin. Psh. Tiningala ko sya at gayon na lang ang gulat ko sa nakita.

Powta!

"BWAHAHHAHAHAHAHHAA" Malakas kong tawa, halos sumakit ang tyan ko sa kakatawa  pano ba naman kasi nakabaliktad sya! Ang nakakapit lang sa sanga ay yung dalawa nyang paa at nakastretch ang kamay nya dahil hawak nya yung kamay ko. Pero mukha talaga syang unggoy! HAHAHAHA.

"TATAWA KA NA LANG BA DYAN O IHUHULOG KITA?!!" Sigaw nya kaya nagpigil ako ng tawa tsaka hinanap ang pwede kong apakan sa puno, inalalayan naman din nya ako kaya nakaakyat ako at gusto ko ulit tumawa dahil para talaga syang unggoy dahil walang kahirap hirap nya binalik ang sarili nya sa kaninang pwesto lang nya kaya parehas na kaming nakaupo sa sanga.

Sinasabi ko na nga 'ba't unggoy ang lahi nito eh! HAHAHA.

Tinitigan nya ako ng masama kaya tumingin ako sa ibang direksyon  saka tinakpan ang bibig ko dahil gusto ko pa din humalakhak sa tawa.

Nagulat ako ng bigla nya akong tinapunan ng papel na parang 1/2 lang pero mahaba pagtingin ko sa nakasulat don lumuwa yon mata ko. Puta! Ang damiiii!

"Ano ito? Bibigay mo sakin?"

"Asa. Bilhin mo lahat yan tsaka mo ilagay sa kwarto ko at ayusin mo lahat yan. Gusto ko pag pumunta ako don nakaayos yan." Sabi nya tsaka pumikit.

Falling Inlove with A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon