Chapter 13

230 10 0
                                    

Lasing

The scene replayed in my head a hundredth time. Nakapikit lang ang mata ko habang kinakalma ang sarili sa harap ni Dr. Reid.

"I've seen a lot of reactions like that, Ms. Limpoco and I understand that you have low tolerance for dissecting cadavers. That's pretty normal especially for first years but I will expect you in my next class, fully prepared. Sayang naman kung hindi ka makakapag hands-on. I heard you're one of the best students and I see that you're still coping up with the situation."

I swallowed hard then nodded.

"See you in my next class, Ms. Limpoco."

The next thing I know, nagkumpulan na ang mga kaklase ko at parang ini-interrogate ako. Buti nalang dumating si Cain at hinila na ako palabas ng classroom.

"You feeling good now?" tanong niya nang matapos kong inumin ang binigay niyang hot chocolate. Sabi niya inumin ko raw para ma-relax ako ng unti.

"Yeah.."

"I should've noticed. Muntik ka pang mahimatay sa loob ng cubicle. Buti nalang at nandun si Elle."

"I'm fine, really. Sorry talaga kanina, ang dami mo na dapat nagawa kung hindi mo pa ako sinundan."

"You're my top priority, Limpoco." siya sa seryosong boses.

Nilingon ko naman siya saka nginitian.

"Salamat kanina. If you weren't there.. I don't know, anymore."

"We'll make it 'til the end, Mara." he said then held my hands, hindi tinatanggal ang tingin sa'kin. "Together."

"Of course," tango ko naman sa kaniya.

Our next class for GrossAnat will be on Saturday and I made sure to prepare myself for the worst. Days passed by real fast and then Saturday came. Last Friday night, Cain even stayed by my side to keep me company. Pinapakalma ako kahit na hindi ko naman sinasabi. Somehow, I feel lighter. But when we went to sleep, I woke up in the middle of the night panting. Buti nalang at hindi nagising si Cain.

Godamnit!

Napahawak ako sa magkabilang sintedo at muling ininom ang gatas. Ngunit imbes na malasahan ang medyo matabang nitong lasa ay na-imagine ko iyong pagda-dissect ni Jonathan at iyong puting tissues ng katawan nung patay. I instantly vomited. Kahit ang amoy ng formalin ay nanumbalik sa akin na parang nasa GrossAnat laboratory ako.

"Bakit hindi mo ako ginising?" tanong ni Cain habang hinihimas ang likod ko.

"Pagod ka pa kagabi. You reviewed pa our Histo and Family Med last night before going to sleep."

"You saw that?"

Tumango naman ako saka pinahid ang basang bahagi sa gilid ng labi ko. He stifled a laugh then nodded.

"It's fine, though. Mas importante ka,"

"Let's go back to sleep na? Kulang ka pa sa tulog nitong mga nagdaang araw."

"Ikaw rin naman." siya saka sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri niya. He scooped me in his arms and kissed my temple. "Ayaw kong magkasakit ang future Doktora ko, so you better sleep first."

I hummed in response then closed my eyes.

Nang magising kinaumagahan ay ganoon pa rin ang posisyon namin sa sofa. Pero gising na siya bago pa man ako nagising.

"Seriously, ba't mas maaga ka pang nagising?"

Natawa lang siya saka ako tinulungang tumayo.

"I couldn't sleep. I have to make sure you'd get enough sleep."

Thorns In The Flesh (WHIPPED SERIES #2) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon