Chapter 25

386 14 2
                                    

Tinik

Seeing her finally taking another step, I couldn't seem to end it. She's already moving forward. Pero parang gusto kong magpaka-selfish ulit, even if I feel like I'd become a hindrance in reaching her dreams. God knows, how much I wanted to be the reason for her to dream for more...

Gusto kong kasama niya ako sa bawat pangarap na bubuoin niya. Pero ang hirap kung ako mismo ang sisira nun.

"Iyong Nursing student na kasama mo kanina.. siya ba?"

"What are you talking about?"

I saw how her eyes started pooling with tears. One more push and they'll fall, eventually. Sumikip agad ang dibdib ko.

Ito ba ang kapalit ng paglayo ko sa kaniya?

"Siya ba ang dahilan kaya ka nakipaghiwalay?"

I pursed my lips even more. What the actual fuck is she talking about?

Hanggang ngayon ba, hindi niya pa rin alam kung anong epekto niya sa'kin? Na sa tuwing natutuwa siya, grabeng tuwa rin ang nadarama ko. Na sa tuwing iiyak siya, dobleng sakit din ang balik nun sa'kin. Na sa tuwing nahihirapan siya, gusto ko nalang saluhin lahat ng 'yon.. basta 'wag lang siya.

Is that how little she sees my love for her? Na agad akong makakahanap ng pamalit sa kaniya? Tang ina. Sobrang hirap ko na ngang tumingin sa iba. Ni hindi ko nga magawang lumingon kasi alam kong nandyan siya.

"O dahil kay baby?"

Agad akong nasaktan sa tanong niya. Hindi lang siya ang nahirapan nang mawala ang bata.. nahirapan din naman ako.

"What about the baby, Mara?" tapang-tapangan ko pang tanong at sinalubong ang halos lumuluha na niyang mga mata.

Her tears will make me fall to my damn knees any moment now. Kapag nakita ko siyang umiyak... yayakapin ko siya, sobrang higpit at hindi na pakakawalan pa.

I tried to even my breathing as I look at her, struggling to compose herself.

"If you have nothing else to say, you can now go back to your unit and study. I still have--" naputol ang sasabihin ko. Mula sa kinauupuan ko, nakita ko ang pagpigil niya sa sariling lapitan ako.

Kung alam mo lang, Mara...

"Pagod ka ba kaya gusto mo ng space? O baka naman.. baka naman gusto.. gusto mo nang mawala na ako sa buhay mo?"

I clenched my jaw and quickly stood up. Tinalikuran ko siya dahil ayaw kong makita niya ang epekto niya sa'kin. Na sa bawat salita niya, nasasaktan ako. Parang kutsilyo ito na sinasaksak ako ng paulit-ulit.

"Why?"

Bakit nga ba? Bakit nga ba kahit hirap na hirap na tayong dalawa... nagagawa ko pa ring layuan ka ng ganito?

Ngumiti si Mara at tinanggap ang iced coffee. I quickly shifted my gaze as I try my very best to erase the feeling of jealousy inside me.

Noon, hirap siyang ngitian ang kahit na sino. Minsan ko lang din siyang napangiti noon. Alalang-alala ko pa kung paano kami magbangayan at sa tuwing nagkakamali ako, iiyak siya. Iiyak siya tapos aaluhin ko.

Ngunit masyado nga yatang martyr ang puso ko, kasi parang may sariling utak ang mga mata ko at nilingon muli ang gawi nila Mara at Jonathan.

That's why I lost it. I lost it when she tried to reach out to me. Hindi niya naman kasalanan kung may bago na siyang kaibigan. Masyado lang siguro akong nasanay na ako lang 'yong kaibigan niya simula't sapul.

"I didn't want any of it to come back, Mara," ako sa matigas na boses. How can she be so close to Jonathan like they're dating?

Hindi ko mabura sa isipan kung paanong nakakangiti siya ng ganoon sa harap ng ibang lalaki.

Thorns In The Flesh (WHIPPED SERIES #2) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon