Chapter 2.11

280 14 10
                                    

Child

Sa lilim ng isang maugat na puno, tanaw ko ang buong kapaligiran. Ang malawak na field at ang mga batang naglalaro. Sobrang laki ng QMC na hindi ito kayang libutin ng isang araw.

I watched as the sun sets. Tanda ng pagtatapos ng araw na ito.

Pumikit ako. I want to smack myself for being stupid... for still believing.

Our love was strong enough that I was willing to give up my love for her to watch her stand up from the fall. To see her eyes brighten like a star in the night, shining and beautiful. Hindi 'yong ako ang magiging dahilan ng pagkasira niya.

"Dr. Rodriguez!" isang sigaw ang nakapagmulat ng mata ko.

The sun set was no longer there, the moon and the stars are shining so bright.

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at nakita ang isang Nurse. She was lightly biting her lower lips, tila nahihiya. Umatras siya para bigyan ako ng kakarampot na espasyo na agad ko namang pinasalamatan.

"N-nakatulog po kayo, ah. Pagod po?" tanong niya sa mas pinasiglang boses kahit na medyo namumula ang pisngi.

I knew right then and there what her intentions are. Though, I was never with anyone else but Mara and... Gelmaine, I know the looks of girls who like men. And I won't lie saying I never attracted anyone with my money or maybe... the looks.

Kung hindi ko siguro kilala si Mara at kung wala akong kinalakhang ina at mga kapatid na babae, siguro'y naging babaero ako. Takot ko lang na sa mga kapatid na babae ko dumating ang karma. At mas nakakatakot isipin ang tuluyang pagkawala ni Mara, kung ganoon nga.

"Magpahinga na po kayo. Siguradong stressed na sa trabaho dahil ilang araw din pong bugbog sarado ang katawan niyo sa mga sinagawang operasyon." ngumiti siyang muli.

I looked at her nametag. Hindi ko alam kung paanong nalaman niya ang mga sinabi niya, pero wala rin naman akong pakealam.

"Thanks, Sena," tipid ko siyang nginitian at tumayo na.

Mahimbing akong nakatulog. Hindi na rin masyadong matao ang buong lugar at iilang poste ng ilaw lang ang nagbibigay liwanag sa madilim na gabi, bukod sa buwan at mga tala sa kalangitan.

"Uhm... ah, eh," Sena stuttered. She raised her right hand, like she's asking for a handshake.

Napataas ang kilay ko roon. Images of Mara flashed in my mind.

"S-Sena... Sena Madrigal po ang pangalan ko..."

"You're an intern, right?" I asked and she blushed profusely. Ibang pahiwatig yata ang nabasa sa'king tanong.

"O-opo!"

"It's nice meeting you," saad ko, hindi winawala ang respeto sa babae. "I'll see you around."

Iyon na ang huli kong sinabi bago tinalikuran ang... bata? I smirked. Looks like girls still line up for me (hindi lang pinapansin), only if it was Mara, I'd gladly pull her out of the line and introduce her as my chosen one.

"Doc!"

Hindi ko alam kung lilingunin ko ba ang babae o hindi. Pero sa kagustuhang maging klaro ang mga interpretasyon niya sa'king mga simpleng galaw ay hinarap ko siya.

"Para sa'yo po 'to.." nahihiya niyang abot ng isang envelope na nasisiguro kong love letter. Makulay ito at may iilang hugis pusong nakadikit.

I sighed dramatically and accepted it.

She blushed even more. Napakamot siya sa batok, nakatingin lamang sa lupa upang iwasan ang tingin ko.

"I'm really sorry, Sena.. but I really have someone in my heart now. I may not be romantically expressive in public but I would really appreciate it if you respect my relationship with..." tumikhim ako. "With my girl."

Thorns In The Flesh (WHIPPED SERIES #2) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon