Chapter 18

227 13 0
                                    

Jonathan

Sinubukan niya akong habulin pero tumakbo ako. Siguro sa takot na baka may mangyaring masama sa'min ni baby ay hindi na pinilit pa ang sarili. Nagulat nalang ako nang may bumusina sa aking gilid. Noong una ay akala ko pa na si Cain kaya mas binilisan ko ang lakad ngunit lumabas ang may-ari ng kotse at nakita kong si Nathan iyon.

"What the hell happened to you?" bungad niya nang maabutan ako. Marahan niya akong iginiya sa kaniyang kotse at pinapasok. Hindi na ako nanlaban pa.

"What happened, Mara?" he asked as soon as he parked on a nearby coffee shop.

"Nothing."

Bumuntong hininga siya saka lumabas ng kotse. He silently opened the car of the passenger seat and offered me a hand. I pursed my lips.

"Kaya ko na," saad ko sa mahinang boses.

Hindi na siya nakipagtalo at nauna nang maglakad patungo sa entrance ng coffee shop. Sumunod naman ako.

Pinaupo niya ako sa isang bakanteng upuan at siya sa harap ko.

"Would you like some coffee?"

Napaawang ang bibig ko. Muntik pang makalimutan na nagdadalang-tao pala.

"May mango shake ba sila?"

Nilingon niya ang counter. Napalingon nalang din ako at napangiti nang makitang nagse-serve sila ng fruit shakes.

"Ayaw mo ba ng kape?" si Nathan habang nakataas ang isang kilay. Umiling naman ako at hindi na nagsalita.

"Mango shake nalang, please," saad ko at kinuha ang wallet ngunit agad na natantong hindi ko pala dala ang bag ko.

"Uh, babayaran nalang kita sa first day of class."

Seryoso ang mukha na umiling siya. Hindi yata nagustuhan ang sinabi ko.

"I'm paying, Mara."

"Kasi.."

"Just wait here."

I pursed my lips then do as I was told. Ayaw ko na rin makipagtalo. Siguradong magtatalo ulit kami ni Cain mamaya. I just don't want another stress to add up.

"They'll be serving it in a few," si Nathan nang makapag-order na.

Pinagmasdan niya ako ng ilang segundo bago tumikhim.

"So, ano'ng nangyari?"

"Wala.." nahihirapan kong saad.

Ayaw kong i-share sa kaniya. Iyak lang ang kahahantungan ng pag-uusap namin. Tapos malalaman pa niyang buntis ako.

"Did you had a fight with Cain?"

I pursed my lips harder this time. I can spill the beans anytime.

"Hindi naman.."

"I just saw the two of you went out of the nearby clinic. At bago kayo sumakay sa kotse ay pareho kayong wala sa mood."

"Sinusundan mo ba kami?"

"The clinic happens to be my aunt's clinic. Nagsa-side line din ako minsan doon. Now, answer my question, anong ginagawa niyo ron?"

Napaawang ang bibig ko. Hindi alam ang isasagot. Buti nalang at tinawag na ang pangalan namin kaya tumayo siya para kunin ang order.

"You can tell me anything, Mara. But if it's confidential.."

"I'm pregnant, Nathan." I started, the tears on my eyes now visible. Agad kong tinuon ang tingin sa mango shake at uminom. Medyo nahimasmasan nang malasahan ang manga.

Thorns In The Flesh (WHIPPED SERIES #2) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon