First Glimpse

113 2 0
                                    

September 11, 2012

Saang kalangitan napaakyat kaya
ang ating Florante sa tinamong tuwa;
ngayong tumititig sa ligayang mukha
ng kaniyang Laurang ninanasa-nasa?

Aralin 30 | Saknong 372

🎶 Loving can hurt, loving can hurt sometimes
But it's the only thing that I know
When it gets hard, you know it can get hard sometimes
It is the only thing that makes us feel alive 🎶

"Oh my gosh girls! They're just so hot!" Sabi ni Audrey. Hayyy nako talaga tong kaibigan ko oo. Napakahilig sa boys syempre sa mga may looks lang. Haha! Sa aming apat, siya yung matatawag na uhhh... Playgirl? Simula nang mabigo sa pag-ibig. Ayan ang kinalabasan. Di na niya sineseryoso ang mga nagiging karelasyon niya. Pero kahit ganyan yan, magaling yan magpayo, swear!

"Huyyy Audrey! Hinaan mo nga boses mo. Baka may makarinig eh. Nakakahiya." Saway ko sa kaniya. Nakabukas ang pinto ng music room kaya dinig at kita namin ang mga kumakanta mula sa kinauupuan namin. Break time eh. Kaya eto kami... Tambay! Haha! Di ko lang magets kung ano bang ikinakikilig nitong bruha kong kaibigan?! Tss. Para namang ngayon lang nakakita ng gwapo eh.

"Di ka pa nasanay diyan teh!" Sabi ni Maxene. Masiyahin at palatawa tong babaeng ito. Peacemaker din pati sa grupo. Oo, natingin din sa boys pero wala pa ring tatalo kay Audrey.

"Pero agree ako kay Audrey. Look... Gwapo... Matatangkad... Magagaling kumanta... San ka pa?! Haha!" Ayun. Humirit din tong si Gayle. Siya ang may pinakamatinong boses sa amin. Yung tipong pag kumanta siya, alam mong hindi babagyo.

Ako nga pala si Sabrina Dominie Monique A. Cruz. Second year college na may course na civil engineering sa isang exclusive na paaralan, ang Gainsburgh University dito sa Manila. Ang parents ko ay nasa ibang bansa. May business kasi kami dun. Nakakapag-usap lang kami through skype. Tapos minsan umuuwi sila dito para bisitahin ako. Nakatira ako sa condo near my school. May kasambahay naman ako kaya hindi mahirap para saken ang mag-isa.

At kung tatanungin niyo, oo... Maputi ako, mahaba buhok, tama lang ang kagandahan pero maappeal sa bayan. Hahaha! Charaught! Sabi nga nila, aanhin ang ganda kung wala ka namang karisma. Oh ano? Inggit kayo noh? Haba talaga ng heyr ko! Haha!

Wait... There's more! NBSB ako. Sa aming magkakaibigan, ako na lang ang hindi pa nakakaranas magkaron ng bf. Pano ba naman kase? Di ko feel yung mga sumubok nang manligaw saken. Pero hintay hintay lang... Dadating din yan! Tiwala lang. Eww! Ano daw? Haha!

---

Nandito na kami sa susunod na subject.

"Pare may party mamaya sa bahay! Madaming chikababes dun! Sama kayo!"

"Nako pre! Di ako pede. Baka mapatay ako ng girlfriend ko nyan eh."

"Hahaha! Kalalaking tao eh nagpapa-under. Ano ba yan! Eh kayo? Sino pede sa inyo?"

"Ako pre."

"Syempre di ako magpapaiwan. Sama din ako diyan."

"Count me in. Nu oras ba?"

Tumingin ako sa classmates ko. Juske lerd! Asar ha! Ang iingay lang?! Mga kalalaking tao ang dadaldal. Talo pa babae eh.

Teka... Ano yun? Aba aba! May bumato ng papel sa ulo ko! Sino naman kaya yun aber?!

Never Too LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon