September 13, 2012
Sinisiyasat mo ang tibay at kintab
na kung sayaran man ng taga'y dumulas
at kung malayo na'y iyong minamalas
sa gitna ng hukbo'y makilala agad.Aralin 7 | Saknong 47
Kring-kring-kring... Kring-kring-kring...
"Uhmmm... Umaga na pala." Nagising ako sa ingay ng alarm ko. Bumangon agad ako. Kumain, nagtoothbrush, naligo, nagbihis at ready na ako for school.
Bago ako umalis chineck ko muna ang phone ko. May 2 messages.
"Audrey: Hey girl! I would be absent for today ha. I'm going out with my cousins. See yah tomorrow! Love lots!" Nako! Gagala na naman ang isang to.
"Okay. Ingat and enjoy!" Reply ko.
Oh pati tong si Gayle nagtext. Nu naman kayang balita neto?
"Sab, di ako makakapasok. Nilalagnat ako eh. Ingat kayo ng girls!"
What?! Ang boring naman. Dalawa lang kami mamaya ni Maxene.
"Sige. Magpagaling ka ha!"
---
Andito na ako sa school at tinext ko si Maxene.
"Oyy asan ka?"
Tagal naman neto magreply.
"Oyy!"
"Sandra!"
"Hoyyy Cassandra Maxene Felipe-Garcia kelan mo ako balak replyan ha?! Wala akong kasama. San ka ba?!"
Errr. Di siya nagrereply. Asan na ba yung babaeng yun?! Hayyy! Makapasok na nga sa room.
---
Eto. Nganga ang peg ko dito. Wala akong makausap. Boring naman oh!
"Hi!" Omg! May tumabing lalaki saken. Isa ata to dun sa members ng glee eh.
"Uhhh... Miss?" Ano ba? Di tayo close. Shoo shoo!
"Di naman ako aswang. Wag ka matakot saken. Hahaha!"
"Excuse me?" Umiiral na naman tuloy pagkamataray ko.
"Woah! Ang sunget naman neto."
"We're not even close."
"Yun na nga eh. Makikipagkaibigan lang naman ako eh."
"Ah." Parang ang dami naman gusto makipagkaibigan saken. Naalala ko tuloy yung mystery guy na yun. Tss.
"Ako nga pala si mystery guy. Hahahaha! Sorry ah." What?! Siya yung mokong na epal na yun?! Wah! Yung bumato saken ng papel! Aba! Gusto ko siyang sapakin. Pigilan niyo ko, pigilan niyo ko!
"Ah. So ikaw pala yun." Naiinis ako. Bat ba siya lumapit saken? Mas pipiliin ko pang mag-isa eh.
"Oo ako nga. Hahaha! Baket?"
"Wala lang." Umalis ka na. Di ako komportable sayo.
"Tipid naman netong sumagot. Smile naman diyan oh!" Ay! Feeling close si koya. Nagsmile na lang ako nang medyo alanganin.
"Haha! So friends na tayo ah?"
"Friends? Seryoso ka? Di ko pa nga alam pangalan mo." Err. Nakakairita siya.
"Ayyy sorry naman haha! Ako nga pala si Sebastian Gonzales." Teka... Sebastian Gonzales?
"Sounds familiar. Wait... Ohhhhhhh! I see. You we're one of those who sent a friend request to me." Hay. Misteryoso nga talaga tong epal na to.
"Oo ako nga. Hahaha! Ikaw? Ikaw si Sabrina Cruz di ba?
"Yeah. Grabe! Di ko inakalang ikaw yung epal na lalaking nagbato ng papel saken last time." Sabay smirk ko. Di ako komportable. Kaya please. Lumayo ka na.
"Hahaha! Sorry na. Nagpapapansin lang." Huh? Nagpapapansin lang? Seryoso? What's with him?
---
Hahaha! Nakakaloka naman tong araw na to. Si Audrey gumala. Si Gayle may sakit. Tapos si Maxene naman, kaya pala di nagrereply ang bruha eh dead batt ang phone at nasa clinic pala kaninang umaga yun. May dysmenorrhea.
Nagkataon namang nakilala ko na yung lalaking yun kung kelan naman wala ang girls. Ikukuwento ko na lang sa kanila bukas. Good night!