October 1, 2012
Napakinggan nila'y ang ganitong saysay;
nang aking matatap na papupugutan
ang abang sinta kong nasa bilangguan,
nagdapa sa yapak ng haring sukaban.Aralin 30 | Saknong 361
Napagplanuhan naming pumunta dito sa bahay nila Baste since wala namang pasok bukas. Lahat kami nandito. Nakakailang nga lang dahil kay Dom.
"Ano guys? Inom tayo? Hahaha!" Suggest ni Ryan. Nako! Kung iinom sila, ako na lang taga-bantay. Sigurado kasing may malalasing dito eh.
"Sige ba. Minsan lang naman to eh." Sabi ni Neil.
"Haha o nga naman!" Dagdag ni Nick.
"Oy Dom! Iinom ka ha!" Sabi ni Ryan.
"Sige pre."
"Sali kami!" Sigaw ni Audrey.
"Sige girls basta wag sobra ha!"
---
Nasa kalagitnaan na sila ng session. Si Nick medyo lasing na pero naaalalayan pa naman ni Maxene. Nga pala, sila na eh. Haha! Eh di sila na may buhay pag-ibig. Tas si Ryan naman medyo makulit na rin. Tong si Gayle naman kinukulit siya ni Neil kasi medyo nakainom na din. Si Audrey may tama na din ng alak. Ang tanging di lasing ay si Baste at si Dom.
"Saaaab! Inom ka naman." Sabi ni Audrey. Nako ha! Ayoko noh.
"O nga Sab! Ngayon lang!" Hala! Pasaway! Basta ayoko.
"Sorry guys pero kayo na lang." Sagot ko sa kanila.
"Dali na Sab. Isang shot lang." Nah. Ang kulit. Pagbigyan na nga. Basta isa lang.
"Geh. Isa lang ha! Isa lang."
"Oo ba." At yun nakainom ako ng isang shot. Grabe. Ang init sa lalamunan.
Paikot ikot lang ang pags'shot nila. Pagtapos ng isa, pasa naman sa isa.
"Sab! Isa pa."
"Huy! Ayoko na."
"Dali na girl. Ngayon lang naman to eh." Nako yan na naman si Audrey eh.
"Sige na nga."
"Yan." At napashot na naman nila ako.
Di lang ako nakashot ng dalawa kundi marami pa. Nahihilo-hilo na nga ako eh. Si Baste andito sa tabi ko, inaalalayan ako. Hanggang sa magpapasa-pasa pa ng inom at hilong-hilong na ako. Lasing na ata ako eh.
"Hoy kayo! bat niyo ako nilashing ha?" Sabi ko sa kanila.
"Hahaha! Minsan lang yan Sab!"
"Sab tama na yan ah. Lasing ka na eh." Binulungan ako ni Baste.
"Alam niyo ba..." Sabi ko.
"Ano?"
"Na may minamahal ako."
"Shhhh... Lasing ka na." Sabi ni Gayle.
"Pero di niya ako mahal eh! May gerlpren na pala siya! Huli ko na nalaman."
"Ohhhhhh... Sakit naman nun." Sabi ng mga lalaking to.
"Sino ba yun Sab?"
"Shino yun ha? Yung kaibigan niyo yun."
"Sino?"
"Si... Si... Dominic. Mahal ko si Dominic. Pero wala..." Lasing na talaga ako. Di ko na masyadong alam ang mga reaksyon ng mga mukha nila. Matapos kong sabihin yun, bumagsak na ang mga mata ko.