September 20, 2012
Hindi ka tutugot kundi matalastas,
kakapitan mo nang mabigyan ng lunas,
dadalhin sa hardi't doon ihahanap
ng ikaaaliw sa mga bulaklak.Aralin 7 | Saknong 52
Pauwi na ako. Yung tatlo kong kaibigan nagpunta ng mall may bibilhin sila. Di na ako sumama kase kaka-mall ko lang naman nung isang araw. Naglalakad ako ngayon pero nasa loob pa din ako ng campus.
"Pssst!" Napatingin ako sa likuran ko.
"Oh? Baket?" Si Baste lang pala. Kala ko naman kung sino.
"Wala lang. Miss na kita. Di na tayo masyadong nakakapag-usap eh."
"Sus! Bolerong frog!" Bigla niya akong kinurot sa pisngi.
"Aray ko! Ang saket."
"Hahaha! To naman. Naglalambing lang eh. Nga pala, pauwi ka na ba?"
"Oo."
"Hatid na kita."
"Sure." Ayun. Nagpunta kami sa parking lot.
"Asan nga pala sila?" Tanong ko sa kaniya. Sila nga ba o si Dom? Haha!
"Umuwi na eh. Si Dominic naman may pupuntahan." San kaya yun pupunta?
"Ah. Okay." Nasa loob na kami ng kotse niya at papunta na sa condo ko. Ang tahimik namin sa loob.
---
Naihatid na ako ni Baste. Nah. Eto na naman eh. Si Dom na naman nasa isip ko. Pero san kaya siya pupunta?
Nakakaloka! Grabe ka Dom! May mga naging crush na naman ako before pero bat parang iba ka? Iba yung dating mo saken? Wahhh! Crush ko talaga siya!
Kelan ko kaya siya magiging kaclose? Sana bukas na noh? Ang hirap naman kasi eh... Laging tahimik. Malay ko ba kung ayaw niyang kinakausap siya. Hayyy.
Sana maging close na kami ni Dom...