November 28, 2012Bininit na busog ang siyang katulad
ng tulin ng aming daong sa paglayag
kaya naglaon paa ko'y yumapak
sa dalampasigan ng Albanyang s'yudad.Aralin 21 | Saknong 254
Andito na ako sa airport. Kasama ko ang mga kaibigan ko. Lahat sila andito.
"Bye! Di ko alam kung gano katagal ako dun pero... I promise you guys na I'll be back." Nakakalungkot naman. Naiiyak na ako. Ayan na... Ayan na... Wala na, natulo na luha ko.
"Sab ha! Babalik ka!"
"Sab! We will miss you!"
"I will miss you too guys!"
"Sige na. Kelangan ko nang mauna. Mag-iingat kayo palagi ha!"
Tumalikod na ako sa kanila dahil di ko na kayang makita ang pagkalungkot nila lalo na ng mga girls. Nang biglang... May yumakap saken.
Si Baste. Grabe.
"Sab... Mamimiss ka namin. Ingat ka!"
"Salamat Sebastian. Ikaw din. Wag kang masyadong mag-iisip ha! Sige na bye!"
At yun na nga. Naglakad na ako palayo sa kanila. Hayyy! Kelan naman kaya ang balik ko? Di naman kasi pedeng hindian ko sila mommy.