September 26, 2012
Ay, Laurang poo'y bakit isinuyo
sa iba ang sintang sa aki'y pangako
at pinagliluhan ang tapat na puso,
pinanggugulan mo ng luhang tumulo?Aralin 7 | Saknong 39
"Girls! I have to go! Hahaha! Alam niyo na, may date ako! Haha! Joke lang." Sabi ko sa kanila.
"Hahaha! Landeee! Sige na. Ingat ha!" Sabi ni Gayle.
"Ingat Sab!" Sabi naman ni Audrey.
"Geh na! At baka ma-late ka pa! Haha!" Pahabol ni Max.
"Okay! Babush!" Sabay alis ko.
Habang naglalakad, nakasalubong ko si Baste.
"Oy Sab! San lakad? Bat parang nagmamadali ka?"
"Nagpapasama si Dom sa mall."
"Sino? Si Dom?"
"Oo. Sige na. Magkuwento na lang ako. Babye!" At agad na akong naglakad palayo. Nakakahiya naman kung ma-late ako noh.
---
Magkasama na kami ngayon. Andito kami sa Dept. Store. Sinusundan ko lang siya kung san siya pupunta. Andito kami sa teka... Damit ng mga babae?! Para kanino kaya?
"Sab halika tulungan mo ako pumili."
"Ha? A-ano... Para kanino ba?" Kinakabahan ako sa magiging sagot niya.
"Para kay Andrea."
"Si-sino yun?"
"Girlfriend ko." ANO?!?!?! Parang biglang may pumitik sa puso ko. Hala! Ano? Di ko alam. Ang gulo. Di ako handang malaman na may girlfriend na siya. Bat ganun? Crush ko lang naman siya pero bat nasasaktan ako? Parang naluluha ako na ewan. Ano ba to?!
"Sab?"
"Uhhh... E-eto na lang." Papatak na talaga ang luha ko. Pigil Sab! Pigil!
"Ayy oo ang ganda nga. Bagay na bagay sa kaniya to." Nasasaktan ako. Gusto ko nang umuwi. Nagpretend na lang ako na pinapauwi na ako sa bahay ni Ate Ming. Di ko na kaya at maiiyak na ako.
"Uh Dom... Nagtext saken si Ate Ming, pinapauwi na ako eh. Una na ako ha! Bye." Umalis agad ako nang di siya tinitingnan. Di ko na naintindihan ang sagot niya dahil ang lalim ng iniisip ko.