Samuel's Pov.
Nandito ako ngayon sa mansyon ng mga Chotangco. Di ko din alam bat ako nandito basta pinapunta lang ako dito ni Aze, tss. Kung pwede naman pag-usapan nalang sa cellphone.
"Good evening. Si young master po ba ang hinahanap nyo?" Tanong ng butler nila
"Yes, where is he?" Tanong ko
"Nasa room nya po kanina pa po kayo hinihintay" agad akong pumunta sa taas at di na nag abalang makipag-chikahan sa butler. Agad kong binuksan ang malaking pinto at bumungad sa akin ang mala salang kwarto ng prinsepe, este ni Azekiel.
"Oh? Ano meron?" Bungad ko sa kanya at agad na sumalampak sa malambot at mahabang upuan sa harap ng kama nya, tinignan ko siya mula ulo hanggang paa ano na namang kadramahan nito sabi ko sa sarili ko. Pano ba naman nakaupo siya sa dulo ng kama nya at nakatungo yung ulo na parang problemado. "Hoy!" Sigaw ko sa kanya at mukhang wala sa sarili ang loko dahil gulat na gulat na tumingin sa akin, tssk.
"Bakit ka ba naninigaw?" Galit na tanong nya, affttt!
"Bakit ba wala ka sa sarili?" Tanong ko ng di sinasagot ang tanong nya, hmm.. parang nahuhulaan ko na kung bakit ganito to
"Mali ba ako?" Tanong nya
BINGO! I knew it hahaha
Yann kinakarma na ang mokong, konsensya mo yan uy!"Ano sinasabi mo?"
Maang- maangan ko, agad siyang tumingin sa akin ng diretso at binato ako ng unan, aba, walang ya!"Ako Imperial wag mo akong mapagloloko ah?! Alam kong alam mo na!" Inis nyang sabi
"Ang alin ba?" Tanong ko ulit, aba! dapat lang sigurado ako na tama ako sa tinutukoy nya. Agad nya akong binato ng maraming unan "Hoy! Chotangco! Pag nagalusan ang napakagwapo kong mukha humanda ka lang sa akin!" Sabi ko nang makalapit sa salamin. Nang makasigurong walang galos agad akong humarap sa kanya " Alam mo pre? Bakit di mo nalang aminin sa kanyang sinasadya mong gawin yon sa kanya kasi gusto mo siya" seryoso kong sabi
"Ha! Ako?! May gusto don? Yak! Over my hot and delicious body!" Tssk! Indenial pa ang loko.
"Oh, ano pala pag-uusapan naten?" Tanong ko. Bigla siyang tumayo at humarap sa bintana
"Atin atin lang to ah?" Sabi nya habang nakatalikod. Patago akong napangiti sa sinabi nya "Gusto kong...gusto kong..Manligaw sana.."
A/N:
Ano daw? Manligaw? Kanino? Kayo mga readers? Alam nyo ba kung sino tinutukoy ni Aze?
Comment nyo nga..
Ps: Sorry sa short update, bawi nalang ako sa next chapter
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Gangster Queen
Action"Mahal kita Samantha. Mahal kita kahit ikaw pa yung maging number one killer na babae sa buong mundo.."