CHAPTER 9

14 4 0
                                    

Chapter 9

Samantha's pov.

Nakatingin lang kami sa isa't isa. Hindi ko magalaw ang kahit saang parte ng katawan ko, para bang bigla nalang akong nanigas sa kinatatayuan ko nang marinig ko mismo sa kanya ang... totoo kong pangalan

Habang siya, ay nakasandal sa pader na naka-pose na parang model at kalmadong kalmado ang istura

Tairon..

Hindi ko alam pero ang pangalang iyon ang unang pumasok sa utak ko, dahil maliban sa pamilya ko, Zander ay si Tairon lang ang nakakaalam sa totoong pagkatao ko..

"Si- sino ka?" Napapikit nalang ako sa inis dahil kahit anong gawin kong magkunwaring kalmado, hindi parin nakikisama ang mga laman ko, tinignan ko siya at seryosong nakatingin lang siya sa akin

"Sino ka?" Tanong ko ulit at nagpapasalamat, dahil hindi ako nautal sa tanong ko

"Hindi mo ba talaga ako kilala?" Tanong nya. Tss. Malamang hindi, magtatanong ba ako kung kilala ko siya, tanga din to eh. Well, kilala ko naman siya sa pangalan nya pero sa pagkatao, hindi.
Nakita ko siyang mahinang tumawa na para bang nahulaan kung ano ang iniisip ko "Mas bagay pala sayo ang Sabrina kaysa Samantha, ang baduy." Nakahinga ako ng maluwag ng tumawa siya, baliw.!

"Ako si Azekeil Samy Chotangco" hindi na ako nagulat dahil alam ko nang yon ang pangalan na babanggitin nya

"Alam ko" sabi ko na at tatalikod na sana ng magsalita ulit siya

"Ang ganda mo.." sabi nya ng nakatingin sa akin ng diretso

"Thank you pero wala akong bariya" nakakadalawang hakbang palang ako at agad na siyang humabol

"Teka lang-"

"Ano ba?" Agad kong tinanggal ang braso ko sa pagkakahawak nya

"Alam kong galit ka sa akin dahil sa ginawa ko sa canteen pero hindi ko yon sinasadya" paliwanag nya, natawa naman ako sa sinabi nya, anong nakain nito?

"Anong nakain mo't nagsosorry ka?" Natatawa kong tanong sa kanya habang siya ay nakatingin lang, teka sandili.. canteen? Hindi lang kaya sa canteen nya ako binully.. "Hoy. Akala mo ba mapapatawad kita sa ginawa mo? Ilang beses akong nabully dahil sayo, kaya manigas ka!" Hmp! Agad akong tumakbo papalayo kay Azekeil

Wew! Akala ko kung ano na. Kinabahan talaga ako sa pagtawag nya sa akin

Di pa man ako nakakarating sa pwesto nila Keera at Jessie agad naman ako hinarang ng limang lalaki na nasa 20+ na

"Hi miss beautiful, I'm andrew" pakilala ng isang chinito, tss. Wala akong pake. Lalagpasan ko na sana sila kaso bigla akong napakislot ng hawakan ng maitim na lalaki ang pwet ko

"Pare ang sarap" sabi ng negro sa mga kaibigan nya at nagtawanan sila, lalapitan din sana ako ng isang matangkad na lalaki ng may magsalita sa likod

"Hoy, mga ungas!" Napalingon naman kami sa kanya "Ang babae minamahal hindi binabastos" sabi ni.. Azekiel, at tinapon ang sigarilyo na hinihithit nya, wala talaga tong awa sa kalikasan..

"Abaaa.. sino ka ba, ha? Kilala mo ba kung sino kinakabangga mo?" Mayabang na sabi naman ng isang lalaki na mas MEDYO may istura sa kanila, nakita ko naman si Aze na nakatingin lang at pachill chill lang ang loko

"Upakan mo na" bulong ng chinito don sa matangkad na mukhang playboy, lumapit naman si kuyang playboy at susuntukin na sana nya si Azekeil ng bigla siya nitong inunahan ng suntok at nagsisugod na ang apat sa kanya. Habang pinagtutulongan ng apat si Azekeil, agad ko namang siniko yung chinitong nagbabantay sa akin at sinuntok ang mukha nya at sinipa ang pagkalalaki nito, bigla naman itong namilipit sa sakit at napahiga. Pagtingin ko naman sa gawi nila Azekeil, napailing nalang ako ng makitang bug bug sarado na ito, lumapit ako sa kanila para tulongan siya. Hinawakan ko sa braso si kuyang playboy at sinapak ito sa mukha at nagsisugod na silang lahat sa akin

Sapak dito

Sapak doon

Tadyak dito

Tadyak doon

Wews! Ngayon nalang ako nakatikim ng bakbakan hehe
Pagkatapos kong patumbahin ang limang mga lalaki agad kong binuhat si Azekiel na walang malay

Oo, BINUHAT ko siya. Para ako ngayong kargador na may dalang malaki at mabigat na sako ng bigas. Dumaan kami sa secret passage, pano ko nalaman? Dahil sa personal assistant ko

"Pakisabi nalang kay Keera at Jessie na nauna na ako" sabi ko kay Anton na isa sa mga tauhan ko at saka na pinaandar ang sasakyan

Habang nagdadrive ako, hindi ko mapigilang hindi mapasulyap kay Azekiel.

Tss, magyayabang yabangan lampa naman

Natawa nalang ako sa sarili kong naisip, ang amo pala ng mukha nito pag natutulog sana lagi nalang tong tulog para hindi ko na makita yung kilay nya na laging nakakunot lagi hahaha, joke.


Kinabukasan~

Azekeil's pov.

Bigla akong nagising dahil sa silaw na nanggagaling sa sikat ng araw, babangon na sana ako ng bigla akong mahilo kaya napahiga ako ulit sa kama ko.. tika! Tinignan ko ang kama, nagtaka ako bat kulay black

"Ang alam ko kulay blue yung cover ng kama ko" nagtataka kong tanong. Tinignan ko naman ang buong paligid, at mas lalo akong nagtaka dahil kulay black lahat at para akong nasa mamahaling hotel dahil sa sobrang linis at ganda ng paligid

"Oh, gising kana pala" napalingon ako sa babaing nagsalita

"S-si-sino ka?" Tanong ko sa babaing maputi, maikli ang buhok at medyo mapayat

"Ako si Jessie" pakilala nya, hindi ko siya pinansin at nagulat ako kasi ngayon ko lang narealize na wala pala akong saplot, natawa naman si Jessie "wag kang mag-alala, hindi ako ang naghubad sayo" nagpipigil nyang tawa, dahil nahulaan nya ang naiisip ko

"Sino?" Takang tanong ko

"Ako" napalingon ako sa familiar na boses ng babae na nagsalita mula sa labas ng pinto

O_O ako

^_^ Jessie

-_- siya

"Na-nakita mo?" Kabadong tanong ko habang si Jessie naman nagpipigil ng tawa, tumango lang siya at saka nagumpisang maglakad papalapit, agad kong tinaas yung kumot ko na ikinatawa nya, umupo siya sa tabi ko at itinaas nya ang hinliliit nya na parang may sinusukat "Anong ginagawa mo?" Inis kong tanong sa kanya at mas lalong nainis nang marinig kong bumungisngis si Jessie, tinignan ko naman siya ng masama kaya tumigil naman siya at nagpipigil parin ng tawa kaya binaling ko nalang ang paningin ko kay Samantha

"Chenecheck ko lang yung hinliliit ko kung okay, napilay kasi kagabe" sabi nya, nakahinga naman ako ng maluwag at tumingin siya sa akin "Bakit?" Nagulat ako sa tanong nya dahil alam kong parepareho kaming tatlo ng iniisip "wag kang mag alala... malaki naman eh" nagdagdag nya sabay ngiti, bigla akong napayuko dahil naramdaman kong naginit ang mga pisngi ko sa huling salita na sinabi nya, pesteng babaing to. Naramdaman kong tumayo siya sa pagkakaupo at naglakad na papuntang pinto kasama si Jessie

"Bumaba kana kakain na tayo" dagdag nya bago siya tuluyang makalabas

"T-teka" pigil ko, lumingon naman siya sa akin "Asan damit ko?" Tanong ko

"Nilabhan, pero may mga damit naman dyang panglalaki pumili ka nalang" ani nya saka tuluyang lumabas ng kwarto

Napabuntong hininga nalang ako sa sobrang kahihiyan. Agad akong nagtungo sa banyo at mas lalong namangha ako sa sobrang ganda nito, grabe ang yaman ng babaing to, sabi ko sa isip ko at nagumpisa ng maligo.

Pagkatapos kong maligo agad kong binuksan ang kabinet at nagulat ako sa sobrang daming damit na panglalaki

"Bakit, may panglalaking damit siya rito?" Bulong ko. Kumuha ako ng boxer na halatang bago pa at kinuha ko yung zip- placket stretch black polo at brown pants at sinuot iyon.. nang tignan ko ang sarili sa salamin, napabuntong hininga na naman ako, okay na sana kaso may pasa yung mukha ko, tss. Ang gwapo kung mukha..
Pagkatapos kong maglagay ng konting pabango ay saka na ako tuluyang lumabas ng kwarto.


To be continued..

My Girlfriend is a Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon