CHAPTER 10

25 4 0
                                    

Chapter 10

"Oh? Bakit di ka pa maupo?" Tanong ni Jessie sa akin

"Asan si.."

"Sam? Ayon oh, nagluluto" nginuso nya ang kitchen kung na saan si Samantha. Nagulat naman ako sa suot nya ng makitang nakasando at short lang ang suot nito at naka messy bond ang buhok... Ang hot nya "O laway mo tumutulo" napatingin naman ako kay Jessie at hinawakan ang bibig ko. Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin ng wala akong makapang basa, siraulong babae to.

"Oh? Bakit di ka pa kumakain, seniorito?" Napatingin ako kay Samantha na kakarating lang galing kitchen at may bitbit na Fried Egg with ketchup

"Hinihintay ka nya kasi SENIORA" sabi ni Jessie sabay tawa. Naiinis talaga ako dito sa babaing to, kung nakakamatay lang ang masamang tingin siguro kanina pa to nakahandusay sa sahig. Bad, Azekiel, bad!

Natawa nalang si Samantha sa sinabi ni Jessie at tumingin sa akin at saka suminyas na maupo na ako, umupo naman ako

"Ikaw ba nagligtas sa akin kagabi?" Tanong ko sa kalagitnaan ng pagkain namin

"Sin- hmm..hmm" magsasalita na sana si Jessie ng tinakpan ni Samantha ang bibig nya, napakunot naman ang nuo ko

"Ahh..h-hindi, ahh.. ano ahm..y-yung mga guardya nila Tierra ang tumulong sayo, oo, tama!" Tumango nalang ako pero hindi parin talaga ako kombinsido sa sinabi nya

"Uuwi na ako" paalam ko sa kanila

"Osige, ingat ka" sabi ni Jessie at Samantha kaya ngumiti lang ako pabalik sa kanila "kung may sasakyan ka" mahinang bulong ni Jessie pero narinig ko pa din. Lalabas na sana ako ng bahay nila ng magsalita ulit si Jessie "Ahh, Azekiel...ihahatid ka nalang daw nya" napatingin naman ako kay Samantha ng itinuro siya ni Jessie




Sam's pov.

Nagulat ako sa sinabi ni Jessie. At tinignan ko naman siya ng *What are you talking about-look* ngumiti lang siya sa akin at tinulak ako palapit kay Aze, ngunit madulas ang sahig kaya muntik na akong masubsub buti nalang nasalo ako ni Azekeil, pagtingin ko sa kanya nagulat ako ng makitang nakatitig siya sa akin at ...ngumiti

Di ko man maamin
Ikaw ay mahalaga sa akin
Di ko man maisip
Sa pagtulog ikaw ang panaginip
Malabo man ang aking pag-iisip
Sana'y pakinggan mo ang sigaw
nitong damdamin

Ako'y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako'y manhid
Sana ay iyong nariring
Sayong yakap ako'y nasasabik

Ayoko sa iba
Sayo ako ay hindi magsasawa
Ano man ang iyong sabihin
Umasa ka ito ay diringgin
Madalas man na parang aso't pusa

Giliw sa piling mo ako ay masaya ~

Para akong nahahypnotize sa mga tingin nya, hindi ko alam kung ilang minuto kaming nagtititigan pero ni hindi manlang ako nakaramdam ng pangangawit sa mga oras na yon

"Ah-ahh-ahmm!!"

Iniwas ko agad ang paningin sa kanya at sa ka umayos ng tayo, tinignan ko naman si Jessie na nakangiting nakakaloko. Pinadilatan ko lang siya ng mata at natawa siya ng mahina

..

"Sayo ba bahay yon?" Tanong nya sa kalagitnaan ng byahe, napalingon naman ako sa kanya at binalik ang tingin sa harap dahil ako ang nadadrive

Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ang totoo o hindi "Yeah" nalang ang nasabi ko

"Mayaman naman pala kayo.. pero kung kumilos ka sa school mukha kang pulube" sabi nya ng naka hlaf smile

"Well, hindi ako mayaman" nakita kong dahan dahan nawala ang ngiti nya at napakunot ang nuo, natawa naman ako sa itsura nya "Ang parents ko lang ang mayaman" dagdag ko at natawa naman siya "Ikaw?" Baling ko sa kanya

"Anong ako?" Tssk. Slow.. natawa nalang ako at napailing "You know what? Dapat sayo laging nakasmile eh" napatingin naman ako kanya at nagtatanong na *Bakit-look* "mas lalo kang gumaganda"

"Maganda ba talaga ako?" Tanong ko sa kanya

"Oo naman" napangiti ako sa sinabi nya. Hindi ko alam pero hindi ba dapat maging masaya ako kasi sa wakas na pansin na ako ng crush ko? Pero bakit parang may mali? "Are you ok?

"Ha? Ahh, oo, okay lang ako. Dito na tayo" tumingin siya sa labas at tumingin sa akin.

"Thanks" aalis na sana ako ng magsilata siya ulit "Btw. Free ka ba sa saturday?" Tanong nya

"Hmm.. hindi naman, bakit?"

"Aayain sana kitang lumabas" nagulat ako sa sinabi nya, don't tell me inaaya nya akong magdate kami? Kyaahhh "I mean, para na rin sa mga maling nagawa ko sayo.." nahihiya nyang sabi at napakamot sa batok. Ngumiti lang ako sa kanya at tumango "Sige, text ko nalang sayo yung time and place" sabi nya ng nakangiti. Tumango lang ako at saka na umalis

"Kamusta date nyo?" Kakapasok ko lang ng bahay ng mapahinto ako sa nagsalitang si Jessie mula likuran ko

"Anong date sinasabi mo?" Napakunot nuo naman siya

"Hindi kayo nag date? Akala ko pa naman aayain kana nya magdate" halata sa mukha nya ang pagkadismaya

"Shunga! Hinatid ko lang siya" agad kong nilagay ang susi ng kotse sa mesa at sumalampak sa sofa

"Mahina" bulong ni Jessie

"What did you say?" Wala ako sa mood ngayon kaya pasensya siya pag nairita ako sa kanya

"Wa- wala, Queen, sige alis na ako" aalis na sana siya ng pigilan ko siya

"Wait, may kailangan akong ipagawa sayo" lumingon naman siya sa akin at hinihintay ang susunod kong sasabihin

"I want you to arrange our marriage as soon as possible.."



A/N: Hi, if nag enjoy kayo sa pagbabasa please vote for this chapter and you can also leave a message in the comment section. Loveyou😊💖

My Girlfriend is a Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon