Samuel's pov.
"Tol" napalingon ako kung sino tumawag sa akin, nakita ko si Aze na palapit sa kinaroonan namin, kasama ko si Zander papuntang coffee shop
"Oh, bakit?" Tanong ko nang makalapit siya
"Nakita mo ba ginawa ko? Hahaha" tumatawang ani nya na hinihingal, abnormal talaga.
" ano yon?" Kunot noong tanong ko
"Inutusan ko lang naman mga tao ko na ibully si nerd" tumatawa paring sabi nya. Nakunot bigla noo ko "Ayon pinagkaguluhan siya sa canteen"
"ANO?! BAKIT?" Sabay naming tanong ni Zander
"Oh..chill lang bro, nililibang ko lang sarili ko, ok?" Sabi nya ng nakataas ang kamay na parang suko na "hayys, nabobore na kasi ako sa buhay ko" sabi nya
"Kung nabobored kana, taposin mo nalang buhay mo hindi yung nandadamay ka ng iba" seryosong sabi ni Zander. Tinignan ko si Aze at pati siya natigilan sa sinabi ni Zander, ngayon lang namin siya nakitang ganito kaseryoso
"Ahh hahaha" bigla akong tumawa ng pilit para mabasag yung katahimikan at madilim na aura na nakapalibot sa dalawa "oh, wag kayong magaaway, si nerd lang yon, guys" Kumbinsi ko
"Oo nga naman, ano kinagagalit mo, ha, Zander? Kilala mo ba yon?" Tanong ni Aze " O baka naman.... may gustoka sa nerd na yon?" Dagdag nya, tinignan ko si Zander at diretso lang siyang nakatitig kay Aze
Impossible.. Bulong ko sa isip ko
"Tss." Agad na umalis si Zander
"Tol, saan ka pupunta!" Habol na tanong ko habang palayo ng palayo si Zander.
"Bakit mo ba ginawa yon?" Tanong ko nang di na namin matanaw si Zander. Tumingin sa akin si Aze at aba! Biglang nag walk out ang loko! Aishhh.. bahala nga kayo, mga baliw!.
....
Samantha pov.
"Ay Sorry, sorry po, sorry" sabi ko sa nabangga ko at nabuhosan ng coke
"Aishhh! Damn! Ang mahal nito alam mo ba?" Reklamo nya
"Hay nako! Pangit na nga, tanga pa!" Sabat naman ng kasama nyang babae
"Sorry po" paumanhin ko habang nakatungo yung ulo
"Ok ka lang ba babe?" Malanding tanong ng babae sa kanya
"Aishhh! Aalis na muna ako, ikaw na bahal sa kanya" walang ganang sagot niya. Pagkaalis nong lalaki agad bumunot ng cellphone yung babae
"Pumunta kayo rito" ani nya at pinatay yung cellphone at agad ibinulsa. "Oh? Ano gagawin mo nyan? Alam mo bang mas mahal pa sa buhay mo yung leather Jacket ni Baby Aze?" Maarting sabi nya
"Babayaran ko nalang--
"Pano? E sa tingin ko.. mahirap ka lang.." taas, babang tingin nya sa akin "gusto mo bang makabayad?" Agad na napataas yung ulo ko ng sabihin nya iyon
"Hi Farrey Girl-- oh?! Sino yan? New friend?" Tanong nong isang babae na bagong dating lang at nagtawanan yung kasama nyang babae
"Aughh!! Shut up! Tierra" asar na sabi ni Farrey "ito kasing tanga na pangit na babae, biglang nabuhosan yung leather jacket ni Aze"
"Oww, is that so? Oh, e bakit ikaw yong nandito? Bat hindi si Aze?" Takang tanong ni Tierra
" Ako na daw bahala" sabi ni Farrey habang nakangiti sa akin
" So what's your plan?" Singit nong isa pa, agad na ngumiti ng nakakaloko si Farrey at Kumuha ng isang basong Coke at binuhos sa akin "tadahhh!!" At nagtawanan sila pati na din yung mga taong nakapaligid sa amin
"Girl, parang may kulang.." inabot ni Tierra yung pancit na hawak ko at iniligay sa ulo ko "Perfect!" At muli silang nagtawanan
...
THIRD PERSON pov.
Mangiyak ngiyak si Samantha habang nakatungo ang ulo ngunit pinipigilan nyang tumulo ang mga luha nya dahil ayaw nyang kinakaawaan ng iba. Naikuyum nya ang mga kamao nya sa sobrang pagpipigil at pilit na pinapakalma ang sarili.
"Anong ginawa nyo?!" Sigaw nong lalaki na kakarating lang, di nya magawang tignan ang lalaki dahil sa nanlalabo na ang kanyang paningin
"Hi baby Zander" bati ni Tierra at agad na lumingkis ang braso nito sa braso ng binata, agad namang tinanggal iyon ni Zander at agad nyang hinubad ang coat na suot nya at lumapit kay Samantha para iligay iyon sa likod nito "Hey! What are you doing?!" Gulat na tanong ni Tierra at Farrey. Hindi sila sinagot nito at patuloy lang itong tinatanggal yung pancit sa ulo ng dalaga at agad nya itong hinatak palabas ng canteen.
"Ok ka lang ba?" Tanong nya ng makarating sila sa rooftop ng school nila
"Hmm, ok lang ako" nakangiting sagot ni Samantha
"I'm sorry kung nahuli ako ng dating" Sabi nya habang kinukuha yung mga tirang pancit sa ulo nito
"Ayos lang" nakatungong ani Samantha
Gusto man nitong maglabas ng sama ng loob ngunit hindi nya mgawa dahil ramdam nyang may nakatingin sa kanila.
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Gangster Queen
Aksi"Mahal kita Samantha. Mahal kita kahit ikaw pa yung maging number one killer na babae sa buong mundo.."