Identity Revealed

16 5 0
                                    

Chapter 8

"Handa na susuotin mo, Sam" bungad ni Jessie pagpasok ko sa bahay, nandito pala ako sa bahay ko, tama, may sarili akong bahay. Actually, di pa nga alam nila mommy about dito, hindi naman sa ayokong sabihin dahil magagalit sil. Kaya ayokong sabihin dahil gusto kong magkaroon ng PRIVACY, may plano naman akong sabihin sa kanila about dito pero hindi pa ngayon "ahh, Pano nyan? Babagohin mo ba sarili mo?" Tanong nya ulit, napaisip naman ako sinabi nya,. Oras na siguro pa sabihin ko ang pagkatao ko

"What do you think?" Sabi ko ng nakangiti, agad akong pumasok sa kwarto at di na hinintay ang sasabihin nya. Pagkapasok ko sa kwarto agad kong hinubad LAHAT ng damit ng suot ko at pumasok sa cr para maligo. After 123456789 years... agad akong lumabas ng cr at inumpisahan na ang skin care routine ko. Pagkatapos ay lumabas na ako ng banyo, bigla akong napangiti ng makita ang dress na nasa kama ko

"Alam talaga ni Jessie ang taste ko" wala sa sariling nasambit ko at agad na sinuot ang spaghetti straps backless dress with ultra thin ankle strap stiletto sandals, naglagay lang ako ng light makeup at nilogay ko ang hanggang bewang at malaalon kong buhok

"You're so gorgeous .." napalingon ako sa familiar na babae na nagsalita sa likod at nakita ko si Jessie na nakasuot ng black satin skater dress with polka dot heels. Oo nga pala kasama ko din siya "Handa na yung car, let's go?" Tinignan ko muna ang sarili ko at saka umalis

Nang makarating kami sa harap ng bahay DAW nila Tierra, natawa nalang si Keera ng pasadahan nya ang malaking bahay na halatang mayaman din ang nakatira

"Ito na ba bahay nya? Hindi manlang nangalahati sa mansyon nyo" natatawang sabi ni Keera, alam kong ako ang tinutukoy ng bruhang to, nakita ko naman si Jessie na nakita tawa din kay Keera "I'm sure, mapupunta sayo lahat ng atensyon" paniniguro ni Keera

"I agree" ani Jessie "Are you ready?" Tumango lang ako bilang sagot sa tanong ni nya. Biglang lumabas si Jessie at Sumunod si Keera at..ako

Tama nga ang sabi ni Keera na maagaw ko ang atensyon ng mga tao dahil pagbaba ko palang ng sasakyan ay naagaw ko na ang atensyon ng karamihan, pinangunahan ng dalawa ang pagpasok ng sa bahay nila Tierra at ako naman ang na sa huli, ng marating namin kung saan ginaganap yung party nakita kong napatingin ang ibang tao kay Jessie at Keera ng makapasok sila, magaganda at sexy din kasi yung mga bruha kaya ako ang sumunod sa kanila, napansin din siguro nila Jessie at Keera na nasakin ang mga pangin ng mga tao, well ganon talaga chour! Haha. Nakita ko si Tierra at Farrey na nagtatawanan with their Alagads at napansin siguro nila na nasa amin ang atensyon ng lahat kaya napatingin din sila sa amin.

"Keera" tawag ni Tierra habang papalapit sa amin, agad siyang nakipagbiso kay Keera, hmp! Plastik! "ahm..who is she?" Nagtatakang tanong nya, bigla namang tumawa si Keera na parang luka loka

"Ahh, this is Jessie Vloks my friend" nilahad ni Jessie ang kamay nya at inabot naman yon ni Tieera

"Hi, nice to meet you, and..she's..?" Nagtataka siguro siya bat hindi ako pinakilala ni Keera

"Hindi mo siya kilala? Akala ko ba nag eenvite lang kayo pag kilala nyo?" tumatawa paring sabi nya

"Who the hell is she?" Naiinis na sabi ni Tierra, bigla naman akong natawa

"She's Sa--" pinutol ko ang sasabihini ni Keera dahil gusto kong ako mismo ang magpakilala sa kanya

"I'm Sam, Samantha Mighel Ocampo" nakita ko naman ang gulat na gulat sa mga mata ni Tierra at pilit na tumawa

"You're kidding me, right?" Hindi parin makapaniwalang tanong ni Tierra

"Of course" sabi ko at nakita ko siyang napangiti "Of course not" gusto kong tumawa ng malakas ng bigla na naman siyang nagulat

"Impossible.." pabulong nya na parang hindi paring makapaniwala

"It is...possible" dagdag naman ni Keera

"Hi Keera, asan si nerd, este, Sam?" sulpot naman ni Farrey at bigla siyang napatigil ng makita si Tierra, "oh? What happened to your face Tier, bakit parang nakakita ka ng multo?" Natatawa namang ani Farrey, sinamaan lang siya ng tingin ni Tierra at bumaling naman siya sa akin "Hi, I'm Farrey anne Florez" sabay lahad ng kamay nya, inabot ko naman iyon "You're gorgeous, what's your name" nakangiti nyang tanong. Napatingin ako kay Keera at Jessie at nagpipigil naman sila ng tawa

"I'm Samantha Mighel Ocampo" bigla nyang nabitawan ang kamay ko at napanganga

Keera pov.

Gusto kong tumawa ng malakas ng malakas ng malakas, grabe talaga yung mga mukha ng dalawa gulat na gulat hahaha
Sino ba naman hindi magugulat? E, yung pangit na SOBRANG pangit na nerd na binubully nila sa school ay dyosa pala. Oh? Ano say nyo ngayon?

"A-ahmm.. aasikasohin ko muna mga bisita ko, excuse me" biglang umalis si Tierra

"Ahm, me too" agad ding umalis si Farrey, lumapit naman ako kay Sam at inakbayan siya

"Oh? Pano nyan bukas, magpepretend ka pa ba?" Natatawang tanong ko sa kanya, tumingin naman siya sa akin at tumingin ulit sa harap

"Ayoko na, di ko na kaya" natawa kami pareho sa sagot nya. Sabi ko na nga ba eh, di nya matitiis mabully tsk.tsk.

Kung dati nya pa sana naisipang tigilan na ang pagpapanggap edi sana hindi siya nabubully simula high school. Sabagay di ko siya masisisi

Third person pov.

"Dudddde" bati sa kanya ng lalaki na kakadating palang, pumulot ito ng isang wine glass na nakalatag sa mesa "sorry nalate ako, asan sila Tierra?" Tanong nya at nagpalingon lingon ito, hindi naman nya iyon pinansin dahil naagaw ang atensyon nya sa dalawang babaing bagong dating sa di kalayuan at alam nyang isa don si Keera, sumunod ang isang pang babae na mas lalong nakapag paagaw ng atensyon ng lahat ng tao na naroon at isa na siya don "Whoa! Who is she? Ang ganda nya" napatingin siya kay Samuel at nakita nya na punong puno it ng paghanga sa mga mata, tumingin din siya sa mga taong naroon at puno din ito ng paghanga habang nakatingin doon sa babae.

Lalapitan nya sana ito ngunit, napahinto siya ng nakita nyang nilapitan ito ni Tierra, habang pinagmamasdan nya ito, unti unti namang kumunot ang nuo nya ng makita ang gulat sa mukha ni Tierra at ganon din Farrey. Nakita nyang umalis ang babae at sinundan nya ito hanggang sa labas ng cr

"Hi" bati nya sa kakalabas na babae, hindi siya pinansin nito at magpapatuloy na sana ng "I know who you are" biglang namang napahinto ang babae at gulat na gulat naman na humarap sa kana "Samantha Mighel Ocampo or should i call you.. Sabrrina Mighel Ocampo.." mas lalong nanlaki ang mga mata nya ng banggitan ng lalaki ang huling pangalan nya


A/N: Sorry kung may nabasa kayong mali maling spelling or kulang na words kasi wala po akong time mag edit. Thank you😊

My Girlfriend is a Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon