Chapter 11
Azekeil's pov.
"Aze" napalingon ako sa tumawag sa akin.....
"Samantha" lumapit ako kanya ng may ngiti sa labi "bakit ganyan ang suot mo?" bigla kong tanong sa kanya. Pano ba naman nakasuot siya ng maxi dress, tuloy nasa kanya yung tingin ng mga tao
"Huh? Bakit? Pangit ba suot ko?" kunot noo nyang tanong
"No. Of course not, it's just that..." putol ko sa sinasabi ko at kamot ulong tumingin sa suot nya "Naaagaw mo yung pansin ng mga tao.... sa ganda mo" umiwas ako ng tingin sa kanya. Narinig kong natawa siya ng mahina at nakatingin sa akin "Let's go?" Nalang nasabi ko para iwas hiya. Badtrip!
..
"Saan tayo pupunta?" tanong nya sa kalagitnaan ng byahe namin. Ngumiti lang ako sa kanya at ibinalik na ang tingin sa daan
"Kahit saan" sagot ko
"Walang lugar na kahit saan" napalingon ako sa kanya "joke" at pareho kaming natawa
..
Samantha's pov.
"Nandito na tayo" masaya nyang sabi at nagulat ako ng makita ang lugar kung saan nya ako dinala.
San Agustine Church..
"Bakit tayo nandito?" gulat kong tanong sa kanya at hindi inaalis ang paningin sa lumang simbahan.
Biglang nanikip ang pakiramdam ko at nahihirapan akong huminga. Nilingon ko siya at nakangiti lang siyang nakatitig sa akin. Bakit nya ako dinala dito? May alam ba siya tungkol sa akin?ang daming tanong sa isip ko na gusto kong itanong sa kanya pero lalo lang sumasama ang pakiramdam ko pag iniisip ang mga tanong sa utak ko at panay ang lunok ko dahil sa pagpipigil ko ng mga luhang namumuo sa mga mata ko.
"Dinala kita dito kasi sabi ni Jessie, mahilig ka daw sa old places, I mean.. kagaya nitong simbahan na to" nakangiti nyang sabi. Hindi ako umimik at nakatitig lang ako sa simabahan, naramdaman kong may pumunas sa mga mata ko at agad kong hinawakan ang panyo na pinupunas nya, hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako "Sam? Bakit ka umiiyak?" Nag aalala nyang tanong.
Hindi ko siya sinagot at dali daling inayos ang sarili at pinilit nalang ngumiti sa harap nya "I'm fine. May naalala lang ako" sabi ko nalang
"Ano naman iyon?" panguusisa nya. Napalingon naman ako sa kanya ng may pagtataka "ah-haha ok lang kung ayaw mong ishare sa akin" napapahiya nyang sabi at umiwas ng tingin.
Ngumiti muna ako bago magsalita "saka ko nalang sasabihin pag handa na ako." Ngumiti siya sa akin at ginulo ang buhok ko
"Tss. Sabi mo yan ah?" Ngumiti lang ako at tumango bilang sagot "tara na nga, ini-expect ko pa namang magiging masaya ang firstdate naten" nakangiti nyang sabi habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.
Papasok na kami sa loob ng simbahan, pero habang palapit ng palapit kami ay lalong dumadagundong ang kaba sa dibdib ko, unti unti na din akong nakakaramdam ng paninikip sa dibdib ko.
"Ah. A-Azekiel" tawag ko. Nilingon nya naman ako "p-pwede bang ne-next time nalang naten ituloy yung date naten?" hindi ko na talaga kaya, feeling ko anytime magcocollapse ako dito.
Napakunot naman ang nuo nya "Sam? Bakit namumutla ka?" nagulat ako ng hawakan nya ang nuo ko na parang sinusuri kung may lagnat ako "Mainit ka" nakita ko ang pagaalala sa mga mata nya pagkatapos hipuin ang nuo ko "dadalhin kita hospital" nagulat ako sa sinabi nya.
Hindi ako nagpapadala sa hospital pag may sakit ako, gusto ko sa bahay lang, OMG! What should i do? Di ako masyadong makapagsalita dahil nahihirapan na akong huminga. Pero bago pa man ako makapagsalita ay nabuhat nya na ako naparang pangkasal..
Kung may isang hiling
Sa aking dalangin
Yun ay ikaw
Kung may isang tibok
Ditto sa puso ko
Yun ay ikaw..Nakatitiglang ako sa mukha nya habang buhat buhat nya ako.
dugg..dugg..dugg
Kay tagal kong
Hinintay
Dumating ka
Sa buhay
At ngayon
Di makapaniwalang
Akin ka na
Di makapaniwalang
Akin ka na
Kung magbalik ako
Sa nakaraan
Ikaw parin
HmmmBigla nalang nagslowmotion ang paligid ko. Yung mabilis nyang takbo naging mabagal, kahit yung pagsulyap nya sa akin, tuloy ay napapapatitig ako sa maganda nyang mukha.
Gusto kong dambahin ang dibdib ko dahil lalo itong bumibilis, dahilan ng pagsikip ng pakiramdam ko at mahirapan akong huminga. Unti unti nang lumalabo ang paningin ko.
...
Jessie's pov.
"ANO?!..osige.. sige papunta na kami dyan" sabi ni Keera at ibinaba na ang telepono. Kahit kailan ang OA talaga mag react ng babaing to. Pati ba naman sa telepono sisigawan ang kausap? tsk.tsk.tsk
Nandito kami sa mansyon ni queen, tunatambay, joke! Hehe beke mepetey kami pag gawing tambayan yung mansyon nya, nako! Mahal ko pa buhay ko no!
Pero ito totoo na to. Nandito kami nila Meriam, Keera, lucy at Troy ay dahil may pinaiimbistiga sa amin si queen na necklace. Di ko alam, pero siguro may kinalaman yung necklace don sa past ni queen. Napaangat ako ng tingin ng humarap si Keera sa amin ng nagaalala ang mukha. Napano to?
"Guys..tumawag si Azekeil, s-si queen n-na sa hospital" sabay sabay kaming napatayo at gulat na gulat sa isa't isa.
"Patay." nalang ang tanging naisatinig ni Lucy.
"Saang hospital daw siya dinala?" Napatingin kami kay Troy ng magsalita ito
"Nasa Chotangco Hospital" sabay sabay kaming nagkatinginan sa sinabi ni Keera.
Agad kaming lumabas ng mansyon ni qeen, nagpapaunahan pa! tss. Pagdating sa parking lot, kanya kanya kaming sakay sa sariling kotse namin at agad nang pinaandar ito. Paniguradong kami ang mapapatay ni queen pag di namin sinundo si queen sa Hospital, takot pa naman yon sa injection haha. Uy! Secret lang naten yan, wag nyong sasabihin baka di na ako abutan ng bagong sinag ng araw bukas! >_<
Pagkarating sa hospital, paunahan na naman kami sa loob at tinanong kung anong number ng room ni queen. Sinabi naman ng nurse na nasa 07 room ito kaya agad kaming pumunta don. Kailangan namin magmadali at maabutang hindi pa ito tinuturukan ng karayum. Gusto kong tumawa sapagkat dahil lang sa karayum ay nagpapaunahan pa kami pfft!
"QUEEN!!" sabay sabay naming sigaw ng makapasok sa room 07
Patay!
Akin kana by Yeng
A/N: Hi, if nag enjoy kayo sa pagbabasa, please vote for this chapter and you can also leave a message in the comment section. Habang nagbabasa po kayo isabay nyo po ang pakikinig ng theme song nila para mas lalong ramdam nyo heheh. Loveyou😘
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Gangster Queen
Action"Mahal kita Samantha. Mahal kita kahit ikaw pa yung maging number one killer na babae sa buong mundo.."