Habang naglalakad sa gitna ng campus ay nalilingunan lahat ng mga kalalakihan sa kanya. Natural lang na dapat na lingunin siya dahil masasabi niyang siya ang pinakamaganda sa buong campus nila. First year highschool pa lamang siya ay beterana na siya sa pagsali sa mga pageant at fashion shows kaya kahit first year pa lang siya ay nasungkit na niya ang korona ng paaralan nila. Lumilipas ang mga taon ay parami ng parami ang kanyang mga suitors dahil nga sa sobrang ganda niya. Ano ba ang magagawa niya, gising siya ng mga panahong nagsaboy ng kagandahan ang kalawakan at nasalo niyang lahat iyon.
Kaya kung sino man ang lalaking mapipili niya ay swerte ito dahil bukod sa maganda na siya, maganda pa siyang pumorma, sexy na, matalino na ay talented pa siya. Kaya wala nang hihilingin pa sa kanya ang lalaking sinisinta niya. By the way sino ba ang bet niyang lalaki? Walang iba kundi ang sikat na heartthrob ng school nila na si Phytos. Paano niya ito nakilala? Well kagaya ng mga fairy tale na napapanood ng iba sa palabas ay iniligtas siya nito sa mga lalaking gustong mambastos sa kanya. Second year highschool siya ng mangyari iyon at simula noon ay pinangarap niya ito.
Ginawa niya ang lahat para mapansin nito at maging kaibigan nito. Worth it naman dahil naging magkaibigan sila nito. From being an acquaintant ay nag level up sila sa pagiging mag kaibigan. And who knows di malayong maging sila dahil sadya naman talaga na bagay sila sa isat isa. Kaya swerte ito kapag niligawan siya nito dahil agad agad ay sasagutin niya ito. Well hindi lang kagandahan niya ang maipagmamalaki niya, kundi talino at talent niya. Sa katunayan ay dapat nasa first section siya nagbayad lamang ang kanyang mga magulang na ilagay siya sa second section dahil gusto niyang maging kaklase si Phytos. Di ba ganun kalakas ang mga magulang niya dahil galing siya sa maimpluwensyang pamilya.
Bukod sa pagiging sikat sa kanilang campus ay dagdag pa diyan ang pagiging cheerleader niya. Sa katunayan sa buong history ng Chair of Saint Peter Academy noon lang naging champion sa cheering squad ang kanilang paaralan simula nang maging cheerleader siya. Kaya masasabi niyang siya ang dahilan kung bakit nagchachampion ang school nila sa larangan ng cheering. Bakit siya sumali sa cheering squad? Gawa ni Phytos, basketball player kasi ito. Sa tuwing nag lalaro ito ay feeling niya bawat shoot nito ng bola ay para sa kanya iyon. Kaya kahit hindi pa sila nariyan siya para suportahan ito. Nagpapractice siyang maging supportive girlfriend nito.
Aaminin niyang in love na in love siya kay Phytos kaya naman lahat ng paraan ay ginagawa niya makuha lamang ito. Kaya kapag nababalitaan niyang may pinopormahan ito o nagiging girlfriend ay agad niyang sinisira ang relasyon ng mga ito ng palihim. Oo na masama na siya kung masama pero yun kasi ang nakikita niyang way para walang humadlang sa plano niyang mapaibig si Phytos. Dahil naniniwala siya na si Phytos ay para sa kanya.
Nang sapitin niya ang lugar na bench na kinatatambayan ng mga kaibigan niya na sina Lei at Gyn ay agad siyang binati ng mga ito.
"OMG. You're so beautiful friend." Pagpuri sa kanya ni Lei sabay yakap.
"And look. Bago na naman ba ang bag mo?" Tanong pa ni Gyn ng mapansin nito ang bagong bili niyang LV na bag.
"Yes. Binili ko ito noong nagbaksyon ako sa LA." Aniya sa mga ito.
"Oh. I see." Aniya naman ni Lei. Maya maya ay inilabas na niya ang bitbit niyang paper bag at ibinigay sa dalawa.
"Ayan. Para sa inyo. Pasalubong ko from LA." Aniya dito. Natuwa siya nang makitang natuwa ang mga ito sa pasalubong niya.
"OMG! Chanel Perfume?" Natutuwang anas ni Gyn.
"Yeah. And that is two hundered dollars in the States." Aniya dito.
"Oh my goodness! I think this is very expensive." Aniya naman ni Lei sa kanya nang tumambad dito ang make up na bili niya dito. Isang set iyon at binili niya iyon sa Las Vegas noong mag bakasyon siya.
"Well Lei five hundred dollars lang naman iyan." Ani naman niya dito na ikinatuwa ng mga ito. Well ugali na niya iyon na everytime na lalabas siya ng bansa at uuwi ng Pilipinas ay lagi siyang may regalo sa mga ito. Gusto niya kasi na makuha din ng mga ito ang gusto nito gaya nang nararanasan niya. Iyon ang hindi alam ng iba. Mapagpahalaga siya sa mga kaibigan niya at hindi niya iyon pinapabayaan.
"Nakita niyo na ba si Phytos?" Tanong niya sa mga ito.
"Well nakita namin siya na kausap si---" naputol ang sasabihin ni Gyn nang tumaas ang kilay niya.
"Sino?" Aniya dito.
"Si Zoe." Sagot ni Lei na ikinalingon niya dito.
"Zoe? Yung trying hard na sumali sa cheering squad?" Tanong niya sa mga ito.
"Yeah. Exactly." Ani ni Lei habang sinisipat nito ang regalo niya. Noong nakaraan kasi ay nag audition ang sinasabi nitong Zoe sa kanilang cheering squad. Hindi niya nagustuhan ang tabas ng dila nito nang sagut sagutin sita nito. Ipinahiya siya nito sa mga kasamahan niya. Kaya mula noon ay opisyal na niyang naging mortal na kaaway ito. Noong una ay nakikita na niya ito pero hindi niya ito pinapansin at dinadaan daanan lamang niya ito. Kaya nagtataka din siya bakit siya kinakalaban nito. Kaya sinabi niya sa sarili na mag sisisi ito kapag hinarangan nito ang plano niya para kay Phytos.
"Girl. Ingat ka. Baka maunahan ka ni Zoe Girl." Pagpapaalala sa kanya ni Lei na siyang ikinahalukipkip niya.
"Siya ang mag ingat. Pag nalaman ko lang na nilalandi niya ang Phytos ko. Humanda siya sakin. Sisiguraduhin ko na manghihiram siya ng mukha sa aso kapag kinompronta ko siya." Mataray niyang sagot sa mga ito.
Maya maya lamang ay nag bell na. Hudyat na magsisimula na ang next subject nila kaya bumalik na sila sa classroom. Nang makarating sa classroom ay nakita niya si Phytos na nakaupo sa sarili nitong upuan kaya naman binati niya ito.
"Hi Phytos." Aniya dito na agad naman itong ngumiti.
"Kamusta ka naman?" Tanong niya dito saka siya nilingon.
"I'm ok. Ikaw ba?" Nakangiti nitong turan sa kanya.
"Ok naman. Actually mas naging ok nang makita kita." Aniya dito na ikinangiti nito.
"Well. Good for you." Anito sa kanya sabay kindat. Matapos yun ay kinikilig siyang umupo sa sarili niyang upuan at pinagmasdan si Phytos na nagbabasa sa sarili nitong upuan.
"Ang gwapo talaga niya." Aniya sa kanyang isipan. Tinitigan niya ang mukha nito. Napakakinis ng kutis nito, mapupula ang mga labi nito na parang kay sarap halikan, tangos ng ilong nito at siyempre, kung ito ay nakatayo napakaganda ng tindig nito. Kaya sino ba naman ang hindi mababaliw sa lalaking ito. Maya maya ay dumating na ang kanilang teacher at nag simula na ang kanilang klase.
BINABASA MO ANG
Got To Believe In Magic (Series 4)
RomanceMataray, suplada, bully, at maarte. Ilan lamang iyan sa mga deskripsyon kay Juliana bilang isang Campus Queen Bee mula high school hanggang sa tumuntong siya sa college. Alam niyang may pagka magaspang ang kanyang ugali at inaamin niya iyon. Pero sa...