Prologue
Ang pamilya ni Calix ay may magandang imahe sa iba, maraming na nga ngarap at inaasam na mag karon ng ganun klaseng buhay dahil matatawag mo itong perpektong pamilya.
Kaso 'walang perpekto sa mundo', nang maganap ang reunion ng kanilang pamilya ganun narin ang kaarawan ni Calix, parang ihip ng hangin ang nag pabago sa ikot ng mundo niya at naging trahedya ang dala, dahil dun mabilis gumuho ang salitang pamilya na inaasam ng iba.
Makakamit pa kaya ni Calix ang hustisya ng yari sa pamilya niya? O hahawakan niya ang patalim sa tulong ng pag ibig?
Pero pwede naman diba parehas piliin :/
Chapter 1: Favorite Spot
"Kayong mga bata talaga, di na ba kayo na pagod kakatakbo?" malumanay na bigkas ni Lola Josephine habang pinupunasan niya ang likod ko dahil basang basa ito ng pawis
"Lola alam mo namang po ngayun lang ulit kami nag kita-kita nila Brian eh" hinarap ako ni lola sa kanya at nilagyan niya ako ng pulbos sa dibdib
"Bat kasi ngayun lang ulit kayo pumunta dito sa bulacan?"
"Tsk! Sila Mom at Dad po kasi laging busy atsaka nag aaral narin po kami"
tumawa ng bahagya si Lola at inamoy ako"Sige na apo sumali ka na sa kanila" pag kalas ni Lola sa yakap ko, way for me to thank her, tumakbo na ko papalapit kayla kuya Felix
"Kuya Felix ano na nilalaro niyo?"
"Hay nako Calix wag ka ng sumali sa laro namin di ka naman mabilis tumakbo!" pang aasar sakin ni Aspen
"Tsk! Ako ba kinakalaban mo?!" sarkastikong tanong ko sa kanya
"Di mo lang matanggap na takbo pagong ka! HAHAHA!" malakas na tawanan nilang tatlo
Tss
"Kung ako sayo Aspen di ko aasarin si Calix, aba nag pupursige yan tumakbo ng mabilis at nag aaral yan ng martial arts" napangiti naman ako sa banat ni Kuya, kahit kailan knight ko talaga siya
"Pft—Ano naman kung ganun, sige nga habulin mo ko Calix!" hamon sakin ni Aspen
Hay nako
Nag simula na siyang tumakbo, tinignan ko si kuya na nailing iling ang kanyang ulo, na parang sinasabi na mali ang na isip ni Aspen na hamunin ako
Tsk makikita mo na ngayun kung sino hinahamon mo Aspen!
Mabilis kong na hahabol si Aspen ng aabutin ko na siya bigla siyang na hulog at gumulong gulong sa mga dahon.
Kaya nag madali akong lumapit sa kanya at tinulungan ko siyang maka-upo.
"Tsk! di ka kasi nag iingat e! May sugat ka tuloy!" nag aalalang sigaw ko sa kanya habang siya naman iniiwas yung mukha niya sa lakas ng sigaw ko, kaya na patawa ako
"Bat ka pa na tatawa ha! Masakit na nga eh!"
"Sus di mo lang matanggap na habol kita"
BINABASA MO ANG
Bittersweet Tragedy (ON-GOING)
Romance'Walang perpekto sa mundo', nang maganap ang reunion at kaarawan ni Calix, parang ihip ng hangin ang nag pabago sa ikot ng mundo niya at naging trahedya ang dala, dahil dun mabilis gumuho ang salitang pamilya na inaasam ng iba. Status: Ongoing!!! S...