Chapter 8: Letter

32 6 0
                                    

Pag tapos namin maligo, tinulungan niya ako mag luto ng pagkain kasi parating na sila dito sa bahay

"Marunong ka ba talaga mag hiwa ng sibuyas?" pabirong tanong ko

"Huh? Oo naman"

"Pero bat ganyan yung hiwa? Pa-triangle?" tumawa ako at lumapit sa kanya

Hinawakan ko rin yung hawak niyang kotsilyo at nag simulang mag hiwa

"Ganyan, hindi pa-triangle okay"
Bigla niyang sinapak yung balikat ko at nag hiwa ulit siya

"Hoy! Para saan yun?" tanong ko sa kanya

Di niya ko sinagot kaya nag simula na
ulit ako mag luto

Nang makarating sila, agad kaming nag blessed kayla Lola Tessa at Lolo Jay at binati sila Tita

"Ayos na ba yung pag kain apo?" malumanay na tanong ni Lolo Jay samin ni Calix

"Okay na po" masayang sabi ni Calix

"Abay tara na kumain para matikman natin yung luto ng anak ko at ni Aspen" nakangiting sabi Tito Reo

Dumaretso kaming lahat sa dining table at umupo na sila kaya naman kaming dalawa ni Calix inasikaso yung mga pagkain para ilagay sa table

"Kami na po bahala dito" sabi nung maid samin

Kaya umupo na kami ni Calix at nag simula na silang tikman yung luto namin at tumawa bigla si Felix

"Luto ba talaga 'to ni Calix?" tanong ni Felix habang na tawa

Tumingin ng masama si Calix kay Felix kaya bigla tumigil si Felix sa pag tawa

"Di rin ako makapaniwala na marunong na pala mag luto ang apo ko" sabi ni Lola Tessa

"Bakit naman Lola?" tanong ni Tita Kathleen kay Lola Tessa

"Kasi noon nag presenta si Calix na siya daw mag luluto ng dinner, na gulat kami nung tikman namin yun kasi–" di pa tapos mag salita si Lola Tessa ng nag simula ito tumawa pati sila Tita Rosalie

"Kasi po?" tanong ulit ni Tita Kathleen

"Kasi di pa luto yung pag kain at dang alat alat nito" tawang tawa sabi ni Lola Tessa kaya na patingin ako kay Calix na nakayuko at namumula ang mukha

I need to do say something!!

"Pero Lola halos siya ang gumawa nitong pagkain na nakahain dito" sabi ko sa kanila kaya biglang tumingin sakin si Calix

"Talaga ba! Abay pwede ka na mag asawa apo" pabirong sabi ni Lola Tessa kay Calix kaya nag tawanan ulit sila

"Wala po akong balak mag asawa Grandma"

Lahat kami na tigilan ng sabihin yun ni Calix

"Bakit naman apo?" tanong ni Lola Tessa sa kanya

"Di ko po alam Grandma" sumubo ng pag kain si Calix at naging tahimik yung sandaling yun

Maya maya nag usap usap ulit sila ng mga bagay bagay kaso di parin ako maka move-on sa sinabi ni Calix

Bat kaya huhu

"Tama ba ang narinig ko Aspen na pilit mo mag swimming si Calix?" tanong sakin ni Tita Rosalie

"Opo Tita"

Ngumiti ito at pumalakpak

"Lalong naging cute si Calix habang suot yung mga swimsuit. Right Aspen"

Nabilaukan ako sa sinabi ni Tita Rosalie kaya agad inabot sakin ni Mama yung tubig ko

Tama ka Tita!!

Bittersweet Tragedy (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon