Chapter 14: Threat

29 3 0
                                    

Steve Pov:

Ginising ako ni Allison, madaling araw palang at na iyak ito, kaya bumagon ako at yinakap agad siya

"Nightmare honey?"  tanong ko sa kanya

"Hindi..."

"Bakit anong meron?"

"May tumawag sa phone mo unknown number, sabi niya mamili daw ako kaibigan o pamilya"

Kinuha ko yung phone ko para makita kung totoo ba talaga, baka kasi na naginip lang siya, pero totoo may unknown number nga tumawag sakin

"Anong pinili mo honey?" 

"I chose family Steve... Then suddenly he laughed creepy as hell, atsaka sabi niya na tama daw pinili ko, kaso mamatay parin daw tayo..."

"What?!"

"Am telling the truth Steve, pakinggan mo pa sa call record"

Kapag kasi unknown number ang na tawag nag rerecord agad 'to, kaya pinakinggan ko yung tawag. Tama nga sinasabi ni Allison.

"Sino gagawa satin nito Steve?"  naiiyak na tanong niya kaya pinunasan ko yung luha niya at niyakap ulit siya

"Honey it's just a prank, binabalita yung mga ganito... Kaya wag ka mag alala ipapatrack ko agad 'to"  tumahan na siya sa pag iyak at huminto narin siya sa panginginig

"Okay..."

Pinatrack ko agad kay Liam, kaibigan niya si Aspen at katuwang namin sa kumpanya, yung caller daw andito rin sa Laguna kaso ngayun di na daw na gana yung sim.

Habang kausap ko si Liam sa balcony ng bahay nila Reo may biglang lumabas sa mga dahon dahon at isang lalaki ito at papalapit 'to sakin

Nang makalapit siya sakin, tinanggal niya yung mask sa muka niya at ngumisi sakin

"Sino ka?"  tanong ko

"Ako yung hinahanap mo, ako yung tumawag."  nag dikit siya ng patalim sa gilid ko at tumawa

"Anong kailangan mo?"

"Buhay mo, buhay ng asawa mo at buhay ng iisa mong anak"

Sasapakin ko dapat siya pero diniinan niya yung pag tusok ng patalim sa gilid ng katawan ko

"Bakit mo 'to ginagawa?"

"For entertainment."

"What?"

"Sundin mo yung ipapagawa ko sayo, mabubuhay kayo."

"Pano ako makakasiguro?"

"Nakawin mo yung mga importanteng documents at pera sa office ng restaurant ni Reo, once na gawa mo yun. Isama mo yung magina mo, kapag ibibigay mo sakin yung pinapakuha ko sayo."

"Bakit mo kailangan yun?"

"Sabi ko diba for entertainment."

"Bakit kailangan ko pa isama yung asawa at anak ko?"

"Di niyo naman ako kikitain, ilalagay niyo kasi yun sa liblib na lugar sa dasma"

"Dasma?"

"Kapag may nakahuli sayong na sa office ka ni Reo sabihin mo pinapapunta ka dun ni Adrian"

Adrian?

Bakit si Adrian? Bat kailangan din madamay si Adrian dito?!

"Bakit?"

"Isa pang tanong mo, lahat sila dito mamatay dahil may pampasabog akong nilagay sa bawat sulok ng bahay na 'to once na pinindot ko 'to. Bye bye"Pinakita niya sakin yung keychain na may on and off

Bittersweet Tragedy (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon